Kabanata 31: Ang Paglalakbay Patungong Fornapyxis

4 1 0
                                    

         -  Pagkatapos ng tatlong araw ay muli nang nakabalik sina Freyah sa kanilang tahanan mula sa Lungsod. Pagod na pagoda ng buong pamilya sapagkat sa dami ng mga aktibidad at sa layo ng byahe. Silay nagpahinga pagkauwi ng bahay at natulog muna. Biglang dumating si Metalica at Makiling upang mangamusta at ibalitang natapos na ang sasakyang pandagat na gagamitin patungong Fornapyxis. Galak na galak si Amalthea at kanyang pinuntahan si Freyah sa kanyang silid. Ginising ni Amalthea si Freyah at kinumbinsing bumangon upang magtungo na sa lupain ng Fornapyxis. Ayaw magising ni Freyah kung kayat itoy kanyang pinagtutuka. Bumangon panandalian si Freyah at kinuha si Amalthea at kanya itong dinaganan at muling natulog. Nagpunta sina Makiling at Metalica sa silid ni Freyah upang ito ay gisingin at kausapin. Nagising naman si Freyah .

Freyah: (Wala sa mood)... ano ba yan? Natutulog yung tao tapos nanggigising kayo. Nang- aano kayo eh!!!! Bakit ba? (Nagkukuskos ng mata).....

Metalica: Freyah, Buo na ang sasakyang pandagat natin... tayo nat magtungo sa Fornapyxis na ating pinagmulan.

Makiling: Oo nga..... ay!!!! Amalthea anong nangyari sayo ? Freyah bakit mo dinaganan ang ating kaibigan... salbahe ka!

Amalthea: Sapagkat nanggugulo siya sa aking pagtulog kung kayat siyay pinatahimik ko. Ayos ba?

Amalthea: (Nahihilo) Freyah!!!! Lapastangan ka ... Etong sayo..... (Muling magtatalo at mag-aaway sila ni Freyah).

Metalica at Makiling: (Magkakamot sa ulo) hay naku nag- aaway nanaman sila.

Freyah: Teka teka Amalthea, tama na masyadong mainitin ang ulo mo.

Amalthea: Ikaw ang bwisit Freyah. Masyado kang suwail.

Freyah: Ssssshhhhhhh!!!! Manahimik ka Amalthea. Mga kaibigan tignan ninyo ang parang isang piraso ng gintong hiyas na ito na kumikislap at umiilaw. Napulot ko ito sa isang napakalaking puno na maugat. Noong ako ay nasa Lungsod ay namasyal ako panandalian at nagmuni muni at nagpahinga habang nagbabasa ng komiks. Ako ay napalingon sa isang napakalaking puno at napansin ko sa mga ugat nito ay may natatakpan itong isang bagay na kumikislap at umiilaw na piraso ng hugis Kristal at natutulad sa isang Kristal. Kinuha ko ito atakin itong iniuwi upang ibenta sapagkat alam kong mahal ito kapag aking binenta. Matutupad na ang aking pangarap na yumaman.

Amalthea: (Tutukain sa ulo si Freyah)..... Inutil ka talaga Freyah. Lahat ng bagay ay nais mong ibenta. Hindi ka talaga nag-iisip masyado kang materyosa gusto mong yumaman para sa sarili mo. Makinig kayong lahat!!! Hindi ninyo maaaring ibenta o ipagkalulo ang piraso ng hiyas ng gintong iyan, sapagkat ito ay makapangyarihan kapag ito ay nabuo. Ang hiyas na iyan ay ang piraso ng Gintong Dyamante ng Kaliwanagan na ginawa at ipinagkaloob ni badhalang Cetus Luminax na ating Badhala sa iyong ina Freyah na si Andromeda upang talunin ang kasamaan. Umibig ang iyong ina sa mortal na sa kasalukuyan ay ang iyong ama kung kayat hindi nagamit o gumana ang kapangyarihan nito kung kayat ibinuwis ng iyong ina ang kanyang buhay upang hindi magamit ni Forneus ang Gintong Dyamante na iyan. Pumasok ang Espiritu ni Andromeda sa Hiyas ng kaliwanagan at kanya itong sinira at ipinasabog upang hindi ito mapakinabangan ng masamang Badhalang si Forneus. Ito ay kumalat sa ibat ibang lugar. Batid kong nakuha mo ang isang piraso na napunta dito sa lupain ng mga mortal at dapat na tayong magpunta sa Fornapyxis upang makuha pa ang mga marami pang mga piraso nyan upang mabuo muli at dapat nating maunahan si Forneus sapagkat syay naghahangad na makuha ito.

         -  Nagmatigas si Freyah at syay tumakas upang ibenta ang gintong hiyas ngunit syay hinabol pa rin ng mga kaibigang diwata at syay tinuktukan ng malakas ni Metalica sa ulo. Natauhan si Freyah at sinabi ni Makiling na dapat itong itago ni Freyah at ingatan dahil sya ang tagapagmana nito at prinsesa na tagapagligtas ng mga nasa Fornapyxis. Nakita ni Lolo Singto at Lawrence na nagkakagulo sina Freyah at ang mga kaibigan nitong mga diwata kung kayat nilapitan nila ang mga ito at tinanong kung ano ang nangyayari. Sinabi ng mga diwata na silay nagkakatuwaan lamang. Mayamayay nagsalita si Freyah at syay nagpaalam na payagang magtungo sa lupain ng Fornapyxis sa lupain ng kanyang ina upang gampanan ang naiwang gampanin nito. Nagpaliwanag rin sina Metalica at Makiling sa mga nangyari at ang ukol sa gagawing mga paglalakbay. Nagulat si Lolo Singto at Lawrence dahil nagsalita ang ibon na si Amalthea. Hindi sila makapaniwala na nagsasalita ang ibon at nagpapaliwanag sa mga bagay bagay. Sinabi ni Amalthea na siya ay matalik at naging kapatid kapatiran na kaibigan ni Andromeda. Kailangan ni Freyah na ipagpatuloy ang gampanin ng kanyang ina at ng mga diwata upang ipagtanggol ang Fornapyxis sa napakalakas na pwersa ng kasamaan. Sinabi rin nyang si Freyah ang Prinsesa na tagapagligtas kung kayat marapat itong magtungo roon at gawin ang kanyang itinadhanang gampanin. Ipinaliwanag muli ni Amalthea kay Lolo Singto at Lawrence ang nauukol sa Fornapyxis, Ang mga nilalang roon, si Andromeda at ang lahat lahat nang dapat nilang malaman kung kayat naliwanagan ang isipan nilang dalawa.

Lawrence: kung ganon pala lahat, nais kong tumulong sa misyon ng aking anak at ayokong mawalay sa aking anak at akoy susuporta sa anak ko at akoy sasama. Nais ko ring ipagpatuloy ang ipinaglalaban ng aking asawang namayapa at handa akong magbuwis ng buhay.

Freyah: (Yayakap sa ama at luluha)Itay!!! Salamat!!

Lolo singto: Paano Templo ko? Wala iwan dito. Pag- iisipan ko sumama. Ayoko iwan madami ko asawa dito, mahal ko sila lahat. Iiyakan nila ako pag ako alis dito.

Freyah: Lolo, tumigil ka na sa mga kalokohan mo dyan.... Kung ayaw po ninyo sumama bahala po kayo. Basta kami aalis dahil mas maraming magagandang babae doon, mas maraming kayamanan at ako ang tatanghaling Prinsesa.

Lolo Singto: Apo, ikaw naman hindi mabiro,, sige sasama ako at mga ate mo. Kailann ba alis natin?

Amalthea: lolo bukas po ng umagang umaga. May nakahanda na pong sasakyang pandagat sa tahanan ni Metalica at Makiling. Tayo poy magtutungo na sa lupain ng Fornapyxis.

Lawrence: O sige!!!! Bukas ... Ako na ang bahala sa pagmamaneho at pagkakapitan sa sasakyang pandagat na iyon...

Freyah: Ayos!!!! Excited na ako!!!!

          -  Kinagabihan iniutos Na ni Lolo Singto sa kanyang mga apo na maghanda at magbalot na dahil silay lilisan na sa lugar na iyon na kanilang tinitirhan. Nagtataka ang mga apo niya kung bakit at mayamayay nagulat sila sapagkat nagsalita ang ibon na alaga ni Freyah na si Amalthea. Ipinaliwanag nito ang lahat ng rason at silay pumayag na umalis.

          -  Kinabukasan nagpaalam na si Lolo Singto at ang buong pamilya nito sa buong bayan at nalungkot ang lahat sa pag- alis nila. Iyak nang iyak si Lolo Singto at isa- isang niyakap ang mga magagandang babae sa bayan. Nabwisit si Freyah at kinaladkad ang matandang Intsik at silay lumisan na. Nakatungo na sila sa tahanan ni Metalica at silay nagandahan sa kanilang sasakyang pandagat na gagamitin. Silay sumakay na sa barko at umalis na patungong Fornapyxis. Tuwang tuwa ang lahat at excited na sa pagpunta sa lupaing iyon upang gampanan ang kanilang gampanin at ipagtanggol ito sa mga masasamang nilalang. 

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon