- Dumating na ang takdang panahon at nanganak na si Reyna Andromeda. Ang kanilang anak ni Lawrence ay isang sanggol na babae. Sa pagkalabas ng sanggol na babae ay ito ay iyak nang iyak at napansin nila na sa pag- iyak ng bata ay nagningas at nasunog ang tatlong Punongkahoy na malalaki na ang apoy ay gumapang mula sa lupa. Dahil sa kaganapang ito ay napag- isipan ng mag asawang Andromeda at Lawrence na Freyah ang ipangalan sa sanggol sapagkat dahil sa pag- iyak ng bata ay nagliyab ang mga puno at lumabas ang kakaibang apoy. Naisip rin ito ni Lawrence sapagkat napakagandang pangalan nito para sa bata na malapit sa pangalan ng apoy at dahil ang apoy ay nagniningas sa init at Liwanag. Sa pagdating ni Freyah sa buhay ni Andromeda at Lawrence ay nagkakulay at nagkahulugan ang kanilang mga buhay at tuwang- tuwa rin ang Intsik na matanda sa paniniwalang swerte ang hatid ng bata sa kanilang tahanan at templo. Nagtataka ang lahat sapagkat napakaraming mga makukulay na paru paro ang nagliliparan ganun din na napakaraming mga ibon sa himpapawid na nagliliparan sa himpapawid na may kasamang bahaghari. Hindi maipinta ang kasiyahang nadarama ni Andromeda at Lawrence.
- Samantalang sa Henroprhydie naman ay biglang nagising si Amalthea sapagkat kanyang napanaginipang muli na ang kaharian ay nabalot nang kadiliman at itoy nanganganib. Ang pangalawang panaginip naman ay nakita nyang duguan si Reyna Andromeda at itoy wala nang buhay. Sa pagtayo ni Amalthea sa higaan ay dagli syang dumungaw sa bintana at pumikit hawak ang kanyang ulo. Sa pamamagitan ng kanyang isip ay nagkausap sa utak sa utak si Reyna Andromeda at Amalthea. Nalaman ni Amalthea ang mga naganap sa Reyna, nanganak ito ng sanggol na babae at hinahanap pa ni Reyna Andromeda ang tatlong sanggol na buhay pa sa mundo ng mga tao. Sa huli ay nagbigay babala ang Diwatang si Amalthea kay Reyna Andromeda na itoy laging mag- iingat sapagkat nakita nya sa kanyang panaginip na nanganganib at nasa kapahamakan ang reyna. Pagkatapos ng usapang ito ay lumabas ng silid si Amalthea at kanyang natanggap ang balitang sasalakay na sina Forneus sa kaharian ng Henroprhydie sa pamamagitan ng pagbabalita ng mga lambana na nakatanggap ng mensahe mula sa grupo ng mga higante at mga dwende.
- Dahil sa bantang ito sa kaharian ay ginamit ni Amalthea ang kanyang kapangyarihan sa utak at isip upang makipag- usap sa mga diwata, sa mga kinauukulan at iba pa upang magkaroon ng pagpupulong sa trono. Kinausap rin ni Amalthea sa pamamagitan ng isip si Pigeona na reyna ng mga mabubuting Falco. Nagsimula na ang nangyaring pagpupulong sa kaharian at sinabi ni Amalthea na maghanda ang lahat sa napipintong biglaang digmaan na maaring mangyayari sapagkat anumang oras ay lulusob ang kampon ng kasamaan sa pangunguna ni Forneus. Binalak ng lahat na ang mga diwatang mandirigma ay lahat ay magpupunta sa mga lupain ng Timog Henrophrydie na tahanan ng mga Normal na Diwatang walang kapangyarihan sapagkat maaaring lusubin ito nila Forneus at sakupin kung kayat dapat itong maipagtanggol ng mga diwatang mandirigma. Ang sunod na plano ay lahat ng mga diwatang may kapangyarihan ay lulusob sa kaharian ng Onslot upang makipaglaban kay Forneus at sa lahat ng mga kampon nito...... Napagplanuhan ring dapat may diwatang haharang sa karagatan, himpapawid at kaharian mismo. Si Amalthea at ang dalawang kambal na diwatang makapangyarihan ang maiiwan sa kaharian ng Henrophrydie upang ito ay maprotektahan.
- Ang mga DIWATANG TAGAPAGHATOL, si GURONG DELPHINUS kasama ang ilang tagapagturot misyonero, Mga LAMBANA at Si ESSEXITOH at asawa nito ay dapat na maitakas papalayo ng kaharian. Si Pigeona ang naatasan sa pagpapatakas sa mga ito. Dahil ritoy ginamit na ni Pigeona ang PERSIUSO (HIGANTENG AGILA) upang maitakas ang mga nabanggit. Sinabi ni Amalthea na dalhin sila sa Neramonva sa piling ni Lacertania sapagkat ang lugar na iyon ay ligtas at madaming matataguang kweba at yungib. Umalis na sina Pigeona at ang mga nabanggit na itatakas at silay nagtungo na sa Neramonva.
BINABASA MO ANG
Princess Freyah
FantasyAng istoryang ito ay nababase mula sa kathang isip ng author kung saan ang istorya ay nauukol sa itinakdang tagapag-ligtas na si Freyah (na isang dugong mortal at diwata) laban sa isang masamang Badhala na itinapon sa lupa mula sa kalawakan .