(Si Badhalang Forneus na nakulong sa Pinakamalaking Punungkahoy sa Kaharian ng Onslot).....
- Sa pagkatapos ng digmaan at labanan ni Reyna Andromeda at Forneus ay may isang napakalaking punongkahoy ang tumubo sa gitna ng kahariang Onslot. Nagtaka si Adramalech at ang mga kasamahan nito sapagkat bakit may tumubong punongkahoy sa gitna at loob ng palasyo. Mayamayay lumabas ang mukha at kamay ni Forneus na hawak hawak ang Gintong Dyamante ng kadiliman. Nagbigay pugay sina Adramalech sa masamang Badhala. Sa pagkakataong ito ay iniutos ni Forneus na hanapin nila Adramalech ang bawat piraso ng Gintong Dyamante ng kaliwanagan upang itoy muling mabuo at syay makaalis sa sumpang ginawa ni Andromeda gamit ang Gintong Dyamante ng Kaliwanagan. Ipinag- utos rin ni Forneus kay Adramalech na ipahanap si Azanigin upang ipapatay ang mga diwatang maaaring natitira pa at nagtatago lamang sapagkat itoy nararamdaman ng kanyang kapangyarihan at naisip nyang maaaring may anak si Andromeda sa mundo ng mga tao. Agad itong ginawa ni Adramalech.
- Sa mundo ng mga taoy, habang mahimbing na natutulog si Lawrence ay bigla syang nagising at napasigaw sa pangalan ni Andromeda Napanaginipan nyang may masamang nangyari kay Andromeda at dahil ditoy bigla nyang niyakap si Freyah na sanggol. Latang lata si Lawrence at siyay hindi mapakali. Hindi siya umaalis sa tabi ng sanggol sapagkat naalala nya ang bilin ng kanyang asawang si Andromeda na maraming magbabanta sa buhay ng bata. Lumipas ang mga taon ay si Lawrence ang nag- iisang nagtaguyod at nagpalaki o sumubaybay kay Freyah. Si Lolo Singto naman ang naging pangalawang ama ni Freyah at siya ang naging guro nito sa maraming bagay. Naging parang tunay na kapatid na rin ang turing ng tatlong apo ni Lolo Singto sa Prinsesa. Sa mga panahong ginagabayan ni Lawrence si Freyah ay hindi na nagbalik pa kahit na anino o bakas ni Reyna Andromeda. Laging binabanggit ni Lawrence kay Freya hang kanyang asawa at siyay nagkukwento tungkol kay Andromeda.
- Isang araw ay napadpad ang nasumpang si Amalthea kung saan nakatira si Freyah. Nailigaw ni Amalthea si Azanigin na humahabol sa kanya. Si Amalthea ay dumapo sandali sa isang puno na katabi ng Templo ni Lolo Singto. Kanyang napansin ang batang si Freyah na naglalaro mag- isa. Nagulat si Amalthea nang Makita nyang lumalapit ang mga napakaraming mga hayop na lumilipad, mababangis, maaamo at iba pa. Sinabi ni Freyah na nababasa ng kanyang isip ang utak ng mga hayop at hwag daw itong mag-away- away ang mga ito. Nalalaman na raw nya ang nais ng mga hayop kung kayat syay kumuha ng mga napakaraming pagkain at tubig na inumin para sa mga hayop. Nagtaka si Amalthea sapagkat di naman nagsasalita ang mga hayop ngunit papaano nalaman ng paslit ang gusto ng mga hayop. Dahil ditoy lumaki ang interes ni Amalthea sa bata at nais nyang subaybayan ito kung ito ba ay diwata o may kakayanan lang na tao. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon pinilit ni Amalthea na gamitin ang kanyang kapangyarihan ngunit siyay nabigong gamitin ito. Biglang nagtanong si Freyah kung may iba bang nilalang na nasa paligid dahil itoy nakikita at nababasa ng kanyang isipan. Dahil ditoy kumaripas ng lipad si Amalthea dahil siyay nabasa ni Freyah sa pamamagitan ng isipan.
- Nang makatungtong na sa ika 10 taon si Freyah ay napansin ni Lolo Singto na madalas ang batang si Freyah sa kanyang templo na pagkatapos nitong pumasok sa paaralan ay laging nagdadasal, nag- aalay at tilay may kumakausap sa kanya. Nahinuha ng matandang Intsik na mabubuting Espiritu ang laging kausap ni Freyah sa templo. Ang kaganapang ito rin ay nasubaybayan rin ni Amalthea.
- Minsan ay may isang aktibidad sa paaralan sina Freyah at ang tatlong mga kapatid- kapatiran nito. May aksidenteng nangyari sa paaralan at ito ay nasunog, nagtakbuhan ang lahat at tanging si Freyah lamang ang naiwan sa nasusunog na paaralan. Nakatakbo papalayo sina Chin, Jia at Yang ngunit silay umiiyak dahil naiwan sa nasusunog na paaralan ang kapatid nilang si Freyah. Nabalitaan agad ni Lawrence at Lolo Singto na nasunog ang paaralan kung kayat silay agad na nagtungo sa nasusunog na paaralan. Itoy narinig din ni Amalthea kung kayat ito ay sumunod din. Lumuluha si Lawrence at Lolo Singto dahil nasusunog ang paaralan at hindi pa Makita si Freyah. Inakala nilang lahat na patay na si Freyah ngunit nang maapula at mawala ang apoy ay lumabas si Freyah sa nasunog na paaralan na walang nangyari. Agad siyang niyakap ni Lawrence, Lolo Singto at ang tatlo nitong mga kapatid kapatiran. Nagtaka ang lahat sapagkat walang nangyaring masama kay Freyah, wala itong sugat, galos at mga pasa. Ngunit ang kagulat- gulat ay may hawak na bungo si Freyah at itoy ipinagtaka ng lahat.
Lolo Singto: Anak, Bakit hawak mo bungo tao?
Lawrence: Oo nga anak saan mo napulot iyan. Bitiwan mo iyan dahil marumi iyan.
Freyah: Itay at Lolo, ang bungong ito ang nagligtas sa akin. Ang kanyang kaluluwa ay nakipag- usap sa akin at siyay galit. Sa Katunayan poy siya ang dahilan ng sunog dahil sa galit na hindi nabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Nagalit siya sapagkat nagkakasiyahan ang lahat ngunit hindi pinapansin ang kanyang pagkamatay. Kinausap ko po ang kaluluwa ng bungong ito at akoy nangakong tutulungan siyang ilibing ang kanyang bungo sa maayos at bibigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Kung kayat Itay at lolo tulungan nantin siyang makamtan ang hustisya at ilibing siya sa maayos.
- Dahil sa tagpong ito ay nailibing nang maayos ang bungo. At pagkatapos nitoy nalaman nilang lahat na isang babaeng dalaga pala ang bungo at itoy ginahasa at inilibing lang sa isang silid na tinakpan ng bato at sinimentuhan ng konti. Ang silid ay abandonado kung kayat dito inilagak ang labi nang nagahasang babae. Dahil ditoy natukoy ang mga 5 salarin sa pagpatay sa babae dahil sa tulong ni Freyah at itoy kanyang natukoy gamit ang kanyang isip. Nalaman ni Lawrence at Lolo Singto ang kakaibang kakayanan ni Freyah lalong- lalo na si Amalthea dahil nasaksihan nya lahat ng nagawa ni Freyah. Nalaman ni Amalthea na kakaiba ang taglay ng batang si Freyah at hindi ito katangian ng isang ordinaryong tao lamang kung kayat naisip nyang isang diwata si Freyah at nangako si Amalthea na pagdating ng tamang edad ni Freyah ay kanya na itong kakausapin upang maging tagapagtanggol ng lupain ng Fornapyxis.
BINABASA MO ANG
Princess Freyah
FantasyAng istoryang ito ay nababase mula sa kathang isip ng author kung saan ang istorya ay nauukol sa itinakdang tagapag-ligtas na si Freyah (na isang dugong mortal at diwata) laban sa isang masamang Badhala na itinapon sa lupa mula sa kalawakan .