Chapter 42

5 0 0
                                    

  Chapter 42

--Riley's POV—

Isang malamig na tubig ang gumising sa akin, pinipilit kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa, senyales na nakatali ako sa bangkong inuupuan ko ngayon.

Naalala ko naman kung paano ako napunta dito.

"Sinungaling ka!" buong galit na sabi ko sa kanya, hindi ko na dinagdagan pa ang sasabihin ko sa kanya dahil pakiramdam ko babagsak na ang mga luha mula sa mata ko.

"Riley makinig ka! Fuck nasan ba ang damit ko?"

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

Ano 'to?

Bakit ang sakit ng dibdib ko?

Patuloy pa rin ang pagtawag niya sa akin.

Hanggang sa nakalabas na ako ng bahay niya at hinanap ang naghatid sa akin pero wala na ito.

Naglakad ako palayo sa bahay niya.

"Riley" sigaw nito na hindi ko pa rin pinapansin.

Ilang tawag pa at..

"Ri" napalingon ako sa kanya dahil hindi niya natapos ang pagtawag sa pangalan ko.

Halos mapaupo ako sa nakita ko.

"Kuya" ito na lang ang nasabi ko matapos ko siyang makita.

"Master Riley" napatingin ako sa bumuhos sa akin ng tubig matapos niyang ibato kung saan ang balde na ginamit niya para mabuhusan ako, isang lalake ito na na sa tingin ko ay nasa singkwentahan na ang edad kayumanggi ang kulay at kapansin-pansin ang tattoo sa kaniyang leeg.

Gusto ko sana itanong kung sino siya dahil pamilyar ang mukha niya sa akin pero may mas importante akong dapat malaman.

"Si kuya nasaan siya?" matigas na tanong ko sa kanya.

Sana naman hindi na siya kinuha ng mga taong ito.

"Si Forrest? Siya pa ang inalala mo? Hindi mo ba alam na siya ang dahilan kung bakit nandito ka? Mga babae nga naman tanga pag nagmahal." Narinig ko ang malakas na tawanan ng mga tauhan niya, napansin ko tuloy na napaliligiran pala nila ako. "At teka saan ka ba nagpunta? Ang tagal ka naming hinahanap." Dagdag pa nito.

Isang sampal ang binigay niya sa akin matapos niyang magsalita. Hindi ko naman inintindi ang sakin nito. Iba ang nararamdaman ko ngayon. Ang lakas ng tibok ng puso ko na parang sasabog ang aking dibdib.

Takot, takot ang aking nararamdaman.

Isang dilaw na ilaw lang ang ngayon ay nakatutok sa akin mula sa kisame kaya naman hindi ko maitsurahan ang iba niyang kasama. Halos ako lang kase ang nabibigyan nito ng liwanag.

kuya nasaan ka? Ito ang tanong ko sa aking sarili.

Nagsisisi ako ngayon kung bakit pa ako lumabas ng bahay niya, sana kinausap ko na lang siya. Siguro kung nakipag-usap ako sa kanya naayos namin ang problema. Kahit pa pinuntahan din niya si Hana kagabi okay lang sa akin.

Kahit pa sabihin niyang hindi pala niya ako mahal ayos lang sa akin, basta malaman kong ligtas siya masaya na ako.

"Hindi porke anak ng presidente ng Pilipinas e kakalabanin na kame!" Nagulat ako sa mga sinabi niya, si kuya? Anak siya ni President Andrada. "Hindi namin pwedeng galawin si Forrest dahil baka ultimo abo namin maglaho sa mundong ito kaya ikaw na lang." kinapitan ng kanang kamay niya ang leeg ko at handa na akong sakalin.

Pero kahit ganito may saya pa rin akong nararamdaman, masaya ako na hindi nila magagalaw si Forrest, ibig sabihin ligtas siya.

Ligtas pa rin si Forrest.

Narinig ko pang nagtawanan ang mga tauhan niya.

"Tama 'yan boss!" sigaw ng isa sa mga tauhan niya.

At ngayon pasikip nang pakisip ang kapit niya sa leeg ko. Nahihirapan na akong huminga.

Nahihilo na rin ako.

Forrest sabi ko sa aking isip, kasabay ng paghirap sa paghinga ay ang matinding kaba at takot. Ang takot na ito ay naramdaman ko rin noong makita kong duguaan siya.

Natatakot ako.

Natatakot ako na hindi ko na siya makita at makasama pa.

Natatakot akong mamatay.

Mamatay ng hindi manlang siya nakakasama.

Forrest, hindi ako maalam magmahal. Pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon gusto kitang makasama.

Kung hindi man kita kayang mahalin, kaya ko namang samahan ka habang-buhay.

Unti-unti kong naaalala ang mga panahong nakasama ko siya, ang pagkakidnap niya sa akin.

Ang unang away namin sa mga lokong gangsters.

Ang pagdating niya habang nakikipaglaban ako sa mga nakaaway namin.

At ang unang halik na ibinigay niya sa akin.

Hindi ako magkandamayaw sa paghinga nang bitawan niya ang aking leeg.

Salamat. Salamat po Panginoon at buhay pa ako.

Maya-maya isang malakas na suntok ang ibinigay niya sa akin.

Hinihingal pa rin ako ngayon dahil sa pagsakal niya sa akin tapos dumagdag pa itong init na nararamdaman ko sa aking labi matapos niya akong sapakin.

"Anong karapatan niyong kunin ang aking anak?" Wika nito. Hindi ako nakasagot sa sinabi dahil ngayon ay naiiyak ako hindi dahil sa sakit kundi dahil sa kahit masama siyang tao ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa kanyang anak. At ito ang bagay na hindi ko mararanasan kahit kailan.

"Siguro dapat na nating tapusin ito." May kinuha siyang baril mula sa kanyang likuran ikinasa ito at diretsong itinutok sa noo ko.

Napapikit ako.

Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha at pati na rin ang dugo mula sa aking labi.

Alam kong pag matatapos na ang aking buhay ay makakasama ko na ang aking mga magulang, mararanasan ko na rin ang pagmamahal na ibinibigay ng hayop na ito sa kanyang anak pero ayoko pa.

Ayoko pang maranasan ito.

Ayoko pang mamatay.

Gusto ko pang makasama si Forrest.

Fallen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon