Chapter 24: Say Yes

51 1 0
                                    


Lorryce


Napangiti ako ng malawak habang pinapanood ang Mahal na Hari na ninanamnam ang pagkain niya. Nagkakamay siyang kumakain ng inihaw na bangus.

Pagkatapos naming tumambay sa isawan, nagkasundo kami na kumain ng dinner habang may paglalagyan pa ang pagkain. To my surprise, siya pa ang nagyaya sa akin dito sa isang carenderya. Natakam raw siya sa amoy ng iniihaw na bangus sa may kalsada.

Iba rin ang Mahal na Hari, para siyang Pokemon, nag-e-evolve. Akalain mong kanina lang parang nagdadalawang isip pa siyang kumain ng street food tapos sa isang iglap, ayaw tigilan iyong isaw.

Sa totoo lang, maiintindihan ko kung mag-inarte siya dito. Heller, dugong bughaw kaya siya, tapos heto ang isang jologs na katulad ko at papakainin siya ng pagkain ng mga normal na tao, maiinitindihan ko kung hindi niya masakyan ang trip ko. Pero naman, mukha siyang nag-eenjoy.

Ngayon naman, itong inihaw na bangus ang nilalantakan.

Nakangiti lamang ako habang pinapanood siyang sarap na sarap sa pagkain ng inihaw na sinasawsaw sa patis na may kalamansi, idagdag pa ang kamatis at enseladang manga na panghimagas.

Natigilan siya sa pagkain noong napansin niya akong nakatingin sa kanya.

"What?" he asked quite embarrassed.

"Wala naman, masarap ba?" I asked.

"Heaven," sagot niya bago muling sumubo ng kanin.

"Whatever happened to streetfood being unsanitary?" I teased.

"I don't care anymore. This is the best bangus I have ever had and I need isaw in my life."

I let out a hearty laughter at what he said. But I am so proud of him!

"Thank you." I said.

"Ha? For what? I think it is me who owe you for bringing me here. Kung hindi dahil sa'yo hindi ko ma-di-discover ang isaw."

"Thank you for helping me out with my product presentation. I would not have done it without you. Saka, kinikilig pa rin ako doon sa gold stilletos."

His lips curved into a half smile, "that's not for free."

"Ssssooo, ibig sabihin papayag ka nang magpalibre sa akin ngayon?"

He shook his head and smiled. "I have my principles to uphold, Lorryce Cologne Manansala Rivera. I don't—"

"Yeah yeah yeah... You don't let the lady pay. Whatever."

"I don't make the lady pay, especially on a date," he corrected.

Once again I felt my heart beat fast. It took me a lot to get a hold of myself at hindi ipahalata ang pagbabago ng mood ko.

I hate it when he does that!

Iyon bang maayos naman ang usapan at sitwasyon tapos bibira siya ng mga banat na nakakapagpa-hyper ventilate ng pusong nananahimik.

Tumikhim na lamang ako matapos ang ilang segundong katahimikan. Maging siya, napansin siguro ang biglaang pagkasaliwa ng hangin.

"A—ano ba 'yon? Papaano ako makakabawi sa'yo?" I asked.

He just continued eating, he did not even look at me when he answered, "last semester ko na sa SPU next sem. Required na akong mag-intern. Inconvenient na ang umuwi sa bahay kasi malayo. That's why I need my pad ready. It's empty and it needs furnishing. I think you should design the interior total naman iyon ang course mo."

The Brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon