Chapter 39

3 0 0
                                    

Chapter 39 

--Forrest's POV—

Tulad nang sinabi ni Ashley mabilis ngang lumipas ang mga araw.

July 27 na ngayon, ilang araw na lang ang titiisin ko para lubusan siyang makasama.

Araw-araw pumupunta ako sa bahay niya, kinukumusta ang kalagayan niya kay Mr. Park. Nag-alala nga ako nitong nakaraan dahil nilagnat daw siya.

Bute na lang malakas ang katawan niya at mabilis siyang gumaling.

Katatapos lang ng eskwela at nakasakay nanaman ako sa motor ko para makarating sa bahay.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko para buksan ang pinto nang magulat ako na bukas na pala ito. Alam kong isinara ko ito kaya naman nagtataka na akong ngayon.

Maingat akong pumasok sa loob ng bahay, mahirap na baka may kalaban.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay bumungad naman sa akin si Hana nasa sala siya ngayon habang may dalawang bote ng beer sa maliit na mesa ko.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko sa kanya ng hindi manlang siya tinitignan.

"Look Forrest, I'm your fiancé . No one can stop me if I want to see you." Matapos kong marinig ang mga sinabi niya tsaka lang ako napatingin sa kanya.

Pati baliw ba siya anong fiancé fiancé sinasabi niya?

Oo fiancé ko daw siya, fixed marriage eto 'yung mga nababasa ko sa wattpad. Pero hindi tulad nila wala akong pakialam sa fixed marriage na 'to.

Sabi ng mga magulang namin ikakasal nila kame sa isa't-isa.

E ang pauwiin nga nila ako sa bahay namin hindi nila magawa, maikasal pa kaya sa babaeng hindi ko naman gusto?

Mamamatay muna ako bago ako maikasal sa babaeng 'to.

"Tigilan mo ang kabaliwan mo." Naglakad ako papasok ng kwarto ko para makapagpalit ng damit.

"Honey!" tawag nito sa akin, nababaliw na ata siya.

Matapos kong makapagpalit ng damit lumabas uli ako para kausapin siya.

"Hana, ano nanaman problema mo?" sigurado ako may problema 'to madalas ako ang binubwisit niya 'pag ganitong may problema siya.

"Wow! Thank you Lord at napakamaalalahanin ng future husband ko." Wika nito habang nakataas pa sa ere ang dalawang kamay niya.

Tss lasing na talaga siya, nandidiri ako sa sinasabi niyang mapapangasawa ko siya. Ayoko nga siyang mapangasawa.

"Hana, nasan ang phone mo?" Pinilit ko itong makuha sa kanya, hindi naman ito mahirap dahil nanlalambot na siya sa kalasingan.

Binasa ko naman ang mga messages sa phone niya.

Tama ako may problema nga siya. Magkaaway nanaman sila ni Lucho, ang kasintahan niya.

"Bakit ganon Rest? Lagi na lang ba ako ang uunawa sa kanya? Bakit kailangang manloko ng mga lalake ha?" unti-unti nang tumutulo ang mga luha mula sa kanyang mata.

"Panget ba ako?"

"Mataba?

"Bakit?"

Hindi ko mapigilan magalit kay Lucho dahil ngayon niloko nanaman niya si Hana. Kaso ayoko namang makialam.

Hindi na lang ako nagsalita at inubos ang isang bote ng beer.

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

Hanggang makaanim na bote na ako, ramdam ko na ang hilo at antok. Tulog na rin si Hana. Pinilit ko siyang buhatin papunta sa kwarto ko.

Fallen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon