CHAPTER 26 BULAGA
--Forrest's POV—
Ang sarap ng tulog ko, napagod siguro ako kahapon, naalala ko naman ang teddy bear na binigay sa akin ni Riley, nakapikit pa rin ako kaya inaapa ko lang, tss bakit parang matigas, makinis? Iminulat ko ang mata ko at napatalon ako paalis ng kama ko dahil sa nakita ko.
Bwiset na Riley 'to, iniuwi ko ba siya kagabi? Bakit nandito siya? Napasabunot ako sa buhok ko tsaka naglakad ng pabalik-balik sa tabi ng kama ko. Kinagat ko naman ang hinlalakai ko tsaka nag-isip.
"Iniuwi ba kita?" tanong ko naman kaso hindi naman niya ito masasagot kase tulog siya.
"AAARRGGH" mahinang sabi ko. Kainis!
Lumapit naman ako sa kanya para malaman kung totoo ba siya mamaya nananaginip nanaman ako. Kita ko naman ang paghinga nya, sobrang bango rin niya, tapos ang labi niyang kulay pink.
"Badtrip! Tototo nga." naupo lang ako at nag-isip, ano ba kase ang ginagawa niya, ang alam ko inihatid ko siya kagabi kaya imposibleng iniuwi ko siya, naalala ko naman si Mr. Park, lagot ako kung inuwi ko nga siya dito.
Kinuha ko ang cellphone ko at chineck kung may message ba siya pero wala.
"Kuya gising kana pala," hinarap ko agad siya nung marinig ko ang boses niya.
Kita naman niya ang inis sa eskpresyon ko.
"O kuya agang-aga ha, a mali tanghali na pala nakasimangot ka agad."
"E paanong hindi ako sisimangot ha? Paggising ko pa lang ikaw na agad nakita ko"
--Riley's POV—
"E paanong hindi ako sisimangot ha? Paggising ko pa lang ikaw na agad nakita ko" nagulat ako sa sinabi niya, kita ko rin sa mga mata niya ang inis, inis na inis siya. Naiinis siya na nandito ako. Nalungkot naman ako dahil sa sinabi niya, ito rin ang hindi maganda sa maalam bumasa ng emosyon ng isang tao, makikita mo kung gaano sila kainis o kagalit sayo.
Nahiya ako dahil sa nangyare, siguro dapat umalis na ako.
Tss ang aga ko kaseng nagising e kaya naisipan kong pumunta na lang dito, tutal busy si Ash. Wala akong magawa, nagsabi naman pati ako kay Mr. Park at payag naman siya.
Wala naman sigurong masama sa ginawa ko. Hindi ko mapigilang malungkot.
Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad palabas ng kwarto niya. Nakarinig naman ako ng mg yabag sa likod ko, tss dapat hindi na lang siya sumunod.
"Saan ka pupunta?" tanong naman niya.
"Edi lalayas na!" inis na sabi ko naman sa kanya. Naiinis nga siya sa akin e, kaya aalis na lang ako.
"Wag na dito ka na lang." napatingin naman ako sa kanya, sa mata niya, seryoso siya. Ngayon naman para naman siyang nagmamakaawa, kakaiba talaga 'to. Moody pala 'tong si kuya e.
Hinila naman niya ako at naupo sa sofa niya, tinanong naman niya kung kumain na ako, hindi ko siya sinagot dahil sa naiinis ako sa kanya. Kanina lang inis na inis siya tapos ngayon! Aissshhshsh!!
"Riley kain na tayo." sabi ni kuya matapos niyang magluto. Tss chicken uli ang niluto niya, baka bunihin na ko sa pinapakain niya sa akin. O di kaya magka bird flu.
Tahimik naman akong kumain, nakakainis kase! Para pumunta lang ako dito nainis na agad siya?
Psh!
"Riley, inuwi ba kita kagabe?" huh? Hindi ko siya pinansin.
"Riley" tawag niya uli sa akin, tinignan ko naman siya at pinanlisikan ng mata.
Halata naman na pinipilit niyang magmukhang matapang. Tsss dun na lang siya sa bayan ng Matapang!
"I-i-niuwi ba kita ka-kagabe?"
"Hindi" deretsong sagot ko.
Tss ayaw pa akong paalisin, kainis e! Naka-isang movie na ako dito sa sala ni kuya pero ayaw pa rin niya akong paalisin, "E paanong hindi ako sisimangot ha? Paggising ko pa lang ikaw na agad nakita ko", narinig ko nanaman ang boses ni kuya tss. Naiinis talaga ako sa kanya!
"Riley galit ka?" tanong sa akin ni kuya, nanunuod din siya ngayon nakahiga siya dun sa sofa niya, ako nakaupo pero nakataas ang paa.
Hindi ko siya pinansin kaya naman nagsalita uli siya.
"Ui Riley," tss problema neto?
"Riley, sorry na," ano daw sorry?
"Ui Riley, akala ko kase iniuwi kita kagabi e, nagulat ako na katabi kita sa kama ko kaya ko-"
"Kaya ko nasabi sayo 'yon." Para namang nag-iba ang pakiramdam ko ng magsorry siya. Mabilis naman akong magpatawad e, pero ngayon hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko naiinis talaga ako sa kanya!
"Riley, ano bang gusto mong gawin ko?" matapos niyang magtanong tsaka lang ako napangiti.
"Talaga? Kahit ano? Tanong ko naman.
"Wala naman akong sinabing kahit ano a." sabi naman niya habang nakanguso kaya nawalu uli ang mga ngiti ko.
"Okay, sige na ano bang gusto mo? Kahit ano." halos mapatalon naman ako sa saya nang marinig ko ang sinabi niya.
"Roadtrip tayo" ngiting-ngiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
Fallen (COMPLETED)
Action#188~~ 08|04|2017 highest rank! Oh my GOSH! 😨😱😱😱😱 "HINDI AKO TAKOT MAMATAY! AYAW KO LANG MASIRA ANG MUKHA KO!" yan si Riley Dawson walang kinatatakuan! maliban sa madungisan ang maganda niyang mukha. Sa pagdaan ng panahon mabago pa kaya siy...