Chapter 37
--Ashley's POV—
Nakatayo nanaman kame ngayon ni Forrest sa harap ng Warren, sa totoo lang awang-awa na ako sa kanya dahil kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata pati na rin sa kilos niya. Hindi na mukhang model ang tayo niya ngayon di tulad nung mga nakaraan nung nakakasama pa namin si Riley.
Ano kaya ang ipinakain ng kaibigan ko sa kanya at nagkakaganito siya?
'Riley san ka na ba?' alam ko na ito nanaman ang tanong niya sa kanyang sarili. Ito rin kase ang madalas kong marinig sa kanya.
"Forrest nagbell na, pasok na tayo, sigurado ako na hindi nanaman papasok si Riley." Alam kong kahit maghintay kame ng buong isang araw o linggo hindi siya dadating, habang naglalakad kame papasok ng school naisipan ko siyang pakalmahin."Forrest, mabilis lang naman ang araw. Mabilis lang lilipas ang araw. Ilang linggo Lang at makiki—" Sinubukan ko siyang pakalmahin ngunit pinutol lang niya ang pagsasalita ko.
"Anong ilang linggo? Ano ba talagang nagyayare kay Riley, please naman sabihin mo na."
Halos manigas ako nang makita ko na sinuntok niya ang pader ng classroom na nadadaanan namin. pinagtitinginan na rin siya ngayon ng mga schoolmates namin, pero ramdam ko na hindi niya ito napapansin.
Natatakot ako ngunit pinilit kong magsalita para ipaalam sa kanya na nagdudugo na ang kamay niya. "Forrest ang kamay mo." Riley nakakainis ka naman i. naawa na ako kay Forrest."Halika sa clinic pagagamot kita." Nanginginig ang katawan ko na pinilit maabot ang braso niya para mdala siya sa clinic. Natatakot talaga ako sa dugo, hindi naman ako tulad ni Riley na magkapimples lang ang kinatatakutan. Marami akong kinatatakutan.
"Ashley please, nasaan si Riley?" Halos madurog naman ang puso ko ng makita ko ang mga mata niya, puno ito ng lungkot tingin ko nga naiiyak na siya.
Pero nangako ako kay Riley na hindi ko sasabihin kay Forrest ang dahilan ng hindi niya pagpapakita.
"Ashley nagmamakaawa ako sa'yo nasaan ba si Riley? Nakikiusap ako."
Aisshh bahala na.
"Sumunod ka sa akin."
Parang maamong tuta naman siyang sumunod sa akin, dinala ko muna siya sa clinic upang magamot, at tulad pa rin ng emosyon niya kanina kita ko pa rin ang matinding lungkot dito.
Apat na araw, apat na araw pa lang ang nakakalipas na hindi niya nakikita si Riley ganto na ang itsura niya. Samantalang si Riley nagpapakabaliw lang.
Matapos niyang magamot naglakad ako papunta sa garden ng school. Tsk nakapag cutting classes pa tuloy ako.
"Ashley" malungkot na boses nanaman niya ang narinig ko. Bahala na Riley sorry talaga.
"Forrest, si Riley. Wala ka naman dapat ipag-alala sa kany—"
"Anong wala Ashley? Hindi ko alam kung nasaan siya. Pinahanap ko na siya pero wala. Wala akong ideya kung nasaan siya." Halos manginig ako sa takot dahil sa boses niya. Galit ito na puno nang pag-aalala.
"Pero Forrest, nangako kase ako sa kanya na hindi ko sasabihin sa'yo kung bakit hindi siya nagpapakita."
"Ashley kung ayaw niyang magpakita iintindihin ko, pero nakikiusap lang ako. Gusto kong malaman kung nasaan ngayon ang tangang babaeng mahal ko."
Halos mapairit naman ako nang marinig ko ang sinabi niya. Tama nga ako in love na siya kay Riley.
"Ulitin mo nga Forrest."
"Alin ba ang malabo sa sinabi ko? Nasaan ang babeng mahal ko? Please Ashley."
SIguro nga dapat nang malaman ni Forrest ang kabaliwan ni Riley.
"Forrest ang dahilan kung bakit—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may biglang magsinigaw.
"Forrest Ashley! Nadyan pala kayo lagot kayo kay Sir!"
"LUMAYAS KAYO!" ito lang ang sinigaw ni Forrest sa kanila at mabilis pa sa kidlat na naglaho sila. Ang angas talaga ni Forrest.
"Ituloy mo please." Nataranta naman akong inulit ang mga sinabi ko.
"Forrest ang dahilan kung bakit hindi nagpapakita si Riley ay dahil sa ito ang birth month niya."
Kita ko naman ang matinding pagtataka sa ekspresyon niya. "Birth month? Bakit kailangan niyang mawala?" Yan din ang tanong ko noon kay Mr. Park dahil nagtaka rin ako noon kung bakit bigla siyang nawala.
"Hindi ko rin alam. Matagal na kameng magkaibigan pero hindi niya sinasabi sa akin ang dahilan. 'Wag kang mag-alala pagkatapos ng birthday niya magpapakita na siya." Mukha naman siyang nabuhayan dahil sa huling sinabi ko.
"Kailan ba ang birthday niya?"
"July 29" tipid na sagot ko. Na mukha naman ikinalungkot niya.
BINABASA MO ANG
Fallen (COMPLETED)
Acción#188~~ 08|04|2017 highest rank! Oh my GOSH! 😨😱😱😱😱 "HINDI AKO TAKOT MAMATAY! AYAW KO LANG MASIRA ANG MUKHA KO!" yan si Riley Dawson walang kinatatakuan! maliban sa madungisan ang maganda niyang mukha. Sa pagdaan ng panahon mabago pa kaya siy...