chapter 20

1.8K 31 0
                                    

"Sa totoo lang kung bibigyan ko lang ng kahulugan ang mga titig mo sa akin iisipin kong finally may gusto ka na sa akin." Tumagilid siya at humarap sa akin. He smirked then pinch my nose.


Napangiwi ako. Kahit kailan talaga ang sakit nito makapisil ng ilong.

"Tigilan mo ako,Thomas! Kilabutan ka sa sinasabi mo. Kung magkakagusto ako sa iyo sana noon pa."sabi ko matapos kong hampasin ang kamay niyang ginamit sa pagpisil ng aking ilong.



"Malay ko bang sa tagal nating hindi pagkikita eh namiss mo ako ng sobra. You know the saying "absence makes the heart grow fonder". Iginalaw galaw pa niya ang kanyang mga kilay.


"Ewan ko sa iyo! Anyway maiba ako,paano mo nalaman ang bahay ko? At saka kailan ka pa nakabalik?".



Almost four years ko na rin kasing hindi nakikita itong si Thomas. Thomas Magno is my blockmate during my college days. Actually isa siya sa pinakamatiyaga kong manliligaw noon. Kaya lang wala talaga eh. Kaya sa halip na pagiging magkasintahan ang kapuntahan naming dalawa we ended up being best friends. He was my best guy friend kasi siya lang naman ang nag-iisang lalaking pinahintulutan kong pumasok sa buhay ko. Nang mag-stop ako sa pag-aaral dahil nga sa nangyari sa Tatay ko bihira na lang akong makabalita sa kanya. Hanggang sa nabalitaan kong nag-abroad siya kasama ng ate niya. Nagpaalam naman siya sa akin through text kasi wala nang chance na magkita kami kasi that time sa Manila na siya naglalagi.



Muli niyang binalingan ang ginataang kinakain niya. Paborito niya kasing pinapaluto yan sa akin. Obsessed din kasi ito sa mga luto ko. Pagdating nga niya kanina may dala na talaga siyang ingredients ng mga pagkaing gusto niyang ipaluto sa akin. Para bang siguradong sigurado siya na ipagluluto ko siya which is ginawa ko naman. Nakakaawa kasi siya. Ang dami na daw niyang gutom.

"Matagal na akong nakabalik galing Canada. Mag-da-dalawang taon na rin."




Nanlaki ang mata ko. Ganun na siya katagal dito sa Pilipinas tapos ngayon lang siya nagpakita sa akin?


Hinampas ko ang kanyang braso.



"Ganun ka na katagal na nakabalik tapos ngayon ka lang nagpakita sa akin?"napataas pa ang aking boses.



Nakangiwi siyang tumingin sa akin.



"Ang arte mo nga,Claudia. Eh naging busy nga ako sa kompanya ni Tandang Thomas."



CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon