CHAPTER 23 Fiesta 1.2

25 4 4
                                    



CHAPTER 23 Fiesta 1.2

--Forrest's POV—

Naglalakad na uli kame ng tangang si Riley, tss ano kaya magandang gawin ko sa babaeng 'to para makaganti?

'Yung mukha naman ni Riley punong-puno pa rin ng kasiyahan, magsaya kana kase mamaya, HAHAHA hindi kana makakatawa. Napatingin ako sa isang kanto, at napaka-ganda ng laro nila.

May nakita akong improvised na kulungan ng baboy na puro putik, sigurado ako ang gagawin dito ay huhulihin ang biik, iniwan ko muna si Riley habang nakikigulo sa palabunutan, 'yung pag naka-three digits ka may mapapanalunan ka, gusto niya mapanalunan 'yung gameboy kaya naman busy siya don.

Lumapit ako sa host ng larong napili ko para kay Riley, sakto ang pagkalapit ko kay ate kulang daw sila ng isa pang contestant tatlo kaseng biik 'yung nasa loob ng kulungan, nakakatuwa nga kase may mag ribbon pa sila, 'yung isa pink, 'yung isa violet at 'yung isa black. 'Yung may black na ribbon daw ang kailangan na mahuli ni Riley.

"Bumalik ka after five miutes toy" sabi ni ate. Opo lang naman ang isinagot ko sa kanya.

Lumapit naman ako kay Riley na busy pa rin.

"Nakakamagkano kana?" tanongko sa kanya.

"100" sagot naman niya, 'yung lalake naman na nagpapabunot ngiting-ngiti na, tanga talaga 'tong si Riley, tss pag ako na ang Presidente ng Pilipinas ipagbabawal ko 'to, may daya kase e.

Tinignan ko ng masama 'yung lalake, mukha naman natakot ko siya. Kaya pinalitan niya 'yung palabunutan.

"Kuya! Nanalo ako, o tignan mo, one, two, three!" tuwang-tuwa siya, ngayon sa sobrang tuwa niya, nayakap niya ako habang nagtatatalon, hindi ko naalis ang kamay ko sa mga bulsa ko para yakapin din siya, pinigilan ko kahit gusto ko rin. Ang sarap ng yakap niya. Pakiramdam ko ang ginha-ginhawa ng pakiramdam ko.

Maya-maya pa tumigil na siya sa pagkakayakap sa akin, tsaka kinuha 'yung napanalunan niya. Agad namang dinumog 'yung palabunutan at si kuya haha mukhang problemado na.

Tuwang-tuwa naman siyang naglakad, pero hindi niya alam ang mga susunod na mangyayare sa kanya, hahaha!

"Toy mag-uumpisa na" sabi ni ate. Si Riley naman nacurious ata sa sinabi sa akin ni ate.

"Kuya sasali ka dyan?" naka-ngiting tanong niya, binigyan ko naman siya ng napaka-tamis na ngiti tsaka nagsalita.

"Hindi ako, IKAW!" sabi ko sa kanya.

"Talaga? O sige! Game naba? Teka mangheheram lang ako ng short, nakapalda ako e." at bwiset na 'yan! Natuwa pa ang tanga, tsss kainis!

Hindi ko alam kung kanino siya nakaheram ng short, pero ngayon nakashort na siya.

"Ganda," tawag ni ate kay Riley. "Yung may black na ribbon ang huhulihin mo ha" sabi ni ate kay Riley habang nag istretching.

Nagulat din ako ng makitang kong nakataas na ang buhok niya, nakalugay siya kanina e. At ang gamit niyang pamuyod ay sipit, 'yung sa sampayan ng damit! Grabe kang babae ka, okay baliw na talaga ko.

"Ready" pumasok naman si Riley sa loob ng kulungan, grabe tuwang-tuwa pa talaga siya.

"And go!" biglang naging seryoso ang itsura ni Riley at hinabol 'yung biik na dapat niyang mahuli, napapasubsob nanga siya pero tuloy pa rin siya. 'Yung mga kalaban naman niya ganon din, mahirap nga hulihin 'yung biik maliksi kase e.

Fallen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon