Chapter 25: Shivers

35 1 0
                                    


Taas kilay kong pinagmasdan si Ate Eris. She is humming while waltzing around my room.

"Ate Eris, para kang naka-drugs. Ui, mag-ingat baka ka ma-tokhang," pangungulit ko at syempre isang matalim na irap ang isinagot niya.

Pabagsak siyang umupo sa kama ko sabay buntong hininga. Niyakap niya ang isang maliit na bear stuffed toy sa kama. I named that stuffed toy Rocher.

Actually, may partner si Rocher, Ferrero ang pangalan. Iyon nga lang wala na rito si Ferrero. But I am sure that Ferrero is in good hands with Metrobank.

Napalatak si Ate Eris. "Hindi talaga fair si Cupid! Saka hindi rin totoo 'yong kantang 'All is Fair in Love,' pinaasa ako ni Stevie Wonder."

"Lorryce, ano bang gamit mong shampoo at ang haba ng hair mo? Nag-rejoice ka ba, girl?"

"Huh?"

"May gwapong naghahanap sa'yo sa baba! Kausap ng Daddy mo. Hay naku dzai, sagutin mo na iyon bago pa makuha ng iba. Naku, pikot material pa naman ang kuya mong boy."

"Nadalaw lang sasagutin kaagad? 'Di pwedeng friends? O baka naman may i-oofer na product. Sino ba 'yon?"

Tumayo na ako mula sa kama ko at nagsuklay para babain iyong bisita ko.

"Secret, para may suspense," natatawang sabi ni Ate Eris. "Pero hindi naman niya first time rito. Ito clue, his name starts with the letter E."

I just rolled my eyes at Ate Eris. She practically gave away the answer.

Ever since nakabalik siya from Pampanga, mas napadalas ang pagsasama namin ni Enrique. Minsan nga, hatid-sundo pa niya ako. I think day after day, we become better friends and we grow really close. Parang si Enrique na nga ang ikatlong miyembro ng tag team namin ni Hannah.

Hannah has no problem with Enrique, parang mas close pa nga sila. A couple of days ago, Enrique gifted Hannah an Hermes bag!

Syempre siningil ko si Enrique, bakit si Hannah lang ang may Hermes? Pero tinawanan lang ako ni E. Sabi niya, hindi na siya nag-abalang bigyan ako ng bag kasi alam niyang mas mahilig ako sa pagkain kaysa sa bag kaya mag-mu-mukbang na lang raw kami. Isa pa, suhol raw 'yong Hermes dahil may malaking favor na kailangan si Enrique kay Hannah.

Hindi ko na tuloy magawang magtampo kay E. He knows me already. A new bag is good but food is life-est.

I was all smiles while going down the stairs para salubungin ang bisita ko. Nang magawi ang tingin ko sa may garden, nakita ko doon ang seryosong hitsura ni Daddy habang naglalaro ng chess.

Pinuntahan ko sina Daddy at laking gulat ko na lang noong makita ko kung sino ang kalaro niya.


Anong ginagawa niya rito? Akala ko...


Napahawak pa ako sa dibdib ko kasi na-sense nanaman ata ng heart ko ang presensya niya, bigla nanamang lumundag.

Lately, kapag nasa malapit si Enrico, parang may mga paru-paro sa sikmura ko na nanggugulo sa buong sistema ko. Tatalikod na sana ako para dumiretso sa rest room noong isang masiglang boses ang pumigil sa akin.

"Lorryce!" tawag ni Enrico.

I took a deep breath and forced a smile before turning to him. Isang maaliwalas na ngiti ang isinalubong sa akin ng Mahal na Hari. I gave him a small wave.

"H—Hi..."

Lumingon sa akin si Daddy at sinenyasan ako para lumapit sa kanila.

"Mukhang s-seryosohan 'yan, ah," pansin ko sa laro nila.

The Brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon