CHAPTER 14 The NEW!

62 19 34
                                    

CHAPTER 14 THE NEW

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 14 THE NEW

--Riley's POV—

May lumapit na isang lalake tsaka nagsalita"Miss Dawson?" tama ako siya ang delivery boy.

"Yes ako nga po" sagot ko naman.

"Eto na po 'yung order niyo" at inabot niya sa akin ang isang box, binuksan ko naman agad ito.

Hindi ko mapigilang madismaya sa nakita ko. "Kuya wala bang mas maliit dito?" umorder kase ako ng damit, syempre puro black, kailangan kong sundan si kuya kala niya matatakasan niya ako.

"Pasensya na po Miss Dawson, eto na ho kase yung inorder niyo kaya naman wala po akong ibang dala, pasensya napo"

Napakamot naman ako tsaka siya sinagot "Okay lang kuya, salamat."

"Pasensya nap o uli. Papirma na lang po" habang pumipirma naman ako, dumating naman 'yung inorder kong bike, baka magalit na kase si Mr. Park kung kukuha nanaman ako ng motor.

"Salamat" sabi ko dun sa mga nagdeliver, malapit pa rin ako kala Ash ngayon, dito kung saan ako iniwan ni kuya. Kainis! Wala panga akong bf, iniiwan na agad ako ng lalake. Joke! wala pa isip ko 'yon. Sayang kagandahan ko kung magbbf agad ako. "Hahaha"

"Sayang naman ang gandang babae pa naman baliw nga lang, wag mo siyang tignan anak" at nakita ko na tinakpan nung babae 'yung mata ng anak niya. Psh! Kainis! Masyado akong nadala sa mga iniisip ko, napalakas 'yung tawa ko napagkamalan pa akong baliw!

Nagbihis naman ako sa isang tagong lugar sa gilid ng bahay nila Ash.

"Kuya intayin mo ako" mahinang sabi ko sa sarili ko, tsaka sinuot ang sumbrelo ko. Umorder na rin ako ng sumbrelo mataas pa kase ang sikat ng araw maiinitan 'yung mukha ko. Mahirap na!

Nagbike na ako papunta kay kuya. Napansin ko naman na marami ang natingin sa akin, bakit kaya? May mask naman ako bakit nila ako titignan?

Matapos ang napakaraming padyak nakarating din ako sa bahay ni kuya.

"Sabi ko nanga ba, may kakaiba sa'yo kuya" nakita ko kase na may nakapark na sasakyan sa harap ng bahay niya ito 'yung sasakyan kung saan nila kame isinakay ni Ash.

"Boss handa na po ang lahat" narinig kong sabi ng isang lalake sa loob ng bahay niya, kailangan makapasok ako sa sasakyan.

Lumapit ako sa sasakyan, sinubukan kong buksan 'yung isang pinto nito. At halos magtatalon naman ako sa saya ng bumukas ito. Sino ba talaga ang tanga? Ako o 'yung mga tauhan niya?

"Yes!" sabi ko sa sarili ko. "Ang galing mo talaga Riley! Ikaw na! Ikaw na talaga!" sabi ko pa sa sarili ko. Pumunta naman ako sa bandang hulihan ng sasakyan at nagtago.

Narinig kong bumukas uli 'yung pinto tsaka may pumasok na isang babae na may dalang laptop, sumunod naman si kuya na pumasok. Maya-maya pa 'yung mga tauhan niyang henyo.

Fallen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon