Chapter 11(Si Corvus at Si Menza)

49 15 0
                                    


-Dahil sa pagkamatay ni Tagapagturong/ Misyonerang si Sagitta ay napagpasyahan ng lahat na si Corvus na ang susunod. Ang kanyang patutunguhan ay sa lupain ng Deshaparademia. Ito ay ang lupain ng mga babaeng manggagaway. Ito ang napiling puntahan sapagkat malambot ang puso ng mga babae at tanging lalaking tulad niya lamang ang makakagawa ng panghihikayat na magbagong buhay. Napakalaking sasakyang pandagat ang gagamitin ni Corvus sapagkat maglululan siya ng napakaraming mga pagkain upang ipamigay sa mga babaeng manggagaway. Pagkaraan ng dalawang araw ay nakadating na nga si Corvus sa lupain ng mga babaeng manggagaway. Laking gulat ni Corvus nang Makita nyang nagkakaroon ng isang malaking kasiyahan at pista ang lahat sa isang templo. Nasaksihan ni Corvus ang isang malaking litrato ni Forneus na may mga pagkain at mga ginto. Nagsasayawan ang mga babae, may mga nagsusugal at ang pinakamasama sa lahat ay nasaksihan nyang may isang itim na bolang Kristal na ginagamit ng mga Bruha upang magturo sa mga mortal ng mga itim na mahika at mga pangkukulam. Ito rin ang ginagamit ng mga Bruha upang makapanakit ng mga tao at gumawa ng mga sumpa. Hindi nasikmura ni Corvus ang mga nakita niya kung kayat lumabas siya ng Templo at Giniba ang Templo sa pamamagitan ng kanyang dalawang kamay. Maraming mga Babaeng manggagaway ang nangamatay nA halos 500 ang bilang. Pagkatapos ng mga pangyayaring ito ay nagdikit ng mga kautusan ng kabutihan si Corvus sa bawat sambahayan na kanyang madaanan. Nagtayo rin siya ng malaking sulo upang maging simbolo ng kaliwanagan. Dahil sa ginawang ito ni Corvus ay nabalitaan ito ni Reyna Crescensia, ang pinuno ng mga babaeng manggagaway. Siyay nag ngit-ngit sa galit sa pinaggagawa ni Corvus kung kayat siyay nagpanggap na inosente at hindi naging kapanalig ni Forneus. Nagkita si Corvus at Crescensia sa isang puno habang si Corvus ay nagpapahinga. Humingi ng tulong si Crescensia na siya raw ay itakas mula sa mga masasama nyang mga kalahi upang siyay huwag mahawa sa kanilang kasamaan at siyay naniniwala sa mga diwata at kay Cetus Luminax. Lumipas pa ang mga araw ay nagkamabutihan si Corvus at Crescensia at silay nahulog sa isat- isa. May nangyari sa kanilang dalawa at silay nag- usap.

Crescensia: Aking mahal, bakit ka naririto? (Hahalik kay Corvus).

Corvus: Sapagkat nais kong isalba mula sa kadiliman ang mga nilalang rito at isa ka na doon.

Crescensia: Ano ang balak mo?

Corvus: Nais kong magtagumpay sa aking misyon at kung sa iyo naman, nais kong ituloy natin ang ating buhay sa kaharian ng mga diwata sapagkat mabuti kang nilalang hindi ka nagpasakop sa kapangyarihan ni Forneus. Nais kong mamuhay ng payapa kasama ng mga anak natin. Sa totoo lamang kamukha mo ang sinisinta kong si Sagitta ngunit siyay nasa kabilang buhay na kung kayat nagpapasalamat ako na nakita ko siya sa iyong katauhan.

Crescensia: Ganun ba mahal ko ... natutuwa ako sa iyo... Mahal may nais akong itanong na isang bagay sa iyo?

Corvus: Ano iyon? Huwag kang mahiya ... Akoy may tiwala sa iyo mahal ko.

Crescensia: Mahal nabalitaan ko ang paggiba mo sa templo ng mga manggagaway , paano mo ito nagawa?

Corvus: Dahil silay masasama at ayaw magbago. Tinuturuan nila ng kasamaan ang mga mortal at ipinapasa nila ang karunungan ng itim ba mahika upang makapangkulam.

Crescensia: Hindi mo magagawang gibain ang templo sapagkat ikaw ay hindi nagtataglay ng kapangyarihan. Maaari bang malaman ko kung paano mo nagawa iyon, Ano ang iyong sikreto? Magtiwala ka sa akin aking mahal (Hahalik kay Corvus).

Corvus: Sa totoo lamang (Payabang na nagsasalita), Tunay na akoy malakas sapagkat akoy may basbas mula sa mga diwatang may kapangyarihan. Binasbasan nila ang aking mga kamay  kung kayat dito nagmumula ang aking lakas na ginamit ko upang gibain ang templo.

  - Dahil sa narinig ni Crescensia ay natuwa siya . Nakatulog si Corvus dahil sa sobrang pagod kung kayat sinamantala ni Crescensia ang pagkakataon upang ipadakip si Corvus at dalhin sa kaharian ng mga Babaeng Manggagaway. Nagpadala ng mga tauhan si Crescensia upang magtungo sa kaharian ng Onslot at ibalita kay Adramalech ang mga ginawa ni Corvus at kanila nang ikinulong ang dakilang tagapagturong ito. Nagalit si Adramalech at sinabing parusahan si Corvus at ikulong habambuhay. Samantalang sa kaharian ng Deshaparademia ay nagising na si Corvus at laking gulat niya nang wala na siyang mga kamay at siyay nanghihina. Pinuntahan ni Crescensia si Corvus at nagulat ang misyonerong iba ang mukha ni Crescensia na nakakatakot. Nagalit si Corvus kay Crescensia dahil sa katrayduran nito at panloloko ngunit siyay wala nang magawa. Kinabukasan ay kaarawan ni Cygnusiara at nalaman niyang nasa kulungan sa lupain ng mga babae ang sinisinta nyang si Corvus. Pinuntahan nya si Corvus at tinanong kung mahal ba siya nito. Ngunit nabigo si Cygnusiara at siyay nagalit sapagkat namuhi sa kanya si Corvus dahil sa kataksilan niya sa mga diwata. Pagsapit ng gabi ay nagkaroon ng kasiyahan ang lahat sa kaharian ng Onslot sapagkat kaarawan ni Cygnusiara na asawa ni Haring Adramalech.

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon