"We will have to wait for further instructions," mahina pero mariin at seryosong sabi ni Enrico.
Matapos ng suspension ni Kuya Rohj, ang Student Council naman ang sinugod ng mga officers ng Tiyatro, kasama na ako roon.
"Ano 'yon? Ganoon na lang? Hahayaan niyo na lang ang admin na buwagin ang Tiyatro?" sabad ko.
"Hindi bubuwagin ang Tiyatro, Lorryce. Malinaw ang sinabi ni Chancellor, suspension lang. Wala siyang sinabing bubuwagin ang Tiyatro," kalmadong sabi ni Enrico.
"Hindi ba ganoon na rin yon? They expelled our Director, they revoked our budget and we have been locked out from the SPU Theater. Bakit hindi na lang kami diniretso!"
"Hindi naman kasi magkakagulo ng ganito kung hindi kayo nag-instigate ng rebolusyon laban sa admin and—"
"And what should have we done! Umupo na lang sa isang tabi at hayaan ang admin to trample upon our artistic freedom? You are the Student Council President, you are suppose to help us!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi naman ako galit, nagpapaliwanag lang at saka nai-i-stress.
"I am! I am helping you that is why I am telling you to lie low! Kapag pinagpatuloy ninyo itong pag-iingay ninyo mas lalo lang kayong mapapahamak. Baka sa susunod, kayo naman ang ma-sanction. We have to choose our battles very carefully."
"Bakit parang gusto ko nang maniwala na kaya nananahimik ang Student Council ay dahil tuluyan ka nang na-kontrol ng admin? Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit parang ayaw mo kaming ipaglaban? Naduduwag ka na ba?" wala sa sariling sabi ko.
I bit my lower lip the moment I heared what I just said. Kung pwede lang i-rewind ang oras. Even Enrico glared at me.
Nanlamig ang buong pagkatao ko sa matalim na tingin ni Enrico. He was like mocking me. "Ako ba ang duwag?" sarkastikong tanong niya sa akin.
I was not able to hold his gaze kaya kaagad kong ibinaling sa iba ang tingin ko.
"I'm going to pretend that you did not say that," mahinahon pero malamig niyang turan bago niya kinuha ang jacket sa kanyang upuan. "We're done here."
Bago siya makalabas ng pintuan, muli siyan bumaling sa amin at mariing nag-banta. "I am warning all of you. Huwag na huwag kayong gagawa ng kahit na anong makakapagpalala pa ng sitwasyon ninyo."
"Ngayon pa lang sinasabi ko na, kapag nahuli nanaman kayo, baka tuluyan na akong walang magagawa para sa inyo. Just trust me and wait a little longer."
Dahil sa takot namin sa naging reaksyon ng mahal na hari, wala ni isa sa amin ang nakapalag. All we could do was to watch him storm out the SC Office. Noong nakaalis na si Enrico, sunod-sunod na buntong hininga ang narinig sa loob ng silid.
Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya pero hindi pa rin kami sang-ayon sa gusto niya na manahimik na lang kami. Kung may binabalak siya, 'di ba dapat, isali niya kami? May interes rin naman kami sa issue na ito dahil parepareho kaming Peterfolks.
Hindi namin siya ma-intindihan kasi ayaw niya kaming isali. Pakiramdam namin, sinosolo niya ang problema dahil wala siyang tiwala na kaya naming tumulong.
*************
Nagkayayaan kami nina Hannah at Enrique na mag-dinner sa Barbecue House nina Mommy Elen dahil parepareho kaming na-i-i-stress sa mga pangyayari sa SPU. Kasama rin namin sina Tom, Levi, Inigo at Jeric.
BINABASA MO ANG
The Brothers and I
RomanceA very cutesy slow burn romance comedy about two brothers who fell in love with the same girl served with friendship themes on the side. This story is PG 13. Very demure. Promise. Safe for work.