Enrique
I had a really nice day. Napasarap ako ng pakikipagkwentohan kina Lorryce. Noong naabutan ako ni Tita Gertrude sa bahay nila, inalok niya ako na doon na lang sa kanila mag-dinner.
Aba! Makakatanggi ba ako? Si Tita Gertrude 'yon, kailangan ko rin siyang ligawan.
Late na ako naka-alis kina Lorryce, tapos na-traffic pa ako kaya heto't inabot na ako ng hating-gabi.
Maingat kong binuksan ang pintuan ng bahay. Dahan-dahan rin akong naglakad para hindi maramdaman ang pag-uwi ko. Baka kasi masermonan ako ni Mom kapag nakita niya ako.
"Enrique." Halos mapatalon ako sa gulat noong marinig ko ang aking pangalan.
Huli. Mabuti na lang hindi si Mom.
Liningon ko si Kuya Enrico saka ako ngumiti sa kanya.
"Hey, Kuya!" kampateng bati ko.
Umismid lang siya, "naunahan pa kitang umuwi, ah. Buong araw kayong nag-Jui jutsu ni Lorryce?"
Ako naman ang umismid sa sinabi niya. Si Kuya Enrico ang epitome ng non-chalant. Mayroon siyang future sa pagiging isang bato. Pero sa pagkakataong ito, hindi na niya napigil ang emosyon niya.
The sound of bitterness in his voice is echoing. I was about to comment on that but he was quick to divert my attention.
Inilahad niya sa harapan ko ang dalawang bag ng Nike. Nang tignan ko ang laman ng mga bag, dalawang sapatos. Isang Air Jordan 1 at isang Lebron 10. Parehong maganda.
"Kararating lang ni Dad galing business trip sa US. Pasalubong daw niya sa atin 'yan. Ma-una ka nang pumili."
Napa-ngisi ako sa kapatid ko, "hinintay mo talaga akong maka-uwi para papiliin ng sapatos?"
Umiling siya, "huwag kang feeling. May tinapos lang ako, hindi kita hinintay."
Ang totoo, itong Air Jordan ang gusto ko pero alam kong ito rin ang gusto niya. Matagal na siyang naghahanap ng ganito pero wala siyang mabili, kung mayroon man, hindi naman kasya sa kanya.
"Air Jordan 1, Kuya. Ang tagal mo nang naghahap nito, and look, it's our size... Pero papaano ba 'yan, gusto ko rin, eh."
Isang makahulogang tingin ang ipinukol ko sa kanya pero hindi niya iyon pinatulan.
"Oh eh 'di sa'yo na. Wala namang problema sa akin 'yon. Hihiramin ko na lang paminsan-minsan," nakangiti niyang sabi.
Mataman ko siyang tinitigan. "I may or may not be talking about the shoes, you know," sabi ko.
"Well, I am talking about the shoes," sagot niya.
Kinuha niya iyong Lebron saka siya nagpaalam na matutulog na.
"Do you like Lorryce?" tahasang tanong ko bago pa siya maka-alis.
"Naalala ko pa, na-i-kwento mo sa akin na nakilala mo siya sa Villa Sandejas noong summer at—what were your words— you can't stop smiling whenever you think of her."
"Talaga? Sinabi ko 'yon? 'Di ko na maalala," kaswal na sagot ni Kuya Enrico.
"So ano nga? May gusto ka ba kay Lorryce?" tanong kong muli.
Humugot muna ng isang malalim na buntong hininga si kuya bago sumagot, "I might have a little crush on her, sinabi ko na rin iyon sa kanya pero mukha namang hindi niya sineryoso. Baka nga hinid na niya maalala, eh."
BINABASA MO ANG
The Brothers and I
RomanceA very cutesy slow burn romance comedy about two brothers who fell in love with the same girl served with friendship themes on the side. This story is PG 13. Very demure. Promise. Safe for work.