Kabanata 28: Ang Paglabas ng Diwata ng Lupa

6 3 0
                                    


        - Dahil sa mga naikwento ni Freyah at Metalica na pangyayari sa Tanghalan ay si Amalthea ay nabahala sapagkat nahinuha nyang si Azanigin ang nakaharap nina Freyah at Metalica. Ibig sabihin nitoy alam na ni Azanigin na may mga nabubuhay pang mga diwata at maaaring anumang oras ay umatake si Azanigin. Dahil sa balitang sinabing ito nila Freyah ay ipinag utos ni Amalthea ang paggawa ng isang sasakyang pandagat upang makabalik sa Fornapyxis. Ayaw dumaan ni Amalthea sa lagusan ng mga dwende sapagkat maaaring malaman ni Forneus kaagad na may mga nabubuhay na mga diwata at maaaring mapatay ang mga ito kaagad. Nais ni Amalthea na humanap sina Freyah at Metalica nang mga pinakamatitibay at dalisay na mga materyales. Kanya itong iniutos sapagkat delikado ang paglalakbay sa karagatang Pasipiko na sobrang maalon, mahangin, mabagyo at may mga panganib na itoy patungo naman sa lupain ng Fornapyxis. Nagmatigas si Freyah at ayaw nitong sumama kay Metalica at ayaw nitong magpunta sa Fornapyxis sapagkat takot syang bumyahe sa karagatan at syay duwag. Patuloy na nagtalo nang nagtalo si Amalthea at Freyah hanggang sa kinaladkad na lamang ni Metalica at Amalthea si Freyah upang ito ay hindi na tumanggi pa at walang nagawa si Freyah. Silay naglakbay sa pangunguna ni Metalica sapagkat nalalaman niya kung saan makakakuha ng mga matitibay at dekalidad na mga materyales upang makagawa ng isang matibay na sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalakbay ay silay nagpunta sa mga bulubundukin at dooy nangalap at nanguha ng mga materyales na mga metal, kahoy at iba pa. Sa kanilang paglalakbay rin ay silay sinundan ni Azanigin sapagkat ito ay nagmamanman sa kanila at nakita ni Azanigin si Amalthea na nasumpang ibon na kasama ng mga diwata. Dahil ritoy siyay nagalit at umalis panandalian upang gumawa ng panlaban sa mga diwata. Habang patuloy na nangangalap ng mga materyales sina Freyah ay may bigla silang narinig na mga ungol ng mga hayop at biglang umihip ang napakalakas na hangin. Sinabi ni Amalthea na may panganib na nakaamba kung kayat dapat na maghanda sila dahil nagbadya ang kalikasan. Mayamaya ngay lumabas ang mga kalaban. Ang mga kalaban ay mga higanteng ahas, mababangis na hayop at iba pa na nilikha ni Azanigin. Nabigla sina Freyah at sa di sinasadyang pangyayari ay naitulak ng mga higanteng hayop si Metalica. Sa pagkakahulog ni Metalica sa bangin ay syay nawalan ng malay. Samantalang, muling naduwag si Freyah at syay nagkakaripas nang takbo habang hinahabol ng mga higanteng hayop. Nabwisit si Amalthea at kanyang sinundan si Freyah na umakyat sa puno. Muling nagtatalo si Freyah at Amalthea na dapat ay labanan ni Freyah ang mga kalaban ngunit itoy naduwag at natakot na malalaki at higante ang mga kalaban. Binangga nang binangga ng mga higanteng hayop ang punong inakyatan ni Freyah at itoy naputol at bumagsak sa lupa. Muling nagtatatakbo si Freyah at sa kanyang pagtakbo ay siyay nabangga sa isang babaeng ubod ng ganda. Hinawi ng babae si Freyah at siya ang nakipaglaban sa mga higanteng mga hayop. Umawit ang babae at ang mga higanteng mga mababangis na hayop ay naakit o Na hypnotized at ang mga itoy kusang tumalon sa bangin at nangamatay. Ang sumunod naman ay ang mga higanteng ahas, ikinumpas ng babae ang kanyang mga kamay at nagulat si Amalthea at Freyah sapagkat ang mga ito ay nag- away away at nagpatayan. Ang mga ibang natitira naman na mga higanteng hayop ay pinatay ng babae sa pamamagitan ng paggamit ng batong nasa kagubatang iyon. Natapos nga ang labanan at nilapitan ni Freyah at Amalthea ang napakagandang babae dahil naramdaman nilang ito ay isang diwata. Tama nga ang kanilang hinuha sapagkat ito nga ay isang diwata at ang babae ay nagpakilala sa kanila na si Maria Makiling na diwata ng lupa. Tuwang tuwa si Amalthea sapagkat nakilala nila ang bagong diwata at ganun din si Freyah. Kanilang kinuha si Metalica sa bangin at itoy kanilang tinulungan. Habang silay naglalakad na upang magtungo sa tahanan ni Makiling ay biglang lumabas si Azanigin. Nakipaglaban si Freyah at si Amalthea(kahit hirap sa kanyang sitwasyon) at silay natalo. Ginamit ni Makiling ang kanyang kapangyarihan at si Azanigin ay kinain ng lupa at natabunan.

-  Pagkatapos ng pagkagapi kay Azanigin ay nagtungo na sila sa tinutuluyan ni makiling at doon ay ginamot nila si Metalica at inalok ni Makiling sina Freyah na doon na lamang magpalipas ng gabi.

Amalthea: Makiling, salamat sa iyong pagtulong, kung hindi sa iyo ay kamiy napahamak na. Alam mo naman na hindi maasahan ang isa kong kasama dyan dahil ubod ng duwag. Salamat din sa iyong pagpapatuloy sa amin sa mumunti mong tahanan.

Makiling: Walang anuman... kahit na ikay isang ibon ay naiiintindihan kita. Teka Freyah! Bakit kanina ka pa nakatitig sa akin? May mali bas a mukha ko?

Freyah: (Hahawak sa mukha, balat at buhok ni Makiling)... napakaganda mo Makiling. Ano ang sikreto mo? Sana maging kagaya mo ako na kasing ganda mo at maganda pa ang boses.

Amalthea: Hay naku Freyah!! Maganda ka rin naman, ngunit wala kang utak ubod pa ng duwag at sutil.

(Freyah at Amalthea, magtatalo)

Metalica: Pasensya ka na Makiling ganyan talaga sila laging nagtatalo.

Makiling: Ayos lamang iyon! Magpahinga ka na at gagamutin ko muli ang iyong mga sugat.

(Freyah at Amalthea, Nagsasakitan at Naghahabulan)

Metalica: Hay naku! Nakakahiya talaga sila!!!!

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon