chapter 30

1.9K 43 0
                                    

Napaawang ang bibig ko matapos na sabihin sa akin ni Charlotte ang tunay na sitwasyon nila ni Aidan. May ganun pala? Para kasing hindi kapani-paniwala. Marriage for show? Kasal na hindi naman totoo?
Ako kasi kinalakihan ko na ang paniniwala na ang kasal ay isang sagradong bagay para sa dalawang taong nagmamahalan. Kaya ang hirap mag-sink in sa utak ko ng mga sinabi ni Charlotte. Oo,si Charlotte lang talaga ang nagsalita the whole time. Si Aidan walang ginawa kundi haplusin ng haplusin ang balikat ko tapos panay panay pa ang halik. Panay panay din ang saway ko pero sobrang tigas talaga ng ulo. Nahihiya na nga ako kay Charlotte pero itong isang ito parang wala talagang kapaki-pakialam. Napapaiwas na nga lang ako kapag napapansin na ni Charlotte, sa halip kasing magalit siya para pa siyang tuwang tuwa sa pagkamanyak nitong isang ito.

Nalaman ko rin na ang bata pa pala ni Charlotte. She is just 19 years old. Nagpakasal daw sila kuno ni Aidan nung mag-eighteen siya. As in kinabukasan pagkatapos ng kanyang debut. At yun ay dahil sa kanyang stalker. Buong akala nila kapag ipinakalat nilang may asawa na si Charlotte titigil na ng tuluyan yung stalker niya yun pala nagpahinga lang at ang huling atake nga sa kanya ay nangyari three months ago. The reason kung bakit biglaan ang pagluwas nina Aidan ng Manila. At ang malala sa lahat pinsan pala siya ni Chester.



"Baby". Napakislot ako ng isiksik ni Aidan ang mukha niya sa leeg ko. Humagikhik naman si Charlotte.

"Parang hindi ma-absorb ni Ate ang mga sinabi ko. Natutulala kasi siya,kuya."

"It's okay,baby! I know it's too much to easily understand our situation. But at least now you know. There'll be no secrets from me."

"Weh! Talaga lang ha!"napatingin ako kay Charlotte. Nakangiwi siyang napatingin naman sa akin.

"What do you mean talaga lang ha?!"nakasimangot namang tugon ni Aidan." Baka mamaya kung anong isipin ng ate mo."



Napanguso na lang si Charlotte.


"Alis na ako,'te!"napalingon ako kay Charlotte.

Pinunasan ko muna ang kamay kong basa. Katatapos ko lang kasing maghugas ng mga pinagkainan namin. Si Aidan naman nagpaalam kaninang maliligo muna.



"Agad-agad! Halos kadarating mo lang ah!"

"Gusto ko nga sanang mag-stay kaya lang 'te naalala ko may pinapagawa pa pala sa akin si Mommy. Thank you po sa dinner."

"Ganun ba?"hindi ko maiwasang malungkot kasi siya pa lang ang nakakasalamuha kong ibang tao dito and I find her kind. Nakakalungkot lang na hindi ko alam kung kailan ko siya muling makikita. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan ako dito.



CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon