Chapter 38: Unsaid

31 0 0
                                    


Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko pindutin ang doorbell ng pad ni Enrico dito sa Sandejas Towers. Ilang lingo na rin mula noong huling beses akong napunta rito.

Lingo ngayon at kaya ako narito ay para ibigay sa kanya ang mga nakalap kong endorsements para sa petition ng student body para sa regularization ng maintenance at security staff ng SPU.

Hindi talaga kinuha ni Enrique ito noong magka-usap kami. Ako raw dapat ang magbigay nito kay Enrico.

Muli kong pinindot ang doorbell noong hindi pinansin ang unang doorbell ko. Sabi sa akin ni Ate Pia, isang lingo na raw na dito umuuwi si Enrico dahil nga sobrang busy niya.

Nagdala rin ako ng magnolias. Nag-iwan ako ng magnolias dito bago ko i-turn over sa kanya ang pad para naman magkaroo ng sign of life ang pad niya. Pero dahil last month pa iyon, baka lanta na.

Ilang sanglit pa akong naghintay pero hindi pa rin bumubukas ang pintuan. Akala ko walang tao. Paalis na sana ako nang bumukas ang pintuan.

Nagulat pa ako sa hitsura ni Enrico. Isang lingo ko lang siyang hindi nakita parang ang laki na ng pinagbago. Pumupungas siya na parang bagong gising. Magulo ang buhok at namumutla.

Kapansin-pansin rin ang unti-unting pagtubo ng buhok sa mukha niya. Ngunit ang pinaka ikinagulat ko ay ang sugat malapit sa kanyang kaliwang mata.

"What do yo—" irita niyang salubong sa akin. Pero nang makita niya ako, parang magic na nagbago ang hilatsa ng mukha niya.

His eyes softened. "Lorryce," he called gently.

"Ha—Hi," I greeted as I gave him a small awkward wave.

Saglit pa niya akong pinakatitigan na tila naniniguro bago niya ako inimbitahang pumasok sa loob.

Iginala ko ang aking mata sa pad niya. It looks exactly as how I left it. Malinis rin maliban na lang sa mga nakakalat na papel sa sala.

"Too busy?" tanong ko. Halos mapaatras ako noong bumaling ako ng tingin kay Enrico. He was looking at me intently. Na-conscious tuloy ako. Ni hindi ko siya matignan ng diretso.

Hinanap ko na lang iyong iniwan kong vase ng bulaklak. Nakalapag iyon sa study table sa sala. Tama nga ako, lanta na ang bulaklak doon.

"May I?" I asked his permission as I pointed at the flower vase.

"Of course," he said with a smile.

Kinuha ko ang flower vase. Inalis ko na mula roon iyong nalantang magnolias. Pinalitan ko muna ang tubig saka ko inilagay sa vase ang dala kong puting magnolias.

"Hot chocolate, right?" he offered.

"Ah... ano, Enrico. Hindi na. I just came by to give you this." Lumapit ako sa kanya. Inilapag ko sa kitchen table niya ang petition folder.

"Endorsements from the alumni para sa petition ng Student Council."

I took a good look at him at hindi ko ma-iwasang pansin ang sugat niya sa mukha.

"What happened there?" I asked sabay turo sa mukha niya.

A small smile curved from his lips before he touched the fresh wound on his face.

"Gigo and I got in trouble last night. May mga nakasagutan kasi kami sa parking lot ng Blackhole kagabi. One thing led to another and then, this," he explained as he pointed at his wound.

Muli kong tinignan ang sugat niya. Mukhang hindi naman iyon malalim pero halatang bago pa. Parang hindi man lang niya iyon nilagyan ng gamot.

Kinalkal ko ang medicine kit sa bag ko saka ko iyong ibinigay sa kanya.

The Brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon