CHAPTER 5 LIVING THINGS
--Riley's POV--
"Master, pumasok na po kayo" pagpupumilit sa akin ni Mr. Park
"Ayaw ko nga Mr. Park!" reklamo ko sa kanya "wala naman si Ash i, hindi siya papasok"
"Pero Master, kailangan niyo po talagang pumasok" naupo ako sa higaan ko mula sa pagkakabangon ko, ang kulit naman i.
"Nakakaiinis naman i" ngumiti lang siya sa akin
"Nakahanda na po ang almusal niyo sa baba"
"Dito na lang ako kakain"
"hindi po pwede"
"Aiiiiissssttt" inis na sabi ko. Mr.Park talaga!
--
"Master ihahantid na po kayo ng driver niyo"
"O sige" padabog na sagot ko, napansin naman ito ni Mr. Park
"Master may problema po?"
"Wala" sagot ko sa kanya at sumakayna sa kotse.
Magulang na rin ang turing ko kay Mr. Park, siya lang naman kase ang nag-alaga sa akin matapos akong ibigay ng mga magulang ko sa kanya kasama na ang mga pera at titulo ng mga lupa. Matapos daw akong ibigay sa kanya ng mga magulang ko nakita niya ang mga ito na naaksidente sakay ng sasakyan.
Riley Dawson ang pangalan ko dahil 'yan ang nakaburda sa suot ko matapos akong iwan ng mga magulang ko. Aanhin pa ang yaman kung ulila naman.
--
"Good morning" bored na bati nung teacher, okay maganda 'to bored siya ibig sabihin papadrowing 'to 'luh? Ano kayo elementary?' psh tumahimik kanga sabi ko sa boses sa utak ko.
"For today's activity you will go outside the classroom and will draw different living things"
"YES!" malakas na sabi ko, napatingin naman mga classmate ko sa akin pati na rin si teacher.
"Mukhang masaya ka masyado Ms. Dawson, at dahil dyan please guide Mr. Andrada in this activity."
"What?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Do I need to repeat?"
"No teacher" mahinang sagot ko sabay tingin ng masama kay kuya, ayaw niya nga na nasunod ako sa kanya diba? Kainis naman i, nakatingin pa rin ako sa kanya at kung may kapangyarihan ako tulad ni Cyclops kanina pa siya naglaho sa mundong ito.
Naupo naman sa teacher's table 'yung teacher namin. Hindi na niya sinabi na lumabas kame at kunin ang mga gamit namin kumilos na lang kame ng kusa.
--Forrest's POV—
Tss paano to? wala naman akong mga gamit. Sabihin ko kaya kay Riley? Tss bahala na.
"Riley" tawag ko sa kanya
"Bakit kuya?" psh hindi ba niya alam 'yung pangalan ko.
Naiinis ako sa tawag niya sa akin, para bang ang tanda ko na para sa kanya, mukha na ba akong matanda? Kainis!
"Wala akong gamit" sabi ko sa kanya. napatingin naman ako sa kanya... okay mukhang magtataray siya.
"Pakielama ko?" hindi ako pikunin pero napipikon ako sa kanya, sabi na i maldita siya! Imposible naman na ang kasing yaman niya ay mabait diba? 'REST!' malakas na boses sa utak ko 'MAG-ISIP KANGA MUNA KUNG BAKIT SIYA NAGING GANYAN SAYO?' sabi nanaman nung boses sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Fallen (COMPLETED)
Action#188~~ 08|04|2017 highest rank! Oh my GOSH! 😨😱😱😱😱 "HINDI AKO TAKOT MAMATAY! AYAW KO LANG MASIRA ANG MUKHA KO!" yan si Riley Dawson walang kinatatakuan! maliban sa madungisan ang maganda niyang mukha. Sa pagdaan ng panahon mabago pa kaya siy...