A very cutesy slow burn romance comedy about two brothers who fell in love with the same girl served with friendship themes on the side.
This story is PG 13. Very demure. Promise. Safe for work.
********************
For You
Para sa hopeless-romantic na ang main source of kilig ay mga fictional characters na pinagpala at umiigting ang mga panga. This story is for you because the only place where perfect men surely exist is in fiction books. Char!
*****************
Preview
Inilahad ni Enrico sa harapan ni Enrique ang dalawang bags ng Nike. Nang suriin ni Enrique, isang Air Jordan 1 at isang Lebron 10 and laman ng mga bag.
"Kararating lang ni Dad galing business trip sa US. Pasalubong daw niya sa atin 'yan. Ma-una ka nang pumili," anunsyo ng nakatatandang si Enrico.
Hindi napigilan ni Enrique ang mapangisi. "Hinintay mo talaga akong maka-uwi para papiliin ng sapatos?"
Umiling si Enrico. "Huwag kang feeling. May tinapos lang ako, hindi kita hinintay."
Ang totoo, parehong gusto nina Enrico at Enrique iyong Air Jordan. Iyon nga lang, alam rin nilang pareho nilang gusto iyon kaya nag-aalangan sila sa pag-pili.
"Air Jordan 1, Kuya. Ang tagal mo nang naghahap nito, and look, it's our size... Pero papaano ba 'yan, gusto ko rin." Isang makahulogang tingin ang ipinukol ni Enrique sa kapatid pero hindi iyon pinatulan ni Enrico..
"Eh, 'di sa'yo na. Wala namang problema sa akin 'yon. 'Yong Lebron na lang ang sa akin. Pero pahiram naman ako paminsan-minsan," nakangiting sabi ni Enrico. Nabura lamang ang ngiti sa labi niya noong salubungin siya ng mataman at seryosong tingin ni Enrique.
"I may or may not be talking about the shoes, you know," sabi ni Enrique.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa magkapatid habang nagsusukatan sila ng tingin. Hanggang sa unang bumitaw sa katahimikan si Enrico.
"Well, I am talking about the shoes," nakangiti at kalmadong sabi ni Enrico saka niya mahinang tinapik sa balikat si Enrique. "Good night, E."
BINABASA MO ANG
The Brothers and I
RomanceA very cutesy slow burn romance comedy about two brothers who fell in love with the same girl served with friendship themes on the side. This story is PG 13. Very demure. Promise. Safe for work.