chapter 16

1.8K 36 6
                                    

O kay bilis namang maglaho ng pag-ibig mo sinta
Daig mo pa ang isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang
Oh ba't bigla na lang nawala
Daig mo pa ang isang kisapmata
Oooohh,aahhh

Ipinikit ko ang aking mga mata. Lumayo na nga ako sa makapal na kulumpon ng mga tao sa harap ng entablado kung saan may kumakantang banda pero dinadala naman sa akin ng hangin ang mga liriko ng kantang inaawit ng banda. Para namang nananadya.

Hinayaan kong nakapikit ang aking mga mata.

Kisapmata.........

Parang ganun ang nangyari sa amin ni Aidan.

Mabilis......

Kung tutuusin sa bilis ng pangyayari sa amin ni Aidan dapat lang di ba na madali ko siyang makalimutan? Pero bakit ganun?

I sigh.

Pagmulat ko ng aking mata ang kapayapaan ng dagat ang sumalubong sa akin.

Nilingon ko ang aking pinanggalingan. Kita ko ang pagtatalunan ng mga tao habang nakikinig sa pag-awit ng banda.

Alas-tres na ng hapon. Kani-kanina lang kami dumating ni Ali dito sa Bagasbas Beach. Sabi ni Ali mas maganda daw pumunta ng bandang hapon kasi may mga banda nga daw na kumakanta.

At sakto naman pagdating namin na yun ang kinakanta kaya mas pinili ko na lang mapag-isa. Nakapag-txt naman ako kay Ali na maglalakad-lakad muna ako.

Kahit na medyo may kalakihan ang mga alon dito sa Bagasbas Beach makikita mo pa rin naman ang kakalmahan nito.

Naaalala ko pa nung unang pagpunta namin dito ni Ali. Tuwang tuwa kaming dalawa sa mga alon. Sa Jose Panganiban kasi hindi naman ganito kalalaki ang alon,lumalaki lang ang mga alon doon kapag masama ang panahon hindi gaya dito sa Bagasbas. Nakita nga namin sa labas ng resort na magkakaroon ng surfing competition dito sa susunod na linggo.

Nagmamaktol nga si Ali. Gustong gusto pa naman daw niyang makakita ng mga poging surfers.

Tumunog ang aking cellphone para sa isang mensahe.

Rumehistro ang pangalan ni Ali.

Ali:
Girl,san ka?

Agad akong nagreply.

Ako:
Dito sa may batuhan. Malapit sa pink na flag.

Ibinalik ko ang aking cellphone sa bag.

Maya maya pa nakita ko si Ali na lakad takbo ang ginagawa.

"Girl,andito ka lang pala!"hinihingal pa siya.

"Nag-text ako sa iyo di ba? Sabi ko maglalakad-lakad ako."

"Oo nga,eh ano bang problema bakit ka umalis doon? Okay naman yung banda ah? Hindi masakit sa tenga ang mga kanta nila."

CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon