Chapter 36: Kung Ako Na Lang Sana

49 0 0
                                    


Lorryce


Isang lingo na ang nakaraan mula noong nasaksihan kong tagpo sa bahay nina Enrico. Simula noon, palagi na akong ilag kina Ate Margaux at Enrico. Palagi ko na lang idinadahilan ang maraming requirements ngayong finals at busy sa Tiyatro kaya hindi ako masyadong nakakasama sa mga lakad ng barkada. Alam kong nakakahalata na rin si Hannah pero hinihintay niya lang na ako ang magsabi sa kanya.

Inilapag ni Ate Margaux ang isang pan ng cake bread sa aking harapan.

After ng class ko, nakita ko sa labas ng classroom namin si Ate Margaux. She asked me to come with her here in the baking room. Kaya heto ako ngayon, naka-upo sa bar counter habang pinapanood siyang lagyan ng icing ang ginawa niyang chocolate cake.

Masusi ko siyang pinagmasdan. Pilit kong hinahanap kung may sama ba siya ng loob sa akin at kaya niya ako niyaya rito ay para awayin o ano. Pero kahit saang angulo ko tignan, pleasant ang aura ni Ate Margaux. Nagkangiti siya at tulad ng dati, blooming pa rin. Parang walang nangyari.

She smiled at me. "Enrico loves chocolate cakes, dark chocolate lalo."

"Ate Ma—"

"Tungkol doon sa nangyari last week," she cut me off. Ibinaba niya ang hawak niyang spatula at tuluyan nang ibinaling sa akin ang kanyang buong attensyon.

"Enrico does not remember anything," tuloy niya.

Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Para akong masu-suffocate. Ang bigat ng hangin.

"Are you mad at me?" I asked to break the silence.

"No. I could not be mad at you. Wala ka namang kasalanan. Hindi mo kasalanan iyon kung ikaw ang minahal ni Enrico. Unless... inakit mo siya."

Tinapunan ako ni Ate Margaux ng matalim na tingin pagkabitaw niya ng huling pangungusap.

I was shocked and scared.

Pakiramdam ko nanindig ang mga balahibo ko sa katawan sa tingin niyang iyon. I could not even find the words to answer her.

Ilang saglit pa'y ang matalim na tingin niya ay muling naging maamo. Ngumiti siya sa akin.

"Nagbibiro lang ako," she said while gently pinching my nose. "Alam ko namang hindi mo iyon magagawa. Magkaibigan tayo at kahit saglit pa lang, alam kong hindi ka katulad ng iba diyan na may hidden agenda. I like you because you are a real person, Lorryce."

"Hindi ko magawang magalit sa'yo pero aaminin kong naiinggit ako. Ikaw lang naman ang mahal ng lalaking matagal ko nang pinapangarap. Ang sakit lang kasi."

"Sa loob ng matagal na panahon, ako 'yong kasama niya. Ako iyong matyagang naghihintay sa kanya. Tapos ikaw, all you needed was one summer night in a random island, seven minutes in a goddamn Beta cabinet and less than a school semester to make him fall in love with you."

Gulat akong napatingin sa kanya. Alam ko nang hindi ko na kailangang magsalita dahil sa ngiti pa lang ni Ate Margaux ay alam ko nang alam niya ang dahilan ng aking pagkagulat.

"I know, Lorryce. Alam kong ikaw iyong babae sa Beta cabinet. Na-kwento sa akin ni Santi."

"I—I did not know it was Enrico. I had no idea. Kailan ko lang rin nalaman. That kiss was nothing, though. It should have not happened," I tried to explain.

"I believe you."

"Ate Margaux, I'm sorry."

"Don't say that. There's nothing to be sorry for."

The Brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon