Chapter 38
--Forrest's POV—
July 29 pa? e July 4 pa lang ngayon ibig sabihin ilang linggo ko pa siyang hindi makikita?
Naglalakad na ako ngayon palabas ng school habang isinusuot ang itim kong jacket, hindi na ako nakapakinig pa sa mga teacher namin dahil sa pag-iisip kay Riley.
Naalala ko tuloy nung nastranded kame sa isang bayan na kinainan namen.
Kapit ko ang cellphone ko at inumpisahang magbasa.
"Chapter 28?" nakikibasa pala itong si Riley sa kwentong binabasa ko.
"Anong ginawa mo kuya?"
"Edi nagbabasa, matulog kana." Tipid na sagot ko sa kanya, ang ayaw ko sa lahat 'yung pinakikialaman ako pag nagbabasa.
"Ano bang nagustuhan mo dyan kuya?" hindi nanaman ako titigilan ng babaeng 'to.
"Eto lang kase 'yung sigurado akong hindi ako iiwan." Ang lakas makabakla ng sagot ko pero totoo naman. Isang babae ang nang-iwan sa akin noon. Isang kaibigan, tinuruan akong magbasa ng wattpad kahit na ang baduy ginawa ko para sa kanya, para daw may mapagkwentuhan kame. Pero iniwan lang ako.
"Ako rin, hindi rin kita iiwan." Sabi naman ng tangang si Riley.
"Hindi pala ha?" mahinang sabi ko sa aking sarili. Iniwan ako ng isang babae noon pero nakayanan ko dahil kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Pero ikaw Riley?
Mahal kita mahal na mahal.
Mabilis kong pinaandar ang motor ko matapos makalabas ng paaralan. Isa lang ang alam kong makakasagot sa tanong ko.
"Riley!" Riley!"
Ilang mga bantay ni Riley ang humarang sa akin. Wala naman akong magawa laban sa kanila mga tauhan siya ni Riley at alam kong mahalaga sila para sa kanya pati napalapit na rin ako sa kanila.
Salamat naman at dumating si Mr. Park.
"Forrest, anong problema? kayo naman hindi niyo na ba kilala si Forrest?" Inayos ko ang aking uniporme bago siya kausapin. Narinig ko rin na humingi ng pasesnya ang mga tauhan ni Riley sa akin, naiintindihan ko sila tama lang naman ang ginawa nila sa akin.
Natiis ko ang ilang araw na hindi siya makita, pero ang isang buwan? Hindi na.
"Mr Park-" Hindi pa ako nakakahingi ng pasensya sa kanya ay pinutol na niya ang pagsasalita ko.
"Sumunod ka sa akin." Kasabay nang paglalakad niya ay ang pagsunod ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero sumunod na lang ako sa kanya.
Patuloy siyang naglakad hanggang sa marating namin ang hardin ni Riley, makikita rito ang iba't-ibang uri ng bulaklak. Napakasariwa din ng hangin.
Bago pa lamang gumiginhawa ang aking pakiramdam ay bumalik muli sa akin ang pag-aalala para kay Riley.
Kaya't hindi pa manlang nakakaupo si Mr. Park sa isang upuan sa hardin na ito ay nagsalita na muli ako. "Mr. Park, si Riley po? Bakit hindi siya nagpapakita sa akin? Ano po ba ang nangyayare sa kanya? nasaan po ba siya? Nasa loob lang po ba siya ng mansion?" isang ngiti lang naman ang ibinigay niya sa akin na lubhang nagpagaan ng kalooban ko, dahil sa ngiti niya nasigurado ko na kung nasaan man si Riley ay ligtas siya.
"Forrest, malakas talaga ang tama mo kay Riley tsk tsk tsk." Kita ko naman ang pag-iling niya habang sinasabi ang mga salitang binitawan niya.
Hindi ako sumagot sa kanya, dahil alam ko na totoo naman ito.
Oo ako na ang tinamaan sa baliw na si Riley.
Hindi ko alam kung paano nag-umpisa o kailan. Basta ang alam ko lang matapos ko siyang halikan ayaw ko nang mawala siya sa aking paningin.
Gusto kong masigurado na ligtas siya, na masaya siya, na kumakain siya nang maayos.
"Nasabi mo na ba sa kanya?" napaisip naman ako sa biglaang tanong niya sa akin.
Naalala ko tuloy nung kaarawan ni Mr. Park.
"Mr. Park pwede ko po ba kayong makausap." Ngiti lang ang ibinigay niya sa akin tsaka naglakad palabas ng mansion, sinundan ko naman siya dahil maari na pumayag siyang makipag-usap sa akin.
Tumigil si Mr. Park at saka nagsalita. "Maari na ba dito?"
"A-opo" pautal naman akong sumagot sa kanya.
Huminga ako nang malalim tsaka nag-umpisa sa pagsasalita.
"Si Riley po gusto ko siya."
"Gusto? Anong ibig mong sabihin?" nakangiti namang sagot ni Mr. Park, hindi ako makangiti kahit na nakangiti siya sa akin, sa totoo lang parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng tibok ng puso ko.
Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.
"Mahal ko siya Mr.Park, alam ko po masyadong mabilis ang pangyayari pero, hindi ko rin po maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siyang nakikita, gusto ko siyang kasama gusto ko siya it—"
"Op op teka lang baka iba na ang masabi mo." Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa naging reaksyon niya, hindi ko alam kung tama ba ang ginawa o ang mga sinabi ko.
Basta ang alam ko lang ngayon, dapat kong masabi sa kanya na mahal ko si Riley, dapat malaman niya na gusto ko ang babaeng itinuturing niyang anak.
"Salamat Forrest dahil sinabi mo sa akin ang nararamdaman mo para kay Riley." Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa mansion at nang makarating siya sa tabi ko ay nagsalita muli siya. "Sabihin mo na habang maaga pa."
Agad akong bumalik sa loob ng mansion para sundin ang payo ni Mr. Park pero isang tulog na Riley ang nadatnan ko.
Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya pinilit ko siyang gisingin para masabi ko na mahal ko siya. Hindi ko naman inaasam na mahalin din niya ako, ang gusto ko lang ay malaman niya na mahal ko siya. Pero sa tindi ng kalasingan niya ay hindi ko na siya nagising at hinayaan na lang siyang matulog nang mahimbing.
Tsss kung hindi siya nalasing edi sana umamin na ako.
"Mr. Park ito ba ang ibig mong sabihin na habang maaga pa? Dahil ba mawawala siya?" agad akong tumingin sa kanya para makita ang reaksyon niya, hindi naman ako nahirapan na gawin ito dahil magkatapat lang kame ng upuan na napapagitnaan ng isang bilog na mesa.
Tulad ng madalas niyang gawin ngiti lang ang isinagot niya sa akin. "'wag kang mag-alala sa kanya na dun lang siya." Halos lumabas ang puso ko dahil sa tuwa matapos niyang tignan ang bintana ng kwarto ni Riley.
Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang ako sa bintana.
Bumalik lang ako sa aking sarili nang marinig ko uling magsalita si Mr. Park.
"Isang beses sa isang taon tuwing Hulyo nagkukulong siya sa kwarto niya." Halos ito rin ang sagot ni Ashley.
"Pero bakit Mr. Park?" Alam ko naman na dahil sa birthday month niya ito. Pero tulad nang naisip ko kanina, may iba pa siyang rason.
Hindi man ito nasagot ni Ashley sigurado akong alam to ni Mr. Park.
"Sa sobrang lungkot, ayaw niya kase na may babati sa kanya ng birthday niya, para kase sa kanya ang birthday ay idinadaos kasama ng mga taong mahal mo. Kasama ang pamilya."
Tama naman si Riley don, kahit naman malayo ako sa pamilya ko. Kasama ko sila tuwing kaarawan ko.
Pero siya, ni isang beses sa buhay niya hindi niya naranasang ipadiwang ang kaarawan niya kasama ang pamilya niya o ang mga magulang niya.
Ako ang nasasaktan para sa kanya, Riley ang babaeng nakapagpabaliw sa akin hayaan mong pasayahin kita.
Pakiusap.
BINABASA MO ANG
Fallen (COMPLETED)
Ação#188~~ 08|04|2017 highest rank! Oh my GOSH! 😨😱😱😱😱 "HINDI AKO TAKOT MAMATAY! AYAW KO LANG MASIRA ANG MUKHA KO!" yan si Riley Dawson walang kinatatakuan! maliban sa madungisan ang maganda niyang mukha. Sa pagdaan ng panahon mabago pa kaya siy...