Chapter 47
--Forrest's POV—
Unti-unti kong iminulat at mata ko, naalala ko agad ang walang malay na si Riley kaya napabangon ako. Tumingin ako sa paligid, isang lampshade lang ang nagbibigay ng liwanag sa kwartong ito, nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko si Riley na nakahiga sa isang kama malapit lang sa akin. Agad ko siyang nilapitan.
Wala pa rin siyang malay, kasalukuyan din siyang sinasalinan ng dugo. Hindi ko na mapigilang umiyak.
"Sorry Riley, sorry." Kinapitan ko ang kamay niya at naramdaman ang lamig nito. "Kasalanan ko Riley." Ilang minuto ko pa siyang tinitigan. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang dahilan ng paghihirap mo.
"Forrest." Pinunasan ko ang mga luha ko at liningon ang tumawag sa akin.
"Mr. Park."
"Salamat Forrest dahil nailigtas mo si Riley." Wika nito matapos naming makarating sa garden, sa totoo lang ayaw kong iwan si Riley sa loob ng clinic sa mansion niya pero nakiusap sa akin si Mr. Park na mag-usap daw kame.
"Hindi po kayo dapat magpasalamat sa akin Mr. Park, alam ko na alam niyong ako ang dahilan nang pagdukot sa kanya." napangiti lang si Mr. Park. "Kailan niyo pa ako nakilala?" tanong ko.
"Nang ipinakilala ka ni Riley." Deretsong sagot ni Mr. Park.
"Mr. Park, 'wag na po kayong magsinungaling." Alam kong nagsisisnungaling siya. At sa tingin ko mas makakabute kung hindi na kame magsisingungaling sa isa't-isa.
"Nang mapagkamalam mo siyang si Miss Ashley." Sagot ni Mr. Park.
Ganon katagal na? Simula ng dinukot namin si Riley.
"Pero bakit hindi niyo manlang ako pinigilang lumapit sa kanya, alam niyong delikado akong tao."
"Una sa lahat, hindi ikaw ang lumapit. Si Riley ang lumapit sa'yo. Oo, maari ngang mapahamak siya dahil sa pagsama niya sa'yo. Pero maari rin namang siyang maging masaya dahil sayo, at tama ako, ikaw ang dahilan ng pagiging masaya niya. Trabaho ko ang ilayo siya sa kapahamakan, pero trabaho ko rin na siguraduhing maging masaya siya. Sa tagal ko siyang inalagaan hindi ko iyon naibigay sa kanya, ngayon lang siya naging masaya."
Hindi na ako sumagot sa mga sinabi ni Mr. Park.
"Salamat uli, at pasensya na kung nahuli kame kanina."
"Sandali po." Pagpigil ko sa kanyang pag-alis. "Paano niyo po kame natunton?"
Naging seryoso ang mukha niya.
"Nakalimutan mo na ba na may tracking device si Riley?" tanong nito sa akin, tama siya nakalimutan ko na ang tungkol don.
"Pero bakit hindi niyo agad siya iniligtas?"
"Forrest hijo, Si Raul ang dumukot sa kanya. Isang drug lord, hindi ka dapat basta-basta sumugod sa giyera ng wala manlang matinong plano." Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa sinabi niya. "Bata pa kayo, marami pa kayong matututunan. Isa itong leksyon para sa'yo Forrest, 'wag kang magpadalos-dalos dahil baka pati buhay mo malagay sa panganib, balang araw magiging Presidente ka ng Pilipinas. Kailangan matuto kang magdesisyon ng hindi lang para sa sarili mo. Lagi mong iisipin ang mga taong nakapaligid sa'yo." Halos manigas ako sa mga sinabi niya, tama naman lahat ng sinabi niya.
Masyado akong nagpadalos-dalos. Pati si Hana nailagay ko sa panganib, bute na lang dumating sila Mr. Park. Ngayon ay naiwan ako sa garden ni Riley.
Napakatanga ko.
"Forrest, wala bang masakit sa'yo?" napalingon ako sa nagsalita. Si Hana pala ito.
"Kanina ka pa dyan?" tanong ko matapos kong ibaling ang tingin ko sa mga bulaklak.
"Hindi naman, narinig ko lang 'yung sermon este pangaral sa'yo 'nung Mr. Park."
"Sorry Hana. Pati ikaw muntik nang mapahamak."
"Sus! Wala 'yon Forrest!." Sagot nito. "Pati wala pa nga ito sa mga kalokohan naten nung bata pa tayo di ba?" at tumawa siya ng mahina, tama nga naman siya. Simula bata marami na kameng kalokohan, naalala ko pa nung naglaro kame ng mga baril noon, baril-barilan daw kame sabi ni Hana, muntik na naming mapatay ang isa't-isa dahil totoo pa lang baril ang nilalaro namin. napangiti na lang tuloy ako nang naalala ko.
"Kahit si Lucho ang nadukot siguro susugod din ako kahit walang plano. Iba kase kapag taong mahal mo ang nakalagay sa piligro, pati alam mo ba Forrest, ayos na uli kame ni Lucho." Halata bang mahal ko si Riley?
"Pero alam mo Forrest, nagtataka ako. Bakit sobrang yaman ni Riley? Alam mo ba na hindi ko nakita sa computer na nasa paligid ng pabrika ni Raul ang mga tauhan niya? Hindi sila nadetect ng computer ko. At hindi lang 'yon ang dami ng tauhan ni Riley." Manghang-manghang salaysay ni Hana, maging ako ay nagtataka rin.
Sino ka nga ba Riley? Ano pang lihim mo?
BINABASA MO ANG
Fallen (COMPLETED)
Action#188~~ 08|04|2017 highest rank! Oh my GOSH! 😨😱😱😱😱 "HINDI AKO TAKOT MAMATAY! AYAW KO LANG MASIRA ANG MUKHA KO!" yan si Riley Dawson walang kinatatakuan! maliban sa madungisan ang maganda niyang mukha. Sa pagdaan ng panahon mabago pa kaya siy...