Hindi ko alam kung pang-ilang buntong-hininga ko na ito sa byahe namin papuntang ospital. I know Charlotte assured me already that he's fine pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.
Kanina ko pa rin nararamdaman ang mga tingin sa akin ni Thomas. Siya kasi ang nagmamaneho,katabi niya si Charlotte at ako naman nandito sa backseat. Kahit si Charlotte panay ang lingon sa akin.
"Relax,ate......okay naman siya talaga. It's just that grabe lang talaga ang worry ni Tita Avery."
Speaking of Tita Avery hindi kaya galit siya sa akin lalo na ngayong nangyari ito kay Aidan.
"Hindi ba galit sa akin si Tita Avery?"
"Why would she? It"s not like may ginawa kang masama sa anak niya. Kung tutuusin nga si Aidan ang may kasalanan sa iyo."Thomas commented.
"Oo nga,Ate. At saka i'm pretty sure hindi lang nagsasalita si Tita pero sure akong alam na niya ang nangyari sa inyo. May pagka-creepy din yun si Tita pagdating kay kuya lalo na after nung mabaril-------oh my God!!!"nilingon ako ni Charlotte.
Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya.
"You knew it? Sinabi na sa iyo ni kuya?"
Tumango akong muli.
Ngumiti si Charlotte.
"He really loves you talaga,Ate!"she dreamily said.
I heard Thomas snorted.
Hinampas kaagad siya ni Charlotte sa braso.
"Aray! What was that for?"hinimas-himas pa niya ang braso niya.
"Wow! Masakit ba? Maka-aray ka diyan."
"Mapanakit ka talagang babae ka!"pailing-iling pa si Thomas.
Napapailing na lang talaga ako palagi kapag nagbabangayan itong dalawang ito.
"Call me if you need a ride home......if only lang naman."sabi ni Thomas. Aalis din kasi kaagad siya kasi sasaglit pa daw siya sa opisina." And oh call me din if kailangan ko ng maghanap ng bagong secretary."
BINABASA MO ANG
CLOSER(COMPLETED)
General FictionSo baby pull me closer in the backseat of your rover That I know you can't afford Bite that tattoo on your shoulder Pull the sheets right off the corner of the mattress that you stole From your roommate back in boulder We ain't ever getting older...