Lorryce
Isang linggo na lang at Foundation week na kaya naman full force na ang Student Council ng SPU, mga volunteers at iba pang mga student leaders para plansahin na ang mga kailangan ayusin para sa pinaka-importanteng linggo sa buong SPU.
Naririto ako kasama ang ilang miyembro ng team sa bahay nina Enrico para maghabol ng reports at requirements. Kailangan na kasing i-finalize ang mga reports ng lahat ng approved activities para sa presentation ng Student Council kay Chancellor bukas. Malugod na binuksan ni Enrico ang mansyon nila para sa isang overnight meeting.
Mula rito sa sala, natanaw ko sina Jeric sa garden. Tila nagkakagulo rin sila doon. May kausap sa kanyang laptop si Enrique at kitang-kita ko mula rito na na-i-i-stress na siya. Pumunta ako sa garden para alamin kung anong nangyayari.
Mukhang bad trip na si E. Iba na kasi ang tono ng pagsasalita niya. Nagtataas na siya ng boses. Konting-konti na lang magmumura na siya.
Nakatalikod siya sa akin kaya hindi niya ako nakita.
"What's up?" pabulong kong tanong kay Jeric habang pareho kaming nakatingin kay E.
"Ayan, malapit nang sapian ni Son Goku si E."
"What's wrong?" I asked.
"People in the site are screwing up the design of the booth tapos hindi pa ma-i-finalize 'yong mga gimmick namin dahil na kay Mildred lahat ng materials at proposals pero nasa field project siya ngayon sa probisya, hindi ma-contact. Bukas na ang deadline," paliwanag ni Tom.
"You know, Lorryce, he could use a little bit of hocus pocus. Hindi pa nag-di-dinner iyan. Puntahan mo na," sabi ni Jeric saka niya ako itinulak sa direksyon ni Enrique.
"Alex! Bakit ba lahat na lang na kay Mildred! Si Mildred lang ba ang member mo diyan? Oh, ngayon wala siya dito! Anong gagawin natin, manigas na lang!" iritang-iritang sabi ni Enrique sa kausap sa laptop
"Dude, look, we are trying to reach her now. Calm down. We decided to centralize all the necessary documents for the foundation day. Milded is the secretary kaya nasa kanya lahat 'yon."
"Damn it, Alex!--"
Hindi na niya natapos 'yong sinasabi niya dahil nabaling na sa akin ang paningin niya. Hinila ko 'yong upuan sa tapat niya at umupo ako roon.
"You know what, I'll just call you back," Enrique said a little bit more calm. Saka niya sinarado ang laptop niya.
"Intense," I said to him while handing him barbecue from the table.
"Balita ko, ayaw mo raw mag-dinner, ah. Ang sarap pa naman nitong barbecue. On diet?"
"Ughhh! You have no idea. Ang sakit sa ulo nitong Foundation Day. Hassel sa buhay. Tapos lahat na lang ng tanongin ko sa mga kasama ko parepareho lang ang sagot sa akin. Kung hindi 'na kay Mildred', 'si Mildred ang incharged', 'inaayos na ni Mildred.' Oh wedi, siya na! Sana si Mildred na lang ang gumawa lahat," sabi niya sabay kain ng barbecue.
Inabotan ko siya ng tubig baka mabilaukan sa stress eating.
"Oh relax, masyado kang stressed."
"Paano hindi ko siya ma-contact. Kanina ko pa siya tinatawagan at tini-text. Wala pa ring reply. Nasaan na ba kasi siya."
"Ai oh, tignan mo nga naman. Bumaliktad na ang mundo. Last semester lang, wagas ka kung pagtaguan at itaboy si Mildred dahil naiinis ka sa paghabol-habol niya sa'yo. Kaya pa nga tayo nagkaroon ng pekeng relasyon para maitaboy siya. Tapos ngayon, hinahanap-hanap mo na. Enrique, ano ba talaga ang gusto mo?" ma-drama kong sabi.
BINABASA MO ANG
The Brothers and I
RomanceA very cutesy slow burn romance comedy about two brothers who fell in love with the same girl served with friendship themes on the side. This story is PG 13. Very demure. Promise. Safe for work.