Baliw na Forrest nasa taas.
CHAPTER 12
--Forrest's POV--
At dahil sa tawag na natanggap ko kailangan kong makalabas ng mansion na ito.
"Paano ba ako makakalabas ng walang nakakahuli sa akin?" mahinang tanong ko sasarili ko.
'Tinatanong paba 'yan Rest?' tanong ng isip ko. Sabagay kaya ko naman.
Nagsimula na akong kumilos ng mala-spy. Bukod sa pagkidnap may iba din akong talent ang maging spy. 'talent ba talaga ang pangingidnap Rest?' tanong ng isip ko na hindi ko naman pinansin.
Dahan-dahan akong naglakad palabas ng hallway. Psh masyadong malaki ang mansio ni Riley mahihirapan akong lumabas dito, isa pa mahigpit ang security. Agad kong kinuha ang phone ko, at tumigil sa isang sulok ng mansion nila. Tss bakit ba bawat sulok ng mansion nila may bulaklak?
Kinuha ko ang phone ko at nagtype ng message.
[To: Hana
Track me and turn off the security system in this place.]
[Dawson Mansion? Are you sure? What are you doing in that mansion?]tanong naman ni Hana, isa sa mga tauhan ko, okay masasabi ko na kaibigan din.
[Yes, stop asking!] reply ko naman.
[Done] tama ang ginawa ko, kaysa mahirapan ako katatago sa mga cctv nila edi ipa-off ko na lang.
[You have three minutes] basa ko sa message ni Hana, buset dapat 5 manlang malaki 'tong mansion, kainis naman i.
Agad naman akong nagmadali kaya naman nakarating ako sa mataas na bakod nila.
"Ang dali naman pala." sabi ko sa sarili ko nang makalabas na akong ng mansion nila.
'Ano bang mahirap sayo?' tanong ng isip ko.
Napaisip naman ako, at alam ko na ang sagot. Drawing, dapat siguro magpaturo pa ako kay Riley.
Matapos kong maisip si Riley napasimgaot nanaman ako, tss bakit pa kase gusto niya akong makita? Ang sarap na nang pagkakahiga ko i.
Ilang minuto pa at nakarating na rin ako sa bahay ko.
Nang buksan ko ang pinto agad naman bumati sa akin ang mga tauhan namin.
"Young master, maupo po kayo." sabi nung tumawag sa akin kanina.
"Bakit? Magtatagal ba 'to?" matigas na tanong ko habang nakapamulsa pa rin.
"Maupo ka" sabi nung bukod tanging lalake na nakaupo sa sala ko.
Naupo naman ako tulad ng sinabi niya, gusto ko man siyang suwayin pero hindi ko nagawa dahil na rin sa boses niya, 'yung boses niya ay yung tipo ng boses na mapapasunod ka sa kahit na anong sabihin nito.
"Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ko sa kanya.
"Nabalitaan ko ang nangyare sayo." nagsimula nang magtaas ang boses niya. At hindi ko ito gusto.
"Yun ba? Wala namang nangyaring masama sa akin a." mayabang na sagot ko.
"Anong wala? Halos mamatay kana, pasalamat ka tinulungan ka ng kaibigan mo!" tss bakit ba alam niya ang lahat. Kainis!
"Hindi naman ako patay a." pabirong sagot ko.
"Wag mo akong umpisahan Forrest!" galit na sabi niya. "lumabas muna kayo." utos niya sa mga tauhan namin.
Sinunod naman nila ang utas ng tatay ko.
"Kung hindi lang-" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
"Ano kung hindi lang namatay ang kakambal ko, hindi kayo mag-aalala sa akin? Kase kung buhay naman ang kapatid ko mayroon nang magmamana ng puwesto niyo?" inis at matapang kong sagot sa kanya, totoo naman kaya lang siya may pakialam sa akin kase ako ang sunod na tagapagmana niya, kung nagkataon na nandito ang kapatid ko wala naman siya pakialam sa akin.
Eto ang lagi niyang sinasabi sa akin kaya naman kabisado ko na.
Kaya rin ako umalis sa poder niya dahil sa pauli-ulit niyang sinasabi.
Ano pa bang gusto niya? Lahat na lang ng iniuutos niya sinusunod ko.
Pati 'yung pagkidnap hindi ko gusto 'yon. Siya ang nagpasok sa akin sa ganitong gawain, bute na lang nalaman ko na may maganda rin pala itong resulta kaya naman natutunan ko na rin itong magustuhan.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo." sabi niya.
"Anong hindi alam? E ito naman talaga ang totoo." matapang ko uling sagot habang nakaupo.
"Anak kita, kaya nag-aalala ako," natigilan naman ako sa mga sinabi niya. Tinawag niya akong anak. "hindi ko na kakayanin kung mawawalan pa ako ng isa pang anak, patawarin mo ako kung nagkakaganito ako sayo, balang araw malalaman mo rin kung bakit." sabi niya tsaka naglakad papunta sa pinto. "Masaya na akong makitang kang ligtas." sabi pa niya tsaka tuluyang naglakad palabas ng bahay.
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi niya, maliban sa mga isinagot ko sa kanya, bago ang mga linyang binitawan niya, daig pa niya 'yung mga drama sa wattpad na nababasa ko.
Nakabalik na ako sa bahay nila Riley sa mansion pala.
Iniiisip ko pa rin ang sinabi sa akin ng magaling kong ama. Totoo kaya lahat ng iyon? Masaya siya na makita akong ligtas, 'yung istrikto kong tatay magsasabi ng ganon? Di kaya mamamatay na siya, teka 'wag muna. Ayaw ko ng trabaho niya, ayaw kong mapunta sa akin ang mga tungkulin niya.
"Kung masaya pala siyang makita akong ligtas, bakit niya ako inilagay sa ganitong trabaho?"
"Delikado kaya ang maging kidnapper." sabi ko naman sa sarili ko habang nakahiga sa kama.
'Rest, alam mong walang maglalakas loob na saktan ka, takot na lang nila sa tatay mo.' Sabi naman ng isip ko.
Tama ang utak ko.
Hindi man ako kilala ng mga gangster na naglakas loob na labanan ako, 'yun ay dahil sa iba ang mundong ginagalawan nila sa mundo ko, hindi ito ang mundong nakakakilala sa akin, hindi ito ang mundo ko kaya nga mas gusto ko dito, malayo sa gulo. Konting away lang ang meron dito, hindi tulad sa gulo sa mundo ko.
"Psh sino nga ba naman ang mananakit sa akin kung alam nila na ako ang susunod na Presidente ng Pilipinas." sabi ko tsaka pinikit ang mga mata at nagpasyang matulog.
Don't to vote.
BINABASA MO ANG
Fallen (COMPLETED)
Action#188~~ 08|04|2017 highest rank! Oh my GOSH! 😨😱😱😱😱 "HINDI AKO TAKOT MAMATAY! AYAW KO LANG MASIRA ANG MUKHA KO!" yan si Riley Dawson walang kinatatakuan! maliban sa madungisan ang maganda niyang mukha. Sa pagdaan ng panahon mabago pa kaya siy...