- Kinabuksan pagkatapos lalangin ni Cetus Luminax ang lupain ng Fornapyxis ay napagpasyahan niya na gawin na ang pagpapaganda sa lupaing ito. Pero bago ang lahat ay pinagmasdan nya muna ng maigi ang mundo at ang mga nilalang sa mga ito.....
Cetus Luminax: (Nakaupo sa kanyang trono)... Mga mahal kong lingkod bababa at ako'y pupunta sa mundo upang tapusin ang lupain na aking sinimulang gawin .... Mawawala ako ng sampung araw at sa aking pagbabalik ay magsisimula na ang pagsubok ng inyong tatlong magigiting na pinunong badhala upang mamuno sa lupain ng Fornapyxis... Pero bago ang lahat ay lilikhain ko rin ang mga natatanging mga nilalang na may buhay sa lupaing yaon.... Ethelinda, nais kong ikaw muna ang pumalit sa akin habang wala ako sa ating kaharian, sapagkat ikaw ang matalik kong kaibigan. Forneus at Hortameus, pareho ko kayong mahal at sinisinta nais kong kayo ang mamahala sa mga nilalang sa ating kaharian at kalawakan at panatilihin ang kapayapaan sa lahat...
Ethelinda: Salamat sa iyo mahal na Badhalang Cetus Luminax sa iyong pagtitiwalang lubos sa aking kakayanan. Makakaasa kang hindi ka mabibigo sa akin ....
Hortameus: Makakaasa ka aming badhala na pananatilihin namin ang kapayapaan at pag ibig sa ating kaharian.. Hindi ba Forneus?
Forneus: Opo, mahal na Badhala makakaasa ka... ngunit tila ba'y kaytagal ng iyong pagbabalik at anu po ang pagsubok na aming gagawin....?
Cetus Luminax: Mahal kong Forneus, Tila ba'y panay ang iyong katanungan sa pagsubok? Ikaw ba'y nananabik na? Wag kang mainip sapagkat anumang oras ay itatakda ko ang pagsubok sa inyo?
Mga Farishta: Mahal na Badhla nais mo ba ng aming tulong sa pagpunta mo sa mundo?
Cetus Luminax: Oo, isasama ko kayong mga 7ng Farishta upang akoy inyong tulungan.. Plano ko na iyon at nagpapasalamat ako sa inyong kabutihan... Kailangan na kailangan ko ang inyong tulong..
Mga Farishta: (Tuwang- tuwa)... opo mahal na Cetus Kami'y nagagalak na ikaw ay aming paglingkuran.
Mga Gabay Liwanag: Nawa po'y aming badhala magtagumpay ka sa inyo pong mga adhikain.. at makakaasa kang itutuloy namin ang gampanin ng bawat isa sa amin.
Cetus Luminax: Akoy natutuwa sa inyong lahat! Kayoy mga mabubuting mga nilalang ko.Mahal ko kayong lahat. Sige na at gawin na ninyo ang inyong mga tungkulin at akoy lilisan na. Forneus, Ethelinda at Hortameus, maiwan muna kayo panandalian sapagkat ako'y may ibibilin at sasabihin sa inyong tatlo.
Ethelinda: Ano ho ang inyong mahalagang sasabihin ?
Cetus Luminax: Ako'y aalis na upang simulan na ang paglalang ko sa mga nilalang ng Fornapyxis. Nais kong ipabatid sa inyo at sabihing bantayan ninyo ang silid na iyon na natatakpan ng napakalaking bato sapagkat nandyan ANG AKLAT NG KADILIMAN, KASAMAAN AT KAMATAYAN na itinago ko sa mahabang panahon upang hindi ito makapaminsala kaninuman sapagkat ang aklat na iyon ay MAY KAKAYANANG BAGUHIN O GAWING MASAMA ANG BLACKHOLE na siya namang himlayan ng mga namayapang nilalang dito sa kalawakan. Ang aklat na iyon ay MAYKAPANGYARIHANG HIGUPIN ANG ENERHIYA NG MGA KALULUWA NG MGA NAMAYAPA ROON O HIGUPIN ANG MGA KAPANGYARIHAN NITO AT MAPAPASAKAMAY ANG MALAKAS NA KAPANGYARIHAN SA KUKUHA AT MAG MAMAY ARI NITO... kumbaga Ang buong enerhiya AT LAKAS NG BLACKHOLE AY MAPAPASAKANYA. IKALAWA, Ang AKLAT NA IYON AY MAY MGA TALATANG MAY KAKAYANANG MAGPALABAS NG MGA HALIMAW AT MGA NAKAKATAKOT NA MGA NILALANG KASAMA ANG MGA MAPANGANIB NA MGA DRAGON. At PANGHULI, ay ANG KAPANGYARIHAN NG BLACKHOLE NA NAGBAGO AY MAY KAKAYANANG HIGUPIN AT WASAKIN ANG ANUMANG BAGAY SA KALAWAKAN.
Forneus: (Nag- aasam ang mukha sa narinig)
Cetus Luminax: Gusto kong malaman ninyo na ang aklat na iyon ay punong- puno ng kasamaan.. Isa pa sa dapat ninyong malaman na ANG AKLAT NA IYON AY MAY RITWAL AWITIN NA MAGPAPALABAS SA HIYAS NA GINTONG DYAMANTE NG KADILIMAN. Ang sinumang makakakuha Ng Hiyas na para sa kadiliman ay MAGIGING MAKAPANGYARIHAN DAHIL MAY KAKAYANAN ITONG MAGLABAS NG KAPANGYARIHANG DILIM, KUMONTOL NG MARAMING BAGAY, SUMIRA, HIGUPIN AT PUMATAY NG BUONG NILALANG AT MGA BAGAY SA MUNDO AT KALAWAKAN.
BINABASA MO ANG
Princess Freyah
FantasyAng istoryang ito ay nababase mula sa kathang isip ng author kung saan ang istorya ay nauukol sa itinakdang tagapag-ligtas na si Freyah (na isang dugong mortal at diwata) laban sa isang masamang Badhala na itinapon sa lupa mula sa kalawakan .