Chapter 7: Us

112 5 0
                                    


"Lorryce? Enrique!"

Dahil sa boses na narinig namin, pareho kaming bumalik sa katinuan ni Enrique. Tumingin kami sa naka-bukas na pintuan at tila mga estatwang nakatayo roon sina Enrico at Ate Pia. Hindi maipinta ang hitsura ng mga mukha nila.

Kahit naman sinong makakita sa amin ni Enrique, hindi ko masisisi kung iisipin nila na may ginagawa kaming himala. Nakapatong kaya ako sa kanya.

"Oh my god! What are you doing!" bulalas ni Ate Pia.


Awkward.


Sinenyasan ko si Enrique na umisip ng palusot. Agad naman siyang gumalaw para magpalit kami ng posisyon. Inihiga ako ni Enrique sa sahig. Hawak-hawak niya ang dalawang kamay ko. Then, he trapped me between his knees before resting his back on my curled leg behind him.

"What are you doing?" bulong ko.

Nakakalokong ngumiti si E sa akin bago bumaling kina Ate Pia.

"Tinuturuan ko siya ng Kamasu- ah este - Jiu Jutsu," sabi ni Enrique.

Napangiwi ako sa sagot ni Enrique.

I could not help but chuckle. That was a nice excuse, almost believable kung hindi lang siya muntik madulas sa sinasabi niya. Tumayo na kami ni Enrique mula sa awkward na posisyon namin para maayos naming maharap sina Ate Pia at Enrico.

Noong una, nakitaan ko pa ng pagkalito ang mukha ni Ate Pia ngunit hindi nagtagal ay tumango na lamang siya. "Ah, Jui Jutsu lang pala Enrico. Jui Jutsu."

Tinapik-tapik pa ni Ate Pia ang balikat ni Enrico na hanggang ngayon ay mistulang estatwang namumutla.

"Oh kuya, anong ginagawa niyo rito? Akala ko ba may meeting sa school?" tanong ni Enrique.

"Pasok kayo. Gusto niyo po ba ng miryenda?" alok ko.

"Ah hindi na Lorryce, katatapos lang namin kumain. Hinahanap ko si Inigo kasi may ipapagawa ako sa kanya. Sabi ni Harry nandito raw siya pero mukhang wala naman," sabi ni Ate Pia habang iginagala niya ang paningin sa loob ng bahay na tila may hinahanap.

"Nandito sila kanina pero isinama ni Kuya Red sa Buildings para mag-field trip. Tawagan mo na lang," sohestyon ni E.

"Wait, you mean kayong dalawa lang dito?" tanong sa amin ni Ate Pia.

"Yup," nakangiting sagot ni E.

Tumingin sa akin si Ate Pia para kumpirmahin 'yong sagot ni E at tumango lamang ako.

"Kayong dalawa lang dito tapos nag-jiu-Jiu Jutsu kayo. Ingat kayo mga kapatid, baka kung saan ma-uwi iyan, ha," tukso ni Ate Pia. Pareho na lamang kaming tumawa ni Enrique. Pakiramdam ko nga, namula pa ako sa kahihiyan.

"Sige na alis na kami. Tatawagan ko na lang ulit si Inigo," paalam ni Ate.

"Ha? A-aalis tayo? S-Sandali lang naman Pia. Maybe we could stay for a while. Okay lang ba, Lorryce?" tanong ni Enrico. Kitang-kita ko ang kaba sa mga mata niya. Pati ang boses niya, parang nanginginig rin.

"No! Enrico, we have to go. Marami pa tayong kailangang gawin." Bumaling sa amin si Ate Pia at tuluyan ng nagpaalam.

"Sige na, mauna na kami. You two better be good," pahabol pa niya saka niya hinatak si Enrico palabas.

"Wait, Sophia. I really think we should stay!" rinig ko pang pilit ni Enrico.

"Let's leave them alone Enrico. Let's mind our own business!"

The Brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon