Si Mr. Park po yung nasa taas.
CHAPTER 9 Hug
--Riley's POV—
Yakap ko pa rin ngayon si kuya. Oo ako na ang natakot, sobra akong natakot. Akala ko matapang na ako, hindi pa pala.
"Master" tawag sa akin ni Mr. Park kaya naman napatigil ako sa pagyakap kay kuya.
"Yes Mr. Park?" sabay tingin sa kanya.
"Masydo na pong malalim ang gabi, dapat po siguro umuwi na kayo. Ako na po ang magbabantay kay Mr. Andrada." Sabi naman niya, seryoso siya sa sinasabi niya, pero ayaw kong umalis ayaw kong iwan si kuya. Hindi ko alam kung bakit nagkaganito siya, dapat malaman ko muna.
"Pero Mr. Park, ayaw ko pang umuwi" sabi ko naman sa kanya, nadito kame sa kwarto ni kuya na sobrang astig, black ang white lang din kase ang kulay dito.
"Pero Master" sabi ni Mr. Park
"Okay, okay. Kakausapin ko muna siya"
"Salamat po master, lalabas na po muna ako"
Nang makalabas si Mr. Park agad naman akong tumingin kay kuya, nakahiga siya ngayon sa kama niya habang may nakakabit na dextrose.
"Ano bang nangyare sayo?" tanong ko sa kanya.
"Naaksidente sa motor"
"Alam kong hindi totoo ang sinabi mo, pero kung ayaw mong sabihin ang totoong nangyare sayo, pababayaan kita" at naglakad na ako palabas ng kwarto.
--
"Kainis!"
"Lagi na lang nagsisinungaling sa akin"
"Kaibigian ba talaga niya ako?"
"Master"tawag sa akin nung bantay ko.
"Yes?"
"Baka po nagugutom kayo, gusto niyo po bang dalhan ko kayo ng pagkain?"
"Yes please" sabi ko naman.
Nagbabad naman ako sa bathtub ko habang iniintay ang pagkain, bute na rin wala dito sa bahay si Mr. Park makakakain ako sa kwarto ko.
"Bakit kailangan ba niyang magsinungaling sa akin?" tanong ko sa sarili ko.
Ilang minuto pa at lumabas na ako ng banyo ko.
Nakita ko naman na nakahanda na sa table ang pagkain ko.
Psh bakit ba masyado kong iniiisip si kuya. Unang-una tinakot niya ko, aba nagulat nga ako at ngayon lang ako nakaramdam ng takot bukod sa madungisan 'yung mukha ko. Psh kainis siya kaya bahala siya.
Matapos kong kumain, nahiga na ako sa kama ko.
"Papapangitin mo ako kuya kaiisip sayo!" tsaka nagtalukbong.
--Forrest's POV—
"Good morning Mr. Andrada" naimulat ko naman ang mga mata ko mula sa pagkakatulog.
Naupo naman ako, tsaka siya binati.
"Pwede ko na po bang ipasok ang pagkain niyo? Kailangan niyo na po kase uminom ng gamot"
"Opo, maraming salamat po" sabi ko naman sa kanya.
Maya-maya pa, pumasok naman si Mr. Park dala ang pagkain ko pati na rin ang mga gamot na iinumin ko.
"Eto na po Mr. Andrada"
"Forrest na lang po Mr. Park"
"Okay Mr. Forrest" Psh ibig sabihin ko wala na yung Mr.
"Baka po pwede niyo nang tanggalin yung Mr" naiilang na sabi kosa kanya, nahihiya ako syempre hindi ko naman siya tauhan para igalang at pagsilbihan ako.
Hindi naman siya nagsalita, at intinuro ang pagkain na para bang sinasabi niyang kumain na ako.
Sinunod ko naman siya, mas matanda sa akin ang mga tauhan ko pero hindi tulad ni Mr.Park medyo may edad na talaga siya.
"Lalabas na muna ako Forrest" sabi ni Mr. Park
"Wa-wag po, dito na lang kayo" nahihiyang sabi ko.
Hindi naman siya nagsalita ang ngumiti na lang.
Ako naman inalok lang siyang kumain pero kumain na daw siya.
"Forrest" tawag niya sa akin sa seryosong tono.
"Po?" magalang na sagot ko naman.
"Si Master, mukhang gusto ka talaga niya bilang kaibigan" halos mabilaukan naman ako dahil sa sinabi niya. Naniniwala naman ako sa sinabi niya, pero nakakailang na manggaling iyon sa isang may edad na tao na. Pakiramdam ko magulang siya ni Riley na iniinterview ako.
"A oo nga po." Sabi ko habang nakangiti.
"San ba kayo nagkilala?" naubo ako ng sobra dahil sa tanong niya. Inabutan naman niya ako ng tubig dahil nasamid nga ako. Habang nainom naman ako ng tubig naalala ko kung paano kame nagkakilala.
Naalala ko naman kung saan, pumasok lahat sa isip ko 'yung gabing kinidnap namin siya.
Nagkakilala kame dahil sa isang pagkakamali.
"Forrest?" tawag sa akin ni Mr.Park kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Kanina pa ubos 'yang tubig, ano pang iniinom mo hangain?" napatingin naman ako sa baso na kapit ko ngayon, napahiya ako dun a.
"A-ha-ha ubos na pala" pagpapalusot ko.
"Kung ayaw mong sabihin kung paano kayo nagkakilala ni Master okay lang sa akin." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya, mahirap mag-imbento ng kwento. Mamaya may nakaimbento na si Riley at hindi magtugma ang mga kwento namin mayayari kame kay Mr. Park.
"Pero sana, ingatan mo siya. Wag mo hayaang masira 'yung pagkakaibigan niyo"
"Opo, makakaasa po kayo"
Ngiti lang naman ang isinagot niya sa akin, maya-maya natapos naman ako sa pagkain. Mas maginhawa na ang pakiramdam ko ngayon.
Konti na lang ang sakit.
"Hindi man tama, pero salamat at iginanti mo Riley" nagulat naman ako sa sinabi ni Mr. Park, paano niya nalaman?
Hindi ako nakasagot sa kanya tsaka siya lumabas ng kwarto ko. Ako naman naiwang nag-iisip.
"Pero sana, ingatan mo siya. Wag mo hayaang masira 'yung pagkakaibigan niyo" narinig ko nanaman ang boses ni Mr. Park sa utak ko.
Oo naman hindi ko hahayaan 'yon! Hindi ko hahayaang masira ang pagkakaibigan namin.
At iingatan ko talaga siya. Iingatan ko 'yung taong tumulong sa akin, siguro kung hindi dahil sa kanya, mamamatay na ako sa dami ng dugong nawala sa akin.
BINABASA MO ANG
Fallen (COMPLETED)
Action#188~~ 08|04|2017 highest rank! Oh my GOSH! 😨😱😱😱😱 "HINDI AKO TAKOT MAMATAY! AYAW KO LANG MASIRA ANG MUKHA KO!" yan si Riley Dawson walang kinatatakuan! maliban sa madungisan ang maganda niyang mukha. Sa pagdaan ng panahon mabago pa kaya siy...