Margaux
After a long and tiring but fun day at the beach of Isidro, nagbarbecue bonfire muna kami dito sa backyard ng Villa nina Althea. Nakapalibot kami sa bonfire habang nagkukwentohan.
Ikinikwento ni Lorryce ang ilan sa mga unang encounters niya kay Enrique.
"First day ko pa lang sa SPU last semester na-introduce na ako ni Hannah sa limang iyang." She was referring to Tom, Levi Inigo, Jeric, and Enrique.
"Ah! I remember that! Lorryce was checking me out," nakangiting sabi ni Enrique. Dahil doon, napalo siya ni Lorryce sa balikat.
"No, I wasn't. Ang feeling mo talaga," she defended.
"Ows talaga? I caught you staring at me."
"Wha—I wa—"
"I caught you staring at him, too, BFF," nang-aasar naman na gatong ni Hannah saka sila nag-hi-five ni Enrique.
"Sandali nga muna, Hannah. Bakit mo ba kinakampihan iyang si E. Sino bang best friend mo?" yamot ni Lorryce.
Pare-pareho kaming natawa noong wala nang masabi si Lorryce. Hayan at inaalaska na ng mga boys. Mukhang kahit naman siya aminadong napatitig talaga siya kay Enrique at first glance, in denial lang.
Halos mapatalon ako sa kinauupoan ko noong maramdaman ko ang paglapat ng kumot sa aking balikat kasabay ng pag-amoy ko sa isang pamilyar na pabango.
Hahawakan ko sana ang kumot sa balikat ko pero nahawakan ko ang mainit na kamay ni Enrico na ipinapatong sa balikat ko ang kumot.
"Ito na ang kumot mo. Bakit ba naman kasi ganyan ang suot mo? Baka magkasakit ka pa."
Yyyyiiiieeeeppp! Gusto kong tumili sa kilig dahil sa concern ng Mahal na Hari. Pero syempre hindi pwede.
Nginitian ko na lamang siya. Sana lang hindi niya napansin ang pamumula ko. Umusog ako ng kaunti para maka-upo si Enrico sa tabi ko. Pilit kong itinatago sa kanya ang mga ngiti na hindi ko mapigilan.
Enrico did not notice but while I was smiling to myself, I saw Hannah and Althea looking at me. Patay malisya lang sila pero kitang kita naman sa mga ngiti nila ang panunukso sa akin.
Jahe, grabe.
"Oh, mukha namang okay ang first encounter, ah. Bakit asar ka kay Enrique noon?" tanong ni Harry kay Lorryce.
"Okay naman ang first impression ko kay E. Nairita lang ako sa pagiging palikero niya. Imagine, ultimo sa girls toilet, may mga nag-aaway dahil sa kanya. Tapos ito pa, nagkakape ako noon sa Blended. Si Enrique naman, may ka-date na Amerikana sa likoran ko," kwento ni Lorryce.
"'Di itong si E, pumuporma. He was saying something like 'you have the most beautiful blue eyes I've seen in a while.' Tapos maya-maya, 'I wrote a song for you... Don't know what to do whenever you are near.' 'Di ba ang asshole!" pagtuloy ni Lorryce sa kwento niya.
"My god, E! I can't believe you," bulalas ni Pia.
Pinagtatawanan si Enrique pero hinayaan lang niya ang mga pang-aalaska namin sa kanya.
"Yuck, E! Anong kakornihan 'yon! Nang angkin ka pa ng kanta!" gatong ko pa.
"Hay naku! Palibhasa kasi kayo, wala kayong creativity. Kanya-kanyang diskarte lang iyan!" tugon ni E.
Muling nag-salita si Lorryce. "Creativity? Eh, sana iyang creativity na sinasabi mo ay ginamit mo rin noong nakikipagbreak ka sa isa sa mga flings mo. Remember noong naabutan ko ang LQ ninyo ng ex mo?"
BINABASA MO ANG
The Brothers and I
RomanceA very cutesy slow burn romance comedy about two brothers who fell in love with the same girl served with friendship themes on the side. This story is PG 13. Very demure. Promise. Safe for work.