chapter 41

1.8K 37 0
                                    


Nahihilo na ako sa kakatingin kay Aidan na pabalik-balik ng lakad sa harap ko. Nasa loob na kami ng kanyang hospital room. Pagkatapos niya akong yakapin kanina hinila na lang niya ako basta papasok. Pinaupo niya ako sa kama dito sa loob. Kanina pa niya tinatawagan ang driver ng Mommy niya para magpasundo. Uuwi na raw kasi siya.

Si Charlotte naman at saka yung Vanessa panay pa rin ang batuhan ng matatalim na tingin sa isa't-isa. Nakikita ko ding masama na din ang tingin sa akin ni Vanessa kaya lang wala akong paki. Mag-uusap kami ni Aidan kung ano naman ang papel nitong babaing ito sa buhay niya. Tingin ko kasi malapit nang ma-beast mode si Charlotte.

Tumabi sa akin si Aidan. Hinawakan niya ang aking kamay at hinaplos-haplos ang aking mga daliri.

"Na-miss kita ng sobra-sobra,mahal."

"Mahal?"

"Oo,mahal. Simula ngayon mahal na ang tawagan natin.....ayaw mo na ng baby di ba?"nagpapacute niyang sabi.


"Yuck!! Ang corny,Aidan!!"humagalpak ng tawa si Charlotte.


Napatingin tuloy kami sa kanya. Habang tawa siya ng tawa,yung katabi naman niya hanggang ngayon puzzled pa rin ang reaksiyon ng mukha.

"Shut up,brat! Inggit ka na naman kasi wala ka pa ring love life."

"Teka....teka nga! Di ba ikaw ang asawa?"hindi na napigilang komento ni Vanessa.

"Ako?"itinuro pa ni Charlotte ang kanyang sarili tapos si Aidan.




"Oh my God,Aidan! You're cheating on me?"kunwari'y nasasaktang ani ni Charlotte. Napangiwi naman kami ni Aidan.


"Okay! Clearly there's something wrong going on here. First,you don't really act like a real wife .........like a real real wife. Then-------"



"Haler! Isa lang naman talaga ang mali dito........Charlotte smirk....." At ikaw yun,Vanessa. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Huwag mong sabihing sa wakas binigyan mo na ng atensiyon ang babaing ito,Aidan?"taas-kilay niyang binalingan si Aidan.



"Of course not! Why would I do that? Alam mong hindi ko gagawin yan lalo na ngayong natagpuan ko na si Claudia,di ba mahal?"


CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon