Chapter 4 (Ang Sumpa at Digmaan sa Kalawakan)

89 21 0
                                    

                                                    Ang Pagtapon kay Forneus sa Lupa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                                    Ang Pagtapon kay Forneus sa Lupa

        - Naghanda ang mga kampon ni Forneus at si Forneus mismo sa pagsalakay sa mundo upang ito ay pagharian samantalang bago bumalik sa kalawakan sina Badhalang Cetus Luminax at mga Farishta ay naisaayos na nila ang mga lugar kung saan maninirahan ang kanyang bawat mga nilalang.... Bawat nilalang ay may kanya kanyang mga pinaglalagyang lugar at kinaroroonan at ang lahat ng mga itoy inutusan nyang magtayo ng mga kaharian at sibilisasyon upang magtulungan ang bawat isa kahit na nababalot ng kadiliman ang bawat kalawakan at mundo. Isang bagay ang itinuro ni Cetus Luminax sa kanyang mga nilalang bago ito bumalik sa kalawakan at ito ay ang pagiging mabuti sa lahat ng bagay.

Cetus Luminax: Aking mga alagad na Farishta. Oras na upang tayoy bumalik na sa ating kaharian sa kalawakan. Nais kong magsipaghanda kayo sapagkat may kakaharapin tayong isang bagay na ikakagulat ninyong lahat.

    - Bumalik na nga sa kalawakan si Cetus Luminax kasama ng mga Farishta. Sa kanilang pagbabalik ay naabutan nila ang mga Espiritu/ kaluluwa na nag-iiyakan at hawak ang mga nagkapira- pirasong mga damit ni Hortameus.

Cetus Luminax: Mga sinisinta kong mga mabubuting Espiritu na hindi pinili ang kadiliman, Hwag kayong mag- alala kayoy ilalagay ko sa payapang kalalagyan at kayo'y mananabik sapagkat makakasama niyo si Hortameus sa inyong kapayapaan. (Itinaas ni Cetus Luminax ang kanyang kamay at lumiwanag ng sobra sa buong kalawakan, Nawala ang lahat ng mga Espiritung mabubuti at ang Espiritu ni Hortameus ay bumangon at itoy nagpasalamat sa Badhalang Luminax sa kapayapaang ipinagkaloob nito sa lahat ng namayapa).......

   -  Samantalang dahil bumalik ang kaliwanagan sa buong kalawakan ay nabatid ni Forneus ang pagbabalik ni Cetus luminax at ng mga Farishta kung kayat inihanda niya ang lahat ng mga nilalang sa paglusob at digmaang magaganap. Inutusan ni Forneus ang lahat na sugurin at patayin ang mga Farishta at si Cetus Luminax.

Mga Farishta: Mahal na Badhala, Sumusugod na po ang mga nilalang upang tayo ay digmain. Anu po ang ating gagawing hakbang ? kasama po nila ang mga hayop at iba pang mga nilalang...

Cetus Luminax: Maghintay lamang kayo mga Farishta.... Kapag sinabi kong sugod!! Ay lusubin ninyo ang mga nilalang na yan na mga taksil sa akin.... Hintayin ninyo muna akong makipag- usap sa mga iyan........

(Mapapahinto panandalian ang paglusob dahil sa pag- uusap na magaganap at papagitna si Forneus sa mga kawal at kakampi nito)..........

Cetus Luminax: Forneus, Ano ang iyong ginawa?? at bakit mo ito nagawa sa ating kaharian.???

Forneus: Sapagkat Luminax hindi lamang dapat ikaw ang makapangyarihan sa lahat batid ko namang ako ang mas nakakahigit sa lahat. Lagi kang may itinatangi at ikaw ay manggagamit at sinungaling. Nagpapanggap kang mabuti ngunit gusto mo lamang kaming gawin na mga alipin mo.... Kung kayat humanda ka sa inyong katapusan sapagkat nasa akin na ang dalawang makapangyarihang dyamante. Hindi ko na kailangan ng iyong mga pagsubok upang maging hari sa lahat.

Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon