Chapter 53
--Riley's POV—
"Good morning pa." bati ko sa papa ko. Noong una naiilang pa akong tawagin si Mr. Park ng papa pero nasanay na ako, pati mas madali sabihin ang papa kaysa sa Mr. Park.
"Good morning anak. Kain na dali, ako nagluto." Sabi nito habang nakatayo sa harap ng mesa.
"Talaga pa, baka tumaba na ko niyan ha." Masarap kaseng magluto si papa kaya napaparami ang kain ko.
Tumayo siya at hinila ang isang silya para maupo ako. "Hindi naman anak, sa dami ng ginagawa mo hindi ka tataba niyan." Matapos niya itong sabihin ay minasahe niya ang balikat ko.
Malapit na kase ang graduation namin kaya sobrang busy dagdag pa ang mga training ko sa martial arts e talagang tunaw ang mga pagkain. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang nagdo-drawing kami ni Forrest sa garden ng school tapos ngayon ga-graduate na ako.
"Pa ano may nakita ka na bang magiging mama ko?" panunukso ko sa kanya, gusto ko kase ng mama. Gusto kong mag-asawa ang papa ko.
"Hmm may tatagpuin ako mamaya." Mayabang na sagot nito.
"Naks ang angas ng papa ko a."
"Sympre ako pa. O sige kain na tayo at baka malate kayo ni Ash." Kumain naman kame.
Nakasakay na kame ngayon sa kotse papunta kala Ash, papasok na naman malilibang na naman ako.
Nakatingin lang ako sa labas nang may makita akong batang umiiyak.
"Pa saglit lang, kawawa naman 'yung bata."
"Anak hindi pwede." Pero nagpumilit ako, matapos kong lumabas ng sasakyan ay sumunod agad sila sa akin.
"Hi Ako si Ate Riley, bakit ka umiiyak?" hindi ito sumagot habang patuloy lang sa pag-iyak kapit rin niya ang kanyang tiyan. Nagugutom siguro siya. Nakakaawa naman ang palaboy na ito.
"Halika, sama ka sa akin dali." Naglakad naman kame papunta sa kotse ko pero nagulat na lang ako ng biglang tumakbo si papa palapit sa akin.
"Si Riley." Wika nito ng makalampas sa akin.
Tinignan ko kung san siya pumunta at napatakip na lang ako ng bibig ko nang makita ko siya nakikipaglaban si ilang mga lalake.
"Pa." sigaw ko lalapitan ko na sana siya para tulungan ng kapitan ako ng driver namin. Hinila niya ako palapit sa kotse, dahilan para mabitawan ko ang batang kapit ko. Maya-maya pa isang lalake ang lumapit sa amin.
Nakipaglaban ang driver ko sa kanya pero dahil sa mas bata ang lalakeng ito ay agad na napatumba ang driver ko. Ngayon ay kame na ang magkaharap.
Iniintay kung sino ang unang aatake.
Nang makahanap ako ng pagkakataon ay agad ko siyang sinugod. Binigyan ko siya ng isang malakas na sipa sa panga, napahiga naman siya kaya nilapitan ko si papa.
"Papa." Sigaw ko ng makita ko siya mapahiga. Malapit na ako sa kanya ng may magtakip sa bibig ko ng panyo mula sa aking likuran, nakakahilo ang amoy nito pero nagawa ko pa ring sikuhin ang nagtatakip ng bibig ko kaya napabitaw siya sa akin.
Nahihilo man ako ay pinilit kong makalapit kay papa.
"Riley." Tawag sa akin ni papa at tuluyan na akong nawalan ng malay.
--Forrest's POV—
From: Grasya
Inihahatid na po si Ms. Riley ni Mr. Park.
Mabute naman at papasok siya sabi ko na lang sa sarili ko matapos kong mabasa ang text niya tungkol kay Riley.
Tumingin ako sa orasan, ilang oras man ang lumipas hindi ka pa rin mawawala sa isip ko Riley. Ikaw lang ang laman ng puso't isipan ko.
"Young master. Tawag po kayo ng papa niyo, handa na ang umagahan."
"Susunod ako." Sagot ko sa isa sa mga tauhan dito sa palasyo. Dito ko naisipang pumunta para tuluyang makalayo kay Riley, at hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya kayang tiisin. Bawat oras gustong-gusto kong tumakbo papunta sa kanya.
Gustong-gusto ko siyang yakapin.
Napapikit na lang ako ng mariin. Naalala ko nanaman ang maamo niyang mukha. Hindi rin nagtagal at umalis na ako sa aking kwarto, malayo ito sa itsura ng kwarto ko sa bahay na inalisan ko.
Malaki nga ito pero wala namang saysay.
"See you later." Sabi ko sa bear na ibinigay sa akin ni Riley tsaka ito hinalikan.
"Forrest, ikaw ang makipag-usap mamaya kay Mr. Santiago." Wika ng tatay ko, sabay-sabay kameng kumakain nila mama. At ito ang pinag-uusapan tungkol sa trabaho niya, tungkol sa Pilipinas. Bute pa sa mansion ni Riley masaya kameng kumakain, dito kumpleto nga kame parang wala din.
"Tungkol po saan?" tanong ko na lang.
"Sa isang batas na nais niyang ipasa." Sagot nito habang patuloy sa pagkain.
Natapos na kame sa pagkain. Inaayos ni mama ang kurbata ko nang magsalita si papa.
"Kalimutan niyo na ang mga iniutos ko may pupuntahan tayo." Nagkatinginan kame ni mama.
Gaano kaimportante ang pupuntahan namin para kanselahin ang mga lakad namin?
Kasalukuyan kameng bumabyahe. Sa daan na tinatahak namin masasabi ko na papunta kame sa aming bahay.
"Ang anak ng pumatay kay Fairy, nakita ko na siya." Nanlaki ang mga mata ko, napuno rin ng galit ang dibdib ko.
Sa wakas Fairy kapatid ko maipaghihiganti ka na namin.
BINABASA MO ANG
Fallen (COMPLETED)
Action#188~~ 08|04|2017 highest rank! Oh my GOSH! 😨😱😱😱😱 "HINDI AKO TAKOT MAMATAY! AYAW KO LANG MASIRA ANG MUKHA KO!" yan si Riley Dawson walang kinatatakuan! maliban sa madungisan ang maganda niyang mukha. Sa pagdaan ng panahon mabago pa kaya siy...