chapter 24

1.7K 45 3
                                    

"Anong ginagawa mo dito?"muli kong tanong sa kanya.

Hindi ko alam kung nagminuto na ba na parehas lang kaming nakatayo dito sa may pinto. I know I'm being rude dahil hindi ko man lang siya inaalok na pumasok loob. But that's what I want,ang hindi siya papasukin sa loob. Hindi naman kasi tama.

Ikiniling niya ang kanyang ulo habang titig na titig sa akin. Hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa isip niya but I didn't like the way he stares at me. His eyes are telling me too much emotions na pati ako nalilito. I don't know but I can see in his eyes that somehow he misses me but at the same time I feel like he's mad at me na para bang may kasalanan ako sa kanya.

"What?"pinilit kong samahan ng inis ang tinig ko and I hope I would succeed. Kahit na alam kong hindi naman.

Umangat ang sulok ng kanyang bibig. It's as if he finds our situation amusing.

"Damn it! I miss you so damn much,baby!"he huskily said.

Napaatras ako ng umabante siya palapit sa akin. But I'm still holding the door. I am still holding my principle, hindi tama.

Lumungkot ang kanyang mukha.

"I'm sorry,baby...can we talk?"marahan niyang pakiusap.

I closed my eyes. Ako rin,alam ko sa sarili ko na gustong gusto ko siyang makausap kaya lang hindi pa ako handa. I badly want to know the truth straight from him pero hindi ko pa yata kaya.

The pain in my heart's still here. Yung akala kong pagkalimot ko sa kanya sa ilang buwang hindi naman pagkikita. Nawalan ng saysay ang lahat ng yun kasi right at this moment....ngayon na nasa harap ko siya natatakot ako. Natatakot ako na kahit anong sabihin niya ngayon papaniwalaan ko. Kung sasabihin niyang  wala siyang asawa kahit na ako mismo ang nakakita na totoo ang lahat....paniniwalaan ko siya. Kasi kahit mali ang lahat isang salita niya lang alam ko babalik ako sa kanya. At ayaw kong mangyari yun.

I can feel my tears threatening to fall.

Oh God! Bakit po sa kabila ng lahat? Kahit na alam kong mali.....mahal na mahal ko pa rin siya.


"I-i c-can't!"garalgal kong sinabi. And with that my tears fell.

Umawang ang kanyang labi. Now i can clearly see pain and agony in him. He advanced once but I immediately step back. Ang kamay niyang nakaamba sanang pahiran ang aking luha ay bahagyang bumaba kasabay ng pag-igting ng kanyang panga.

"Baby...."hirap niyang sinabi. He tried to come near again but once again I immediately step back.

Yumuko siya. Napagtanto niya na siguro ang nais kong iparating.

Sunod sunod na mura ang pinakawalan niya.

"I want us to talk,baby. T-there are so many things that I wanted to explain to you. Things that I wanted to clear to you.....please....baby! Hear me out,please......"nanginginig niyang sinabi. He tried reaching for my hand but I didn't allowed him.

I wiped my tears.

"Ako din Aidan gustong gusto kong maliwanagan sa lahat lahat..........k-kaya lang huwag muna ngayon.....please! Hindi ko pa kasi alam kung makakaya kong tanggapin ang mga sasabihin mo. Kaya huwag muna."pakiusap ko.

Bumagsak ang kanyang mga balikat. Yumuko siyang muli. Napaawang ang aking bibig nang sa pag-angat niya ay nakita ko ang kanyang mga luha.



"Shit! I-i know I fucked up big time. But I want you to know I truly love you so much. I-if you don't want to talk to me now,okay! I'll wait till you're ready but please hear my request."pakiusap niya.


Kumunot ang aking noo. Request? What does he mean by that?


"What are you saying?"lito kong tanong.

Minasahe niya ang kanyang batok ng isa niyang kamay habang ang isa ay nasa kanyang mukha.



"I know this would seem selfish of me to say this. I know my fault. And how I wish you could hear my explanation right now but you're not ready to hear me out. And I am so afraid that even though you don't know my side yet you have already decided to broke up with me."gumaralgal ang tinig niya." But I can't accept it baby.....I love you so much to let you go. You are mine, baby. Pahirapan mo ako kung gusto mo wala akong pakialam. Just promise me na habang hindi ka pa handa na marinig ang paliwanag ko.......please.....please don't fall out of love with me. And don't fall in love with that..........that.......Thomas Magno!"mariin niyang sinabi." Please baby,don't stop loving me......please! Because I love you so fucking much and will never let you go.....I promise you that!"nakikiusap niyang sinabi.




Napaawang ang bibig ko. I don't know what to say.




CLOSER(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon