CHAPTER 7 Badtrip si KUYA

111 36 38
                                    

CHAPTER 7 Badtrip si KUYA

--Riley's POV—

Tulad din pala kame ni kuya, wala din siyang kaibigan. Hindi na ako magtataka kase nga ang taray naman niya, pero ang hindi ko maintindihan bakit kinailangan niyang magsinungaling sa akin, sa ilang tanong ko kase nagsisinungaling siya. Pero bilang kaibigan niya irerespeto ko kung ano man ang dahilan niya.

Mataray siya pero mabait, kaya iingatan ko ang pagkakaibigan namin. Aba! Nahirapan akong maging kaibigan siya. Isipin niyo naman tiunuruan ko pa sa siya magdraw. Aba! Mahirap talaga lalo na't para siyang Grade 1.

Natigil naman ako sa pag-iisip ng tumunog ang phone ko.

"May nagchat sa akin?"

"Si Ash"

[Ri punta ka sa bahay?]

[ngayon na]

Hala bakit kaya? Hindi kaya alam niya na kaibigan ko na si kuya yung kidnapper niya. Hala! Magpapalusot ako. Nag-umpisa na akong mag-isip nang idadahilan ko sa kanya.

[Bilis! Alam kong nabasa mo na ang chat ko kaya kung ayaw mong ipasundo pa kita, pumunta kana dito!]

[okay! Okay!] reply ko sa kanya 'yan na lang ang nasabi ko. Hindi rin naman ako makaisip nang idadahilan sa kanya.

--

"Bakit mo ko pinapunta?" tanong ko agad sa kanya.

"Alam mo ba Ri nakidnap ako" sabi naman niya na ikinalaki ng mata ko. Alam ko naman 'yun pero syempre diba dapat kunwari wala akong alam. Mamaya malaman nila tita, may baril sila! Barilin pa ako.

"Ha! Sinong kumidnap sayo?"acting-actingan ko. Mukha namang naniwala siya kase magaling akong umakting.

"Tingin mo ba maitatanong ko pa kung sino 'yung kumidnap sa akin? Syempre hindi na, ang tanda ko lang, may nakasalubong akong dalawang lalaki tapos 'yun wala na akong maalala"

"Buti naman" mahinang sabi ko.

"Ano? Buti naman?" tanga ka nga talaga Ri bakit mo sinabi 'yon?

"Sabi ko buti naman, buti naman hindi mo sila kilala kase kung kilala mo sila, sinisigurado ko na—"

"Na?" putol niya sa sinasabi ko.

"Na magugulpi ko sila, na lulumpuhin ko sila"

Mukha namang naniwala si Ash sa lahat nang sinabi ko. Alam ko darating ang araw na kailangan kong sabihin sa kanya ang totoo pero hindi pwede. Hindi ngayon.

Fallen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon