Chapter 34: Akin Ka Na Lang

42 0 0
                                    


Margaux


"Oh, wala pa ba?" tanong ni Enrique habang pababa siya mula sa second floor ng bahay nila.

"Wala pa. Baka nasa party pa or baka na traffic. Friday ngayon. Alam mo naman kapag Friday, nagkakaroon ng consensus ang mga motorista na magkumpulan sa main highway para doon mag meet and greet," biro ni Lorryce.

Pagkagaling namin sa manor ni Tom para i-celebrate ang end of Hell Week, sumama ako kina Lorryce at Enrique dito sa bahay nina E.

Idinahilan ko na may kailangan akong sabihin kay Enrico. Kanina ko pa kasi siya tinatawagan pero hindi sumasagot. I just want to check on him kasi wala siya sa party ni Tom kanina.

He might not be a party animal but he knows how to let loosen lalo na pagkatapos ng isang stressful na sitwasyon. Pati si Pia, bigla na lang nawala kanina.

"Saan naman kaya nagpunta ang dalawang iyon?" tanong ko.

"Sibling date? Naku, E, mukhang hindi ka isinama. Itinatakwil ka na yata nila," biro ni Lorryce.

"Ha! Hindi rin naman ako sasama sa dalawang iyon, ano. I enjoyed my night."

Napangiti ako habang pinapanood ko ang pag-aasaran nina Lorryce at Enrique. He really likes her. Matagal ko nang kilala si Enrique.

I've seen him flirt countless times. I can tell that what he does with Lorryce, ain't flirting. Nagpapa-cute siya.

Lorryce seems to enjoy E's company but she does not seem to get Enrique's message.

I can't blame Lorryce, though. Ang problema ni Enrique, idinadaan niya lahat sa biro. Naturingang playboy pero torpe naman pala!

Si Lorryce naman, ayaw mag-assume, sigurista rin.

Gusto kong batukan si Enrique talaga.


Ayusin mo na iyang panliligaw mo, Enrique! Utang na loob. Kapag papatay-patay ka diyan baka mawala pa siya sa'yo. Hindi pwede! Huwag mong pakawalan iyang si Lorryce dahil kapag nagkataon, pareho tayong uuwing luhaan.


Nag-paalam na para umuwi si Lorryce pero kinulit ni Enrique na dumito muna at mag-dinner. Hindi na lingid sa kaalaman ko na mahilig kumain ang dalawang iyon. Parang walang mga kabusogan. Gawa yata sa metal ang mga tiyan nila.

Dumiretso na silang dalawa sa kusina, samantala naiwan ako dito sa sala para hintayin si Enrico.

Ilang saglit pa'y ipinaalam sa akin ni Manang Rosa na tumawag si Enrico sa driver nila para magpasundo. Hindi raw makapag-drive si Enrico kasi naka-inom at kasama niya rin si Pia.

Mukhang tama ang hula ni Lorryce, Enrico ang Pia went out on a sibling date. Alam kong hindi ko makaka-usap si Enrico, kasi nga lasing raw. Pero sa totoo lang, gusto ko lang naman talaga siyang makita kaya ako naririto.

Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagparada ng sasakyan sa driveway kaya dali-dali kong binuksan ang pintuan.

Noong sinabi ni Manang Rosa sa akin kanina na lasing sina Pia at Enrico, hindi ko naman inakalang lasing ang dalawang iyon to the point na nakatulog na si Pia at si Enrico naman, bagsak na bagsak na.

Binuhat ni Kuya Ador si Pia habang nagtulungan kami ni Manang Rosa na akayin si Enrico papunta sa kwarto.

"Ano ba naman kaya ang pumasok sa isip ng mga batang ito?" alalang tanong ni Manang Rosa. "Naku, kung si Pia lang, hindi na ako magtataka't talaga namang madaling malasing ang batang iyan. Pero pati ba naman si Enrico, first time ito!"

The Brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon