Chapter 15: Kaguluhan sa mga Sirena at mga Falco!!!

43 15 0
                                    


     -  Sa tagpong ito ay sinigurado ni Forneus na wala nang mga diwatang nasa mundo ng mga tao ang natitira pa. Binasa nya ang isang masamang Ritwal sa aklat ng kadiliman at pinalabas ang mga dragon upang magmasid sa himpapawid kung talagang wala nang natitirang mga diwata sa lupa. Mayroon ding itim na usok na gumagapang sa lupa kung kayat maraming mga hayop at halaman ang nangamatay. Ang lahat ay kagagawan ni Forneus kung kayat ang mga tao ay lalong nagkaroon ng malaking takot sa mga kakaibang nilalang tulad ng mga Maligno, Mangkukulam, Higante, Dwende pati narin sa mga sirena, Diwata at iba pa. Tumatak sa isipan ng mga tao na ang mga ito ay nagdadala ng mga kamalasan, delubyo at mga sakuna. Pagkatapos ng masamang ginawa ni Forneus ay nagpasya na siyang bumalik sa lupain ng FORNAPYXIS Upang gawin ang mga susunod nyang mga hakbangin. Binigyan siya ng pagpupugay ng mga dwende sa pagdaan nya sa lagusan mula sa mga mortal sapagkat nabatid at nakita ng mga dwende ang pagtatagumpay ng masamang Badhala sa mundo ng mga tao. Bumalik na rin si Forneus sa kaharian ng Onslot at siyay binigyang pugay at nagkaroon ng kasiyahang seremonya sa pangunguna ni Adramalech at Azanigin.

Adramalech: Aming sinisintang badhala, kamiy lubos na masaya sa inyong pagtatagumpay mula sa mundo ng mga tao.

Azanigin: Panginoon tayoy dapat na magsaya sa buong araw tayoy dapat na kumain at uminom magdamag sapagkat kayoy tunay na makapangyarihan.

Forneus: Tama kayo dyan kahit si Cetus Luminax ay walang magagawa at hindi nya tayo makakanti sapagkat kung sya ay sumira sa aming usapan ay mapaparusahan sya ng Dakilang Maylalang. Hinamon ko sya na hwag makikialam kung kayat di nya ito direktang matutulungan ang mga diwata at iba pa.

Adramalech: Mahal na badhala, Ano ang susunod nating gagawin?

Forneus: Napilay na ang mga kakampi ng mga diwata at silay nasa panig natin ngayon. Nasa atin nang panig ang mga Dwende, mga bruha at mga Higante. Pinatay ko na rin ang mga Diwata na nagbabantay sa lupa ng mga mortal. Ang susunod nating aatakihin ay ang mga sirena at mga Falco na tunay na tapat sa mga diwata. Kung silay hindi papanig sa ating panig ay hindi ako magdadalawang isip na silay kitilan ng buhay. Kapag natapos na ay ating sasakupin ang mga Shinvang Engkantado upang ako ay sambahin, kilalanin at paglingkuran ako. At panghuli ay ating papahirapan at aalipinin ang mga Normal na Diwata na walang taglay na kapangyarihan... Hahhaha!!!! Naaamoy ko na ang mga pagtatagumpay , Tignan ko na lang kung saan pupulutin at magtatago ang mga diwatang mahihina na ipinagmamalaki ni Cetus Luminax na pupuksa raw sa akin. Pwes, ako ang pupuksa at uubos sa kanilang lahat. Adramalech at Azanigin magahanda kayo at tayoy susugod sa mga sirena at mga Falco.

Adramalech at Azanigin: Opo mahal na Badhala.

-  Dumating nga ang kinabukasan ay nagpasyang sumugod na sina Forneus sa mga sirena at mga Falco. Napagpasyahan ni Forneus na hatiin muli sa dalawa ang hukbo. Kanyang inatasan si Adramalech, Azanigin at mga pinuno ng mga Higante, bruha at dwende na magtungo sa Isla Falco upang ito ay masakop at magamit ang mga Falco bilang pwersa sa himpapawid laban sa mga diwata. Samantalang nagtungo na si Forneus sa mga sirena upang ito ay sakupin at kumbinsihing umanib sa kanila upang talunin ang mga diwata.

-  Nakita ni Forneus na may isang pagtitipon ang lahat ng mga sirena sa pusod ng karagatan, sa gitna nilay may isang napakalaking Kabibe na may malaking perlas sa loob. Kinausap ni Forneus ang mga sirena at pinutol ang seremonyang kanilang ginagawa. Sinabi nitong nais nyang umanib ang lahat ng sirena sa kanya at talikdan na ang mga diwata at si Badhalang Luminax at siyay nangakong silay pagpapalain ni Forneus at gagawing makapangyarihan. Ngunit sa kabila nang magandang mga alok ni Forneus ay talagang tumanggi sila at hindi naniwala kay Forneus. Dahil sa pagtangging ito ay nakipagdigma ang mga sirena kay Forneus. Ginamit ng mga sirena ang kapangyarihan ng Perlas sa kabibe na tinatawag na Bato/ Perlas ng Samared. Lumabas ang mga napakalalaking mga halimaw na dragon at itoy kinalaban ng mga sirena. Maraming mga sirena ang namatay sapagkat napakalakas ni Forneus. Sa pinakahuli ay naglabas ng malakas na kapangyarihan ang perlas ng Samared na may kasamang tubig dagat upang atakihin si Forneus ngunit dahil malakas ang Gintong dyamante ng Kadiliman at taglay ni Forneus ang kapangyarihan ng Blackhole ay bumalik sa mga sirena ang kapangyarihan na inilabas ng perlas at silay nagtalsikan at nanghina. Hindi pa rin o nagmatigas pa rin ang mga sirena kung kayat hinigop ni Forneus ang mga kapangyarihan ng perlas ng samared at itoy kanyang sinira. Dahil sa pangyayaring ito at madaming namatay na mga sirena ay umatras ang mga ito at lumangoy ng mabilis papalayo at patungong Isla Hydra.

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon