Lorryce
"I talked to the Chancellor."
Napalingon kami ni Enrique sa nagsalita mula sa aming likuran.
"Enrico?"
He was walking towards me and Enrique with his hands in his pocket. He smiled briefly at me. Dalawang segundo lang yata niya ako binalingan ng tingin bago siya tumingin kay Enrique.
"Sabi ko kay Chancellor, imposibleng matapos ninyo ito ng mano-mano na kayong dalawa lang. Baka umagahin kayo. Isa pa, marami na rin naman kayong nagawa. Pumayag siya na ipagamit na sa inyo ang mga equipment."
"Wow, iba ka talaga, Kuya. Ikaw talaga ang paborito ni Chancellor, eh. Syempre kapag si Chancellor ang nagsalita, wala nang magagawa si Dean Fate," nakangising sabi ni Enrique.
"Hindi naman papayag si Chancellor kung walang punto ang argumento ko. Anyway, hihintayin na lang kita para sabay na tayong umuwi," turan ni Enrico.
Napakunot ako ng noo sa pag-uusap nilang magkapatid. Para pa silang nagsusukatan ng tingin.
"No. Mauna ka nang umuwi. Tatapausin pa namin ni Lorryce ang sanction namin."
"Then, let me help para matapos na," Enrico offered.
"I refuse," matigas na sagot ni Enrique.
"Why?" tanong ni Enrico.
"We might be under sanction but Lorryce and I are also on our Valentines date. We don't welcome third wheels. Maghanap ka ng sarili mong Valentines date. Ayain mo si Ate Margaux, hindi ka tatanggihan no'n."
Saglit na natigilan si Enrico sa sinabi ni Enrique ngunit ilang sandali lamang ay napangisi ito.
"Well, I'll leave you then."
Enrico turned to me before he left, "call me if you need something... anything really."
Gusto kong matawa sa sinabi ni Enrico pero naramdaman ko ang pagiging seryoso ng kanyang sinabi. Honestly, the sharp, hesitant and somewhat longing look in his eyes sent shivers down my spine.
What is that about?
Ilang sandali pa'y bumalik na kami ni Enrique sa trabaho. Itinuro ni Sir Ramon kung papaano ginagamit ang lawn mower. Sa tulong nito, natapos namin kaagad ni Enrique ang aming ginagawa.
Hingal na sumalampak kami ni Enrique dito sa gitna ng field para magpahinga muna bago umuwi. Bago umalis si Sir Ramon, nag-iwan siya sa amin ng pagkain. Kaya naman pinagsasaluhan namin ni Enrique itong take out ng Jollibee.
"I prepared a candlelit dinner for us at the garden of Emperio Rojo," Enrique said.
Ang Emperio Rojo ay isa sa mga hotel chains na pagmamay-ari ng Sandejas Hotel Group. Kilala ang hotel sa magagandang landscapes nito. I know that he must have prepared a real fancy dinner pero hindi ko magawang manghinayang.
"Hindi ako nanghihinayang na hindi natuloy iyang pa-fancy dinner mo, E. I like Jollibee. Favorite ko kaya itong Jolly spaghetti."
He looked at me and smiled. "Sa totoo lang, hindi rin naman ako nanghihinayang. May magandang nagawa ang pananabotahe ni Rob. I realized that this to me is more of a reward than a punishment," Enrique said after taking his last bite from his bacon cheese burger.
"Ha? Panong naging reward ang pagbubunot ng damo?"
"Hindi naman 'yong pagbubunot ng damo ang sinasabi ko eh."
BINABASA MO ANG
The Brothers and I
RomanceA very cutesy slow burn romance comedy about two brothers who fell in love with the same girl served with friendship themes on the side. This story is PG 13. Very demure. Promise. Safe for work.