Pia
"Enrico, you look pale, kulang ka nanaman ba sa tulog?" nagaalalang tanong ni Margaux.
Hay naku naman. Ayan nanaman siyaaaaa.
Nandito kami sa office ng Student Council para gumawa ng mga posters para sa Foundation Week. Kumpleto ang buong barkada dito, sina Althea, Jewel, Rohj, Harry, Gigo, Margaux, Enrico at ako. Tahimik lang naming pinapanood sina Margaux at Enrico.
"Margaux, I'm fine. Here, drink some." Enrico said to M while smiling sabay alok ng juice.
"Enrico naman, alam mo naman ang nangyayari kapag nagkakasakit ka. Bibigyan mo ng heart attack ang mga tao sa paligid mo. Isa pa, kailangan ka pa namin."
"Papaano na lang ang Foundation Week kapag nagkasakit ang Mahal na Hari? Walang Ibong Adarna na makakapagpagaling sa'yo kaagad. Alagaan mo naman ang sarili mo."
Halos matawa na lang si Enrico sa panenermon sa kanya ni Margaux.
Ayan. Ayan, ganyan siya. Iyan ang role niya sa buhay ni Enrico.
Si Margaux ang Baymax ni Enrico, his personal health care assistant. Tagapag-paaalala na kumain na, taga-kulit na huwag mag-puyat, shock-absorber kapag na-stre-stress, tagapag-alala kapag nagkakasakit si Enrico. In short, siya ang tatanga-tangang ayaw sumuko kay Enrico.
Lakas talagang maka-Jolina.
Don't get me wrong, pareho ko silang kaibigan and I love them both. Enrico is my brother from another mother. Kaya lang kasi, kung minsan, gusto kong i-untog 'yong ulo ni Margaux para matauhan siay. Handang-handa kasi siyang magpakatanga para kay Enrico kahit na ng dami namang nagkakandarapa sa kanya.
Si Enrico naman, kailangan yata ng heart transplant, may kulang sa puso niya, hindi marunong mag-mahal at ang malala pa, hindi maturuan.
Mayro'n naman siyang mga naging girlfriends dati pero wala, eh. Simula pa lang, walang 'ugh!' Alam niyo 'yon?
Margaux is a friend to Enrico. Alam kong mahalaga siya kay Enrico, nakikita ko 'yon. Kaya lang hindi sa paraang gusto ni Margaux. Masasabi kong kapatid ang tingin ni Enrico kay M. Everytime I think about that, I sincerely hurt for M.
But there's something weird going on.
Tumabi si Enrico kay Margaux. He looked at her worriedly. "Margaux, have you eaten lunch?" he asked concerned.
"Hindi pa. I'm not really hungry."
"What? It's 2 PM. You have to eat."
Inilabas ni Enrico ang cellphone niya. He called the Campus Resto Bar to order food for Margaux. Margaux, on the other hand, was blushing real hard at what Enrico did. Hindi ko tuloy napigilang makipagpalitan ng tingin sa mga kaibigan namin.
What is going on with these two?
Hindi naman ganyan si Enrico dati. Ingat na ingat nga siya. As much as possible, ayaw niyang gumawa ng mga bagay na maaring bigyan ni Margaux ng ibang kahulugan. But now... I am convinced that something happened is Singapore!
Ilang minuto lang ang nakaraan, umalis sandali si Margaux dahil pinatawag siya ng Dean nila. Pagkaalis na pagkaalis ni Margaux, makahulugang tingin ang pare-parehong ipinukol namin kay Enrico at base sa pag-ikot ng mga mata niya sa amin at sa paghugot niya ng isang malalim na buntong hininga, alam na niya ang patutunguhan nito.
BINABASA MO ANG
The Brothers and I
RomanceA very cutesy slow burn romance comedy about two brothers who fell in love with the same girl served with friendship themes on the side. This story is PG 13. Very demure. Promise. Safe for work.