Chapter 62

7 0 0
                                    


Chapter 62

--Aries' POV—

Sa wakas kasama ko na rin ang totoo kong anak, pero hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot dahil wala na sa amin ngayon si Skyy.

Pinapanood ko lang kumain si Riley ng prutas, ilang araw na kame sa mansion ni Riley at simula ng makarating kame dito ay wala na siyang sinabi maliban sa kailangan niyang magpaganda at magpalakas para kay Forrest.

"Aries sa tingin ko kailangan na nateng sabihin kay Riley ang totoo." Kinapitan ko ang kamay niya bago huminga ng malalim.

"Sa tingin ko nga." Sabi ko naman.

Kaya naman tinawag namin si Riley.

Narito kame sa kanyang garden, hapon na rin kaya hindi na gaanong mainit.

"Riley anak" tawag ko sa kanya kahit na nasa tabi ko lang siya, nasa gitna namin siyang dalawa ni Alaiza ang asawa ko.

"Po" magalang na tugon ng anak ko. Tama ako, kahit wala kame sa kanyang tabi ay lalaki siyang mabuti. Salamat kay Henry sa pag-aalaga niya sa aming anak.

"Hindi ka ba nagagalit sa pag-iwan namin sa'yo?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan man ako sa maari niyang maging sagot ay kailangan ko itong tanggapin.

"Syempre daddy." Sagot niya para namang sinaksak ang puso ko sa sakit, pero masarap pa rin sa pakiramdam dahil sa tinawag niya akong daddy. "Pero noong una lang, natutunan ko kase na mas mabute pa rin ang maiwan basta babalikan ka at 'yun ang ginawa niyo daddy. Salamat kase binalikan niyo ako at alam ko naman na kahit iniwan niyo ako ipinagkatiwala niyo ako sa taong magmamahal at aalaga sa akin."

Napakaswerte ko, ito na lang ang nasabi ko matapos kong marinig ang mga sinabi niya. Ang swerte ko sa anak ko.

"Pero mommy, daddy pwedeng ako naman ang magtanong?" tanong nito sa amin, nagkatinginan naman kame ni Alaiza. Kapwa kame nakangiti lang, hindi namin inaasahan na ngayon kame makukumpleto.

Ilang beses namin tinangkang kausapin si Carlos pero hindi namin magawa dahil sa dami ng bodyguards niya. Alam kong matindi ang galit niya sa amin, sa sobrang galit pati ata anino namin makita niya lang babrilin na niya.

Tumango lang ako sa kanya.

"Pa, bakit niyo ba ako iniwan?" tanong nito habang nakatingin sa damo.

Nagsimula naman akong magkwento sa kanya.

"Matalik kong kaibigan si Carlos Andrada ang ama ni Forrest, nagsimula ang pagkakaibigan namin noong kolehiyo, pareho namin gustong maging pulis. Sa kanyang kilos ay hindi mo iisipin na anak siya ng presidente, malapit siya sa lahat ng mga kamag-aral namin."

"Tumagal ang aming pagkakaibigan hanggang sa magkaroon na kame ng mga asawa, hindi pa man presidente ay marami na siyang natutulungan. Ginamit niya rin ang kanyang pagiging pulis para tugisin ang mga masamang gawain dito sa Pilipinas."

"Hanggang sa malaman niya ang tungkol sa grupo ng Yakuza, kumukuha sila ng mga babae sa Pilipinas at ipinapadala sila sa ibang bansa para magbigay ng aliw sa mga kalalakihan. Hindi ito nagustuhan ni Carlos kaya naman ginawa niya ang lahat para matigil ito at nagtagumpay naman siya."

"Sumapit ang araw na bibinyagan na ang mga anak nila Carlos at Clara. Ito naman at kabuwanan ng mommy po. Malapit ka na ring isilang ng mga panahon na 'yon anak."

"Pero hindi namin inaasahan ang mangyayare matapos ang araw na 'yon, dinukot ng Yakuza ang mommy mo. Halos mabaliw ako sa pag-aalala hindi ako makahingi ng tulong kay Carlos dahil papatayin nila kayo ng mommy mo."

"Ibabalik lang nila kayo sa akin kung mapapatay ko ang kahit isa lang sa anak ni Carlos. Kaya agad akong nagtungo sa bahay ni Carlos, sakto naman na nagkasakit si Forrest kaya isinugod nila ito sa ospital at ako ang natirang nagbabantay kay Fairy ang kambal ni Forrest."

"Pinaltan ko si Fairy ng patay na sanggol at itinago namin si Fairy. Inakala naman ng lahat na pinatay ko nga si Fairy, kaya nagtago kame ng mommy mo pero hindi pa rin lubos na naniwala sa akin ang Yakuza alam ko na kahit ibinalik nila kayo sa akin ay patuloy pa rin silang nagmamanman. Maging sa araw na nanganak ang mama mo ay alam kong nagmamasid sila."

"Kaya naman matapos kang isilang labag man sa loob namin ay ibinigay ka namin kay Henry para malayo ka sa pahamak. Pinalabas namin na si Fairy ang anak namin."

Fallen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon