Lorryce
Mahirap magkatugma-tugma ang mga schedule ng mga magulang at mga kuya ko kaya sa tuwing may pagkakataon, sinasamantala namin iyon para mag-family day. Ngayong Linggo, magkakasama kaming nag-simba at pagkatapos no'n ay dumiretso kami dito sa Polo Club para mag-lunch.
Masarap ang pagkain dito sa Polo Club, iba't ibang klase ng seafood ang menu para sa araw na ito. A month ago, may isang friend na naka-reunion si Daddy at kinumbinsi siyang maging member ng Polo Club. Ever since then, dumadalas na rito sina Mommy and Daddy. Unti-unti kasi silang nare-reunite sa mga old friends nila from college.
Sa aming lahat, si Kuya Red lang ang mukhang hindi natutuwa sa lunch namin. Papaano naman kasi, kinukulit nanaman siya nina Mommy sa love life niya. Nag-offer na nga si Mommy na i-set up si Kuya Red sa mga eligible bachelorettes na anak ng mga sis niya sa sorority.
"Ano na Alfonso? Wala ka pa rin bang seryosong girlfriend?" untal ni Daddy.
"Daddy," Kuya Red said exhaustedly.
"Anak naman, ano ba ang problema? Sigurado naman akong hindi ka bading. Pero bakit hanggang ngayon, wala ka pa ring seryosong relasyon?" sentimyento ni Mommy.
"Bakit ba kasi kayo nagmamadali? Darating din 'yan."
"Palagi ka na lang naghihintay. 'Di ka pa ba nagsasawa?" tanong ni Daddy.
"Ugh! Bakit ba ako? Bakit ako lang? Si Juancho rin naman, ah," parang batang protesta ni Kuya Red.
"Huwag mo nang problemahin si Juancho. Sarili mo ang intindihin mo," sabi ni Daddy.
"Sandali! Bakit Juancho, may girlfriend ka na? Kailan pa? Hiwalayan mo para hindi lang ako ang kinukulit!" halos pasigaw na sabi ni Kuya Red.
Isang mapang-asar na ngiti lang naman ang isinagot ni Kuya Jaden.
"Psh... Bahala ka. Problema 'yan, ui. Ito payong kambal, Juancho. Iwan mo na 'yan baka mamaya ikaw nanaman ang umuwing luhaan. 'Di ka na natuto."
Oooopppsss, below the belt.
Umakto na lang kami na hindi narinig ang sinabi ni Kuya Red. Maging si Kuya Red ay tila na-inis sa sarili dahil sa hindi sinasadyang pagdulas ng kanyang dila. As much as possible, ayaw na sana naming maalala kung papaano na-iwang luhaan si Kuya Jaden.
Masakit na 'yong iwan ka ng first love mo. Mas masakit nanaman 'yong iwan ka ng first love mo sa altar. Mabuti nga kahit papaano nakabangon pa si Kuya Jaden.
"Enrique!"
Nabasag ang pananahimik namin no'ng dalawang lalaki ang pumukaw sa atensyon ni Mommy. Nakangiting lumapit sa direksyon namin sina Enrique at Enrico.
Agad na humalik kay Mommy si Enrique noong nakalapit sila. Syempre nagbatian rin sila nina Daddy at ng mga kuya ko.
"Ah, kuya ko po, Tita," pakilala ni Enrique habang nakaturo kay Enrico sa kanyang likuran.
"Good afternoon ma'am, sir. I'm Enrico Sandejas," magalang na pakilala ni Enrico at nakipagkamay pa sa mga magulang at kuya ko.
Napangiti si Daddy noong kinamayan siya ni Enrico.
"That is a winning hand shake. You are going to close a lot of business deals with that, hijo," komento ni Daddy. "You look familiar, have we met?" kunot-noong tanong ni Daddy kay Enrico.
Isang maaliwalas na ngiti ang sumilay sa labi ni Enrico. "Yes, sir. Last year po sa isa sa mga welcome parties ng Gamma Nu para sa mga neophytes."
Nagliwanag ang mukha ni Daddy noong marinig niya ang magic words, Gamma Nu.
BINABASA MO ANG
The Brothers and I
RomanceA very cutesy slow burn romance comedy about two brothers who fell in love with the same girl served with friendship themes on the side. This story is PG 13. Very demure. Promise. Safe for work.