Chapter 28: I'm Scared to Death

51 1 0
                                    


"E! I wanna do that again!" parang batang aya ko. "Again! Again! Again!"

Hindi ko hinayaang tumanggi si Enrique sa request ko kaya maka dalawang beses pa kaming nag dive sa bangin. Sa ikalawa at ikatlong pagtalon ko, my scream was no longer a scream of terror but a scream of delight.

In-enjoy ko na rin ang view habang nakalambitin ako sa ere. That is easily one of the best moments of my life! Pakiramdam ko, kayang-kaya ko ang pa-ulit-ulit na tumalon sa bangin na iyon ng isang buong araw.

Enrique and I enjoyed our time cliff diving and swimming.

Hindi na namin namalayan ang oras, inabot na kami ng hapon. Gusto ko pa ngang mag-dive ng pang-apat na beses kaso ayaw pumayag ni Enrique.

Bilga na lang kasi akong nagkaroon ng malaking sugat sa may legs. Ni hindi ko alam kung saan galing iyon, hindi ko rin naramdaman. Hindi rin naman masakit. Dahil siguro sa adrenaline kaya hindi ko maramdaman iyong sakit. Nilinis ko na lang ang sugat ko saka ko binalutan ng scarf. Mas masakit pa nga iyong impact sa tubig kapag nagda-dive ako.

Pagkatapos naming mag-diving, sinuyod namin ni Enrique ang Plaza ng Isidro para bumili ng kung ano-anong pagkain saka kami pumunta sa tabing dagat. Nag-renta kami ni Enrique ng Bangka dahil gusto raw niyang mag mukbang sa gitna ng dagat kaya iyon ang ginawa namin.

Ang deal namin ni E, kailangan naming ubusin sa gitna ng dagat ang lahat ng pagkaing nabili namin sa Plaza. Hindi kami babalik sa pampang hangga't hindi ubos ang lahat ng pagkain. Iyon ang dahilan kung bakit ginabi kami sa gitna ng dagat.

Medyo malayo ang Plaza sa Villa nina Ate Althea, halos isang bundok ang layo. Pero dahil pareho kaming busog na busog ni Enrique, nagkasundo kami na maglakad na lang pa-uwi para magtagtag ng kinain. We took our time walking, kaya inabot na rin kami ng dilim sa daan.


************


"What the?" alalang bulong ni E nang matanaw namin sa hindi kalayuan ang Villa nina Ate Althea.

Nagkatinginan kaming dalawa at parehong nataranta. Ang entrance ng villa nina Ate Althea ay napaliligiran ng mga police cars.

May ilan pa ngang mga military trucks. Marami ring mga armadong pulis at militar na nagbabantay sa labas ng villa.

Nagtatatakbo kami ni Enrique papunta sa Villa na punong-puno ng pag-aalala. Baka kung ano na ang nangyari sa mga kaibigan namin.

May ilang mga pulis at military na sumubok para pigilan ako pero hindi ko sila alintana. Dire-diretso akong pumasok sa loob ng Villa. Samantala, si Enrique naman ang kumausap sa mga pulis.

Pagkapasok ko sa loob ng Villa, may ilan pang mga uniformed personel doon. Una kong hinanap ang mga kaibigan ko. I checked on all of them at kumpleto sila, iyon nga lang medyo aligaga.

"Enrico! Calm down, ano ba!" saway ni Ate Jewel kay Enrico.

He was pacing in the room with a phone on his ears. Hindi pinansin ni Enrico si Ate Jewel, sa halip ay bumaling siya kay Kuya Harry, "Harry, anong sabi ng coast guard?"

"What's going on here?" kabadong-kabado kong tanong.

Sabay-sabay silang lumingon sa direksyon ko.

"Lorryce!"

"Thank goodness!"

"Here she is! Sabi ko naman sayo Enrico, they're fine! Please tell him you're fine, Lorryce!" sabi ni Ate Pia.

The Brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon