chapter 50

2.2K 39 2
                                    

Kagat kagat ko ang aking labi habang nakatingin sa aking repleksiyon sa malaking salamin. Sinulyapan ko si Ali na panay ang bulong sa kanyang cellphone. Kadarating lang namin dito sa isang hotel. Sabi ni Ali dito gaganapin yung party ng friend niya. I look at my dress. Actually si Ali ang pumili nito para sa akin kasi ayaw ko talagang magbihis kanina. Ang balak ko kasi  hihintayin ko na lang si Ali na magbihis then ihahatid namin siya ni Mang Rey sa friend niya. Kaya lang sa sobrang kulit ni Ali at saka nakakahiya na rin kay Mr. Rajo Laurel na panay and sulyap sa Amin  at nahahalata na yata ang simpleng pagbabangayan namin ni Ali pumayag na lang ako. Kaya heto pagdating naman namin dito hinila kaagad ako ni Ali sa restroom. Tatawagan lang daw niya ang friend niya para ipaalam na dumating na kami. Kanina ko pa siya tinatanong kung sinong friend niya,palagi na lang niyang sagot malutong na "basta".


Napalingon ako ng tumikhim si Ali.



"Anong sabi ng friend mo?"




"Saglit lang daw,may konti pa atang problema sa venue."



"Ali,uuwi na lang ako. Nakakahiya naman kasi,hindi ko naman yata kilala yang friend mo tapos pupunta ako sa party niya. Papasundo na lang kita mamaya kay Mang Rey."



"Hindi pwede! Sayang naman niyang outfit mo. At saka kasama naman kita,wala namang problema dun."



Napabuntong-hininga na lang ako. Paano ko kaya makukumbinsi ito? Isa pa si Aidan,kanina ko pa tinatawagan hindi man lang sinasagot and mga tawag ko.



Tiningnan ko si Ali. Busy na naman siya sa kanyang cellphone.



"Iihi lang ako,Ali."paalam ko.



Tumango-tango siya.




Just as I was about to pee nagsalita si Ali.




"Bestie,mauuna na ako sa iyo nasa labas lang yung friend ko."nagmamadali niyang sigaw.




"A-ano? A-ali teka-------"




Bago ko pa man matapos and sasabihin ko narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto.



Naman talaga si Ali. Naghugas ako ng kamay at dagli ring pinatuyo ito. Kumunot ang aking noo ng hindi ko makita ang bag ko sa pinaglagyan ko kanina. Naisip ko si Ali,baka dinala niya ang bag ko. I look at the mirror once more then walked to the door.






"What the----"




Napakapit ako ng mahigpit sa handle ng pinto. Ang dilim! Bakit walang ilaw? Nasaan na si Ali?





"Ali!!"hindi ko napigilang sigaw.



Kinakabahan ako. Ano bang nangyayari?



Sisigaw sana uli ako nang mapansin kong mula sa kinatatayuan ko paunti-unti may maliliit na liwanag na paisa-isang nagpapakita. Hindi naman siya kandila but it's light was enough para magbigay liwanag sa paligid.




"Oh my God!"I gasped as i saw the small lights forming a path. Nangangatal ang aking labi sa sobrang kaba. Hinakbang ko ang aking paa. As soon as my shoe tap the floor lumiwanag ang sahig,then images of flowers came. Hinakbang ko muli ang isa ko pang paa,ibang klase naman ng bulaklak ang ipinakita sa sahig. It's like I'm walking on a LED screen. Bawat hakbang ng aking paa iba't-ibang uri ng bulaklak ang ipinapakita ng sahig. Naiiyak ako,hindi ko maintindihan,wala akong maintindihan sa nangyayari pero ang mga luha ko isa isa ng pumapatak. Binalikan ko ang mga ilaw at namangha pa akong lalo ng makita kong sumasayaw na sila ngayon. Ang galing ng gumawa nito. Nakakaiyak ang galing niya. Ipinagpatuloy ko ang paghakbang hanggang sa makita ko ang isang pinto. Nag-aalangan pa ako kung bubuksan ko ang pinto. Hindi ko naman kasi alam kung anong nasa likod ng pintong ito. While I am still contemplating whether to open the door or not,nanlaki ang mata ko ng makita kong dahan-dahan itong bumubukas. At katulad ng kinatatayuan ko ngayon,ang sahig niya punung-puno ng makukulay na imahe ng mga bulaklak only these time may mga kasama na siyang mga larawan ng puso. Hindi ako makagalaw. Ito na ba yung party ng friend ni Ali? Ang bongga naman ng pa-welcome. Napaka-sosyal. Pero bakit madilim pa rin? Ang tanging maliwanag lang ang sahig.



CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon