- Kinaumagahan ay nagpasyang bumalik na sa tahanan sina Freyah at Amalthea. Kanilang kinumbinsi si Maria Makiling na sumama sa kanilang tahanan upang gampanan ang misyon ng mga diwata at muling ipagtanggol ang Fornapyxis sa mga masasamang nilalang lalo na kay Badhalang Forneus. Ikinuwento lahat ni Amalthea ang nauukol sa lupain ng Fornapyxis kay Makiling. Dahil ritoy nagtungo muna sila sa kagubatan ng mga kabundukan upang magpaalam si Makiling sa mga hayop at mga halaman na naroon. Umiiyak si Makiling na nagpapaalam at naghahabilin sa mga ito na huwag pabayaan ang kalikasan at ang kagubatan. Umalis na nga sa Bulubundukin ang mga diwata na bitbit ang mga materyales na gagamitin sa paggawa ng sasakyang pandagat. Nagdala rin si Makiling ng mga matitibay na kahoy mula sa mga matatatag na Punongkahoy at siyay may mga matitibay at makikinis na bato.
-Inumpishan na nila ang paggawa sa naturang sasakyang pandagat na gagamitin patungo sa lupain ng Fornapyxis. Ang kanilang paggawa sa sasakyang ito ay ginawa nila sa tahanan ni Metalica sapagkat kumpleto sa gamit si Metalica at bukod dito ay malapit sa karagatan ang bahay ni Metalica na puro gubat at mahirap mapuntahan ng mga tao. Habang abala sa paggawa, pagkukumpuni at pagsasaayos ng sasakyan sina Metalica, Makiling at Amalthea ay abalang abala sa paglamon, pagbabasa ng komiks, panonood ng TV at pagtulog si Freyah. Dahil ritoy muling nag- away si Freyah at Amalthea dahil sa katamaran nito. Pagkaraan lamang ng ilang minuto pagkatapos ng pag- aaway ay tumulong na rin si Freyah. Puro palpak ang nagagawa ni Freyah dahil sa bukod na nasisira niya ang ilang bahagi ay naaaksidente ito tulad na napupukpok niya ang kanyang kamay ng martilyo at itoy iyak nang iyak. Lumipas pa ang ilang oras ay kanilang naisip na magpahinga sandali at kumain upang makapag- usap usap ng personal. Nang maghain ng pagkain si Metalica ay biglang dumampot ng pagkain si Freyah at muling kumain ng malakas at masiba.
Metalica at Makiling: (Nagkakamot sa ulo).
Amalthea: Freyah!!! Ubod ka nang nakakahiya. Kami itong madaming ginawa at napagod nang todo ikaw pa itong nauna na kumain at ubod ng lakas lumamon.
Freyah: (Patuloy sa pagkain at parang walang narinig).
Metalica: hayaan niyo na siya Amalthea. Kanya nang kasiyahan ang kumain.
Makiling: Opo, tignan po ninyo ang sarap nyang kumain.
Amalthea: Hay naku mabulunan ka sana !
Freyah: (Ubo nang ubo at siyay nabulunan) Tulong!!!! Pahinging tubig!!!
Makiling at Metalica: (Tatayo upang tulungan si Freyah).
Amalthea: (Pipigilin si Metalica at Makiling at dadapo si Amalthea sa mga ito sa braso). Hayaan ninyo siya, kaya niya yan. Bayaan ninyo siyang kumuha ng tubig sa sarili nya. Siyay nakarma dahil sa katakawan at kasibaan.
Freyah: (Naluluhang tatakbo sa inuman / kusina)...
Amalthea: Wag na muna nating isipin si Freyah mga mahal kong diwata. Ibig kong malaman ang naging buhay mo Makiling pagkatapos mamatay ng am among diwata na si Dario. Maari mo bang isalaysay sa amin.
BINABASA MO ANG
Princess Freyah
FantasyAng istoryang ito ay nababase mula sa kathang isip ng author kung saan ang istorya ay nauukol sa itinakdang tagapag-ligtas na si Freyah (na isang dugong mortal at diwata) laban sa isang masamang Badhala na itinapon sa lupa mula sa kalawakan .