Chapter 60

5 0 0
                                    

Chapter 60

--Riley's POV—

"Doc, kumusta po siya?" tanong ko sa doctor na lumabas mula sa emergency room. Bute na lang kahit liblib ang lugar na ito ay may ospital pa rin.

"Delikado ang kalagayan niya, marami nang naubos na dugo. Kailangan niyang masalinan ng dugo. Pero hindi lang 'yon ang problema naten. Wala siyang kamatch na dugo dito sa ospital, at aabutin ng ilang oras bago makarating dito ang dugong kamatch niya. At maaring hindi na niya ito abutin." Halos mapaupo ako sa sahig matapos kong marinig ang paliwanang ng doctor hanggang sa maalala ko na lang ang isa pang bagay na kinatatakutan ko.

"Ma-magkapatid po kame doc, kambal kame baka pwede ang dugo ko." Nagliwanag naman ang ekspresyon ng doctor matapos niyang marinig ang sinabi ko.

"Nurse, magmadali kayo itest niyo ang dugo nila kung magkamatch." Utos ng doctor agad naman akong isinaman ng mga nurse.

Ngayon ay nasa tapat na uli ako ng emergency room.

Panginoon pakiusap, payag na po ako na magkapatid kame pakiusap iligtas niyo lang siya.

Ngayon naman ipinagdarasal ko na sana nga magkapatid kame para magamit niya ang dugo ko, para mabuhay siya.

"Sorry ma'am, pero hindi po natin maaring gamitin ang dugo niyo." Wika ng doctor.

"Pero bakit? Kapatid ko siya! Please doc tulungan niyo ang kapatid ko."ngayon ay nakaluhod na ako sa harap ng doctor na ito, pakiusap. "Gawin niyo lahat please."

"Sorry ma'am, wala tayong magagawa ngayon kundi ang umasa na aabutin pa niya ang pagdating ng dugong kamatch niya."

Mayamaya may lumabas na nurse mula sa emergency room at may ibunulong sa doctor.

Nang pumasok sila sa emergency room ay nakita ko si Forrest. Halos madurog ang puso ko matapos ko siyang makita. ang daming aparatonf nakapaligid sa kanya.

Mayamaya pa may ilan pang doctor ang pumasok sa emergency room kaya naman nakita ko na lang na isiniCPR na si Forrest. Napaupo na lang ako at ang lahat ay nagdilim.

--Third Person's POV—

Hind nakayanan ni Riley na makita ang lalakeng minamahal niya na nag-aagaw buhay kaya ito nawalan ng malay.

Bago siya tuluyang bumagsak ay nasalo siya ni Mr. Park.

"Alaiza, Aries si Riley." Agad nilang nilapitan ang dalaga humingi naman ng tulong si Alaiza.

Laking pasasalamat ni Mr. Park ng hindi tanggalin ni Riley ang tracking device nito kaya naman nalaman nila kung nasaan ito.

Nagpadala sila ng tao para sundan si Riley, kaya naman nalaman nila na may nakaharap ang dalawa at nabaril si Forrest. Matapos nila itong malaman ay agad silang bumyahe sakay ng helicopter.

"Alaiza kayo na ni Henry ang bahala kay Riley. Skyy anak, kailangan mo nang pumasok sa emergency room." Sinunod naman ito ng dalaga habang si Riley naman ay dinala sa isang silid upang mabigyan ng paunang lunas.

Si Forrest na ngayon ay nag-aagaw buhay ay patuloy pa ring lumalaban para kay Riley, unti-unti niyang iminulat ang kanyang mata nasisilaw man ay naaninag niya ang isang babae na nakahiga sa kama malapit sa kanya.

"S-Sk-Skyy?" wika nito at nawala na uli ng malay.

Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga magulang ni Forrest na ngayon ay alalang-alala para sa kalagayan ng kambal nila.

Ang pag-aalala naman ay napalitan ng galit matapos na makita ni Carlos si Aries sa tapat ng emergency room at agad niya itong sinuntok.

"Hindi pa ba kayo masaya ha? Inilayo niyo na ang anak ko sa akin tapos ngayon papatayin niyo naman sila?" Kinapitan ni Carlos ang damit ni Aries at sinuntok uli ito. "Anong kasalanan ko sa inyo?" sigaw nito.

Napadapa na lang si Aries sa sahig matapos niyang matanggap ang suntok nito.

Pinunasan ni Aries ang dugong tumutulo mula sa kanyang labi.

"Nagkakamali ka ng iniisip." Sabay ngisi kaya naman mas nainis si Carlos at nilapitan nanaman ito para suntukin.

Ilang suntok pa ang pinakawalan ni Carlos na tinatanggap lang naman ni Aries.

"Aries si Riley! Inaatake siya ng hika." Sigaw ni Alaiza ang asawa nito. Dali-dali namang tumakbo si Aries papunta sa kwarto ni Riley. Kaya naman nagtaka si Carlos kung bakit ganito na lang ang naging reaksyon ni Aries.

Ngayon ay naiwang nakatayo si Carlos hindi alam kung sino ang uunahing lapitan sa kanyang mga anak nang lapitan siya ng kanyang asawa umiiyak.

"Tahan na Clara, makakaligtas ang mga anak naten."

Ilang sandali pa ay may lumabas na doctor mula sa emergency room.

"Mr. President" tawag kay Carlos ng doctor.

"Ligtas na po ang inyong anak, kasalukuyan po siyang inooperahan para matanggal ang bala sa kanyang katawan." Nakahinga ng maluwag ang mag-asawa. "Salamat na lang po sa babaeng 'yon." Sabay tingin ng doctor kay Skyy na ngayon ay yakap ni Aries at Alaiza.

"Siya ang nagbigay ng dugo para sa anak niyo, kung hindi dahil sa kanya malamang po-" hindi na pinatapos ni Carlos sa pagsasalita ang doctor at nagpasalamat na lang ito.

Lumapit siya kay Aries at Alaiza.

"Sino ang babaeng 'yan?" tanong nito sa mag-asawa. "Sabihin niyo ang totoo, siya ba ang anak ko at hindi si Riley?" ito ang naitanong ni Carlos sa kanila.

Fallen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon