Chapter 40: Cry

36 0 0
                                    


Hannah


We were all worriedly looking at Enrique while he was blankly staring at the television. Taimtim niyang pinapanood ang confrontation scene nina John Lloyd at Bea sa best friend movie nila na Close To You.

Ipinasara kaagad ni Kuya Alan ang Barbecue House noong mapansin niya ang mabigat na dinarama si Enrique kaya naman kami na lang ang na-iwan dito.


"Bakit hindi mo sa'kin sinabi? Bakit kailangang sa ibang tao ko pa malaman?" sabi ng character ni Bea sa television.

"Marian, bakit pa? Andyan naman na si Lance eh." Sagot naman ni John Lloyd.

"Bago pa siya dumating, bakit hindi ka nagsabi sa'kin? Bakit mo tinago? Wala kang ginawa hundi inultohin ako. Na kesyo malaki ang braso ko, na mataba ako, na desperada ako, na trying hard ako."

"Diyos ko naman, Marian. Dapat alam mo na. You've always been beautiful to me."

"Ang galing mong magtago ah. Di ko naramdaman yun eh."

"Bakit kailangan ko pang iparamdam sayo? Eh wala ka namang bukambibig kundi si Lance. Kung gaano ka-confident na si Lance, kung gaano ka-perfect si Lance at sa tuwing sinasabi mo iyon sa akin mas lalong lumiliit ang tingin ko sa sarili ko. Lalo kong iniisip na hindi ako pupwede sa'yo dahil wala akong sinabe eh! Wala akong binatbat! I can never be as perfect as Lance."

"Ang sabihin mo duwag ka lang! Hindi ka lang insecure, duwag ka pa!"

"Oo na! Duwag na kung duwag."

"Talaga! Dahil kung mahal mo ako dapat ipaglaban mo'ko!"

"Bakit kung sinabi ko bang mahal kita noon, sasabihin mo sa'kin na 'I love you too'?"

"Oo!... Siguro, hindi ko alam. Ewan ko. Naguguluhan ako, eh. Feeling ko kasi, feeling ko, mahal kita, higit pa sa isang kaibigan."


"Ano ba 'yan, parang sira naman, eh. Ilang beses nang nangyari iyan, ah. Hindi na natuto si John Lloyd kina Marvin at Jolina! Hindi ba niya napanood iyon? Totorpe-torpe kasi ayan naunahan tuloy! Kanya na, nawala pa," naiinis na komento ni Enrique.

Pare-pareho naming hindi alam ang sasabihin. Nagkatinginan na lang kami nina Jeric habang umiinom ng whiskey si Enrique.

Kahit naman hindi siya magsalita, we all have an idea why he's acting this way. He practically shoved Lorryce into Enrico a while back.

Honestly, I was not expecting that. Enrique, loves Lorryce, that's an open secret. Buti pa nga sa aming mga kaibigan niya nasasabi niya 'yon pero di naman niya masabi kay Lorryce mismo.

He is trying. He is really trying oh so hard. Ipinapakita niya sa lahat na okay siya, na masaya pa rin siya pero sa totoo lang, he is broken—ah hindi, shattered. Tumatawa siya. Naka-ngiti siya pero alam ko at ramdam ko, nasasaktan siya.

"Kuya Alan, Beer-BQue tayo. Ang aga mo namang mag-sara."

Gulat kaming lahat na lumingon sa pintuan nang marinig namin ang isang pamilyar na boses.


Ano ang ginagawa ng hayop na iyan dito!


Maging siya ay natigilan nang makita niya kami dito sa loob ng Barbecue House. Ngunit nang makabawi siya sa pagkakagulat niya, ngumiti siya ng nakakaloko sa aming lahat.

The Brothers and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon