E L E V E N
-Hazel Anne-
Nandito parin ako sa mall kasama ang so called honeybunny ko. YUCK! Nasusuka ako kapag tinatawag ko syang ganyan! Putragis naman oh! Ba’t ko ba kasi sinakyan ang trip nya kanina? Taeness!
“honeybear.. san mo gusto pumunta?” pwede bang tigil-tigilan nya na ang pagtawag ng honeybear sakin? Baka kasi maingudngod ko sya sa sahig eh. HUTA!
“hindi honeybear ang pangalan ko, ha? Kaya tumigil ka sa pagtawag ng honeybear sakin! Hayup ka, pauso ka eh!” sabi ko sa kanya. Tumawa lng ang loko. “oh, anung nakakatawa?” irita kong tanung.
“wala lang, ngayon ko lang napansin na cute ka pala pag nayayamot..” matawatawa nyang sagot sakin.
Nagblush naman daw ako dun. Ako? cute? Yiii…
“you’re blushing.. kinikilig ka noh?” sabi sakin ni Lem.
“ewan ko sayo! Diba sabi mo kanina sa bookstore mo gustong pumunta? Tara na!” pag-iiba ko ng topic sabay higit sa kanya..
Nang bglang may nahagip ang mata ko kaya napatigil ako..
Ang tagal ko syang hinintay.. dito ko lang pala sya matatagpuan. Sobrang halaga nya sakin. Sa wakas nakita ko na rin sya. Matagal-tagal ko sa din syang hndi nakikita eh..
Unti-unti kong nilapitan ung GREEN APPLE.
Oo, green apple. Kala nyo tao noh? Ndi kaya!
So ayun, nilapitan ko na nga habang higit-higit ko parin si Lem. Nung nakalapit na ‘ko, kumuha ako ng isa.
“Lem, ibili mo ‘ko nito… PLEASE?” nag-puppy eyes pa ‘ko dyan.
“ayoko nga. Wala akong pera.” Sabi nya.
“tss, LIAR!” sabi ko saka nag-pout.
“pangit mo.” –sya.
Tinamo toh! Kasasabi lang kanina na ang CUTE ko tas bglang bawi. -_- ang gulo nya dn eh.
“matapos akong pumayag na magpanggap bilang girlfriend mo sa harap ng ex mo, di mo man lnG ako mpagbigyan sa gusto ko.” sabi ko sa kanya.
“aba! Hoy honeybear—este, hazel. Di kita pinilit, kusa kang sumakay sa trip ko kanina kaya wag mong palabasin na may utang na loob sayo.” Sabi nya. oo nga noh? Di nya nga pala ako pinilit.
“eh kahit na, tinulungan parin kita!” sabi ko naman. “tinamo, pag di mo ‘ko ibinili nito. Magtatampo ako.” pananakot ko. sana epektib..
“Aish!” sabay hipo nya pa sa batok nya.. ayan na, sana pumayag sya.. “edi magtampo ka..
Di ka naman kawalan sa’kin eh!” ewan pero nasaktan ako dun sa sinabe nyang yun.
Ako? di ako kawalan sa kanya? Sabagay, ndi naman kami close para pahalagahan nya ako ng sobra. Pero kahit na!! masakit pa rin un para sakin…. At hindi ko alam kung bakit. L
“o-ok.. a-ahh, u-uwi na ‘ko ha? G-gabi na rin eh. bye!” paalam ko sa kanya sabay wave pa. bago pa sya makapagsalita eh lumakad na ako palayo.
Nasaktan talaga ako sa sinabe nya, madami naman ng nagsabi sakin nun eh.. na hndi ako kawalan sa kanila. Pero ba’t nung si Lem ang nagsabi nun, nasaktan ako? bakit nung si Lem ang nagsabi nun, ang lakas ng impact sakin? Na parang sinampal ako ng sampung beses..
BINABASA MO ANG
My Soulmate [SuTae FanFic]
FanfictionSubaybayan ang LOVESTORY nina Hazel Anne Mariano at John Lemuel Lee.. ang RELASYONG nagsimula sa trip-trip at kasinungalingan lang ay posible kayang mauwi sa katotohanan at maging daan upang mahanap ni JL ang kanyang SOULMATE?