CHAPTER 33 Master
--Riley's POV—
Nakanganga pa rin ako dito sa kwarto ko, grabe ang sakit ng panga ko ang hirap pa lang kalaban ng labi ni kuya.
Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong maramdaman.
Sa totoo lang kase akala ko hindi na ako mahahalikan ng kahit na sino pero nagkamali ako, tapos si kuya pa ang humalik sa akin. Ang matindi niyan ang tagal pa talaga nung kiss.
Tsk tsk.
Ano kaya ang pumasok sa isip niya?
Normal lang kaya ang nangyare sa amin?
E ano 'yun pag may naisipan siyang halikan hahalikan na lang niya?
Paano kung pati si Ash nahalikan na niya?
Teka! Dapat magalit ako, hindi tama na hahalikan na lang niya ako basta-basta.
Waaa! Naibagsak ko na lang tuloy ang katawan ko sa malambot kong kama.
Waa mababaliw na ako kakaisip.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nagyare.
Sobrang nanlambot ako kaya kinarga na niya ako papunta sa kotse ko grabe talaga.
"Sorry Riley, okay lang kung sasampalin mo ako. Sapakin mo ako, barilin mo ako. Sorry talaga." Naalala ko naman bigala ang sinabi ni kuya matapos niya akong maisakay sa sasakyan.
Kaso hindi naman ako nakasagot sa kanya, ewan ko lang pakiramdam ko tuloy ang landi ko. Kase naman sa palabas kapag hinalikan ka ng hindi mo naman nobyo sinasampal. E ako? Bwiset! Na-enjoy ko pa. Tss tanga nga siguro ako.
~~Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko~~
Nakanganga naman akong napatingin sa cellphone ko matapos itong tumunog.
"Kuya" basa ko sa pangalan nang natawag sa akin.
[Riley sorry talaga]
[Riley naririnig mo ba ako?]
"O-oo kuya."
[Mabute naman. Sorry talaga, kasalanan ko.]
"Ayos lang kuya." Nahihiyang sabi ko, bwiset 'yung boses niyang husky. Paano ako makakasagot ng maayos sa kanya. Ngayon na nagsosorry siya sa akin pakiramdam ko bawal kong hindian ang sorry niya dahil sa uri ng boses niya. "Hindi ako galit." Dagdag ko pa TANGA talaga! Hinalikan hindi manlang nagalit! BWISET!
[Salamat Riley. Sige matulog kana. Sweet dreams.]
"Master"
"Master"
What? Sino ang tumatawag sa akin?
Tss bakit ba naiinis ako sa tawag na master sa akin?
Tsss naalala ko tawag nga pala sa akin yun ni kuya.
Naupo ako at tinignan kung sino ang tumatawag sa akin.
"O Graysa, bakit?"
"Master, anong nangyare sa inyo? Bakit ang itim ng eyebags niyo? Tatawagan ko si Mr. Park."
Kinapitan ko naman ang braso niya tsaka nagsalita. "Wag na Grasya, teka bakit mo ba ako ginising?" Tsaka ako humikab. Natoothbrush naman ako kagabe bakit iba amoy ng hininga ko amoy menthol na amoy chocolate. Napakapit naman ako sa labi ko nang maalala ang halik ni kuya.
"May pasok po kase kayo master, teka bakit po kayo namumula? May lagnat po ba kayo? Tatawagan ko na talaga si Mr. Park." Halata sa kanya na gusto niyang kapitan ang noo ko pero hindi niya magawa dahil siguro natatakot siya, ayaw ko talagang kinakapitan ang mukha ko. Pero sa leeg niya ako kinapitan, bwiset naalala ko nanaman si kuya.
Hindi ko na lang pinansin si Grasya sa mga pinagsasasabi niya, wala naman akong lagnat e. Puyat lang ako, pero maginhawa ang pakiramdam ko. "Grasya 'wag niyo na akong tatawaging master simula ngayon ha."
"Bakit po master?"
"Aishh! Basta 'wag na!"
"Okay po master."
"Ang kulit naman i." Napasabunot na lang ako sa magulo kong buhok dahil sa kakulitan ni Grasya.
"E ano po ang itatawag namin sa inyo?"
"Riley o Ri, pwede ring Ley. Kayo na ang bahala basta 'wag master utang na loob." Pakiramdam ko tinatawag ako na tanga kapag naririnig ko ang master na 'yan.
"O sige po Mas-- Riley. Baba na po kayo." Aiss labag sa loob ko na tumayo mula sa kama ko, si Grasya naman inaayos ang kama ko ngayon.
"Teka pala sa birthday ni Mr. Park kayo na ang bahala ha."
"Opo Master."
"Grasya!" nagmadali naman siyang tumakbo palabas ng kwarto ko.
Pumunta ako sa CR ko.
Kainis ka kuya! Ang itim nga ng eyebags ko. Kasalanan niya 'to e. Kung hindi ko siya inisip kagabi edi sana nakatulog ako ng maayos.
Nasa kwarto na uli ako at handa nang pumasok.
"Master, nakabihis napo ba kayo?"
"RILEY! RILEY ANG ITAWAG NIYO SA AKIN." Sigaw ko sa tumatawag sa akin.
"Nasa baba na po si Mr. Forrest."
Si kuya? Naku lagot ako.
Hindi na ako lalabas ng kwarto. Naglakad na ako pabalik ng trono ng maisip kong..
Tss bakit ako pa malalagot? Siya nga ang dapat lagot sa akin e, kase hinalikan niya ako.
Narinig ko naman na may kumatok, hindi pa rin ako makalabas kase kahit handa na ako nahihiya ako kay kuya.
"Pasok." Mahinahong utos ko.
Nakaupo pa rin ako sa trono ko at nakaharap sa bintana. Sinusubukan kong kumalma, simula nang malaman ko na nasa baba si kuya bumilis ang tibok ng puso ko at para bang gusto ng lumabas nito mula sa katawan ko.
"Riley." Bwiset si kuya. Narinig ko ang mga yabag niya, hindi ako makakilos at napapikit ako, naamoy ko na siya ang lapit na niya ang lapit na. Tumigil siya sa paglalakad tsaka ko lang iminulat ang mga mata ko.
"Riley sorry."
"Ku-kuya." Utal na tawag ko sa kanya, nakaluhod kase siya sa harap ko ngayon. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko. Ano ba 'tong nangyayare sa akin?
"Riley sorry." Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa akin. Pero hindi ako makapagsalita.
Ilang sandali pa kameng nanatili sa ganitong posisyon, sobrang lungkot niya kitang-kita ko ito sa mga mata niya, pero may isa pa akong emosyon na nakikita sa kanya at hindi ko alam kung ano 'yon.
"Riley please."
"Okay lang ako kuya, 'wag ka nang humingi ng sorry kuya... Hindi ako galit sa'yo."
Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Pero masaya ako, masaya ako na nasa harap ko siya.
"Pero kuya.. may tatanong ako." Tss dapat malaman ko kung hinahalikan niya lahat ng kakilala niyang babae.
"Ano 'yun Riley?""Lahat ba nang kakilala mo hinahalikan mo?" Iniwas niya ang tingin niya sa akin huminga ng malalim tsaka nagsalita.
"Hi-hindi, ikaw lang." mahina ang boses niya pero sapat na para maintindihan ko. Kung tama ang intindi ko ako din ang first kiss niya?
Inalalayan niya akong tumayo.
Kailan pa siya naging gentleman?
Nang makatayo naman ako, hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa niya.
"Payakap. Namiss kita."
BINABASA MO ANG
Fallen (COMPLETED)
Action#188~~ 08|04|2017 highest rank! Oh my GOSH! 😨😱😱😱😱 "HINDI AKO TAKOT MAMATAY! AYAW KO LANG MASIRA ANG MUKHA KO!" yan si Riley Dawson walang kinatatakuan! maliban sa madungisan ang maganda niyang mukha. Sa pagdaan ng panahon mabago pa kaya siy...