Chapter 14: Ang Pagkikita ni Reyna Andromeda at Heneral Lawrence !!!

36 14 0
                                    


                                      Ang Bagong tahanan at templo ni Lolo Sing-to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                                      Ang Bagong tahanan at templo ni Lolo Sing-to

     -  Sa kabanatang ito ay magkikitang muli si Reyna Andromeda at Lolo Singto. Silay lumipat sa katabing bayan na malapit sa baybaying karagatan at kabundukan at kagubatan. Mababait ang mga mamamayan nito kung kayat silay magiliw na tinanggap. Nag- alok ang mga tao ng tahanan kina Andromeda at Lolo Singto ngunit itoy tinaggihan nila sapagkat nais ng Intsik na sa kabundukan magtayo ng tahanan at templo. Sa pasyang ito nagbigay na lamang ng mga materyales at tumulong ang mga tao sa pagtatayo ng templo at tahanan na nais ni Lolo Singto. Makalipas ang ilang araw ay natapos ang templo at tahanan. Ang templo na itinayo ay para sa panahanan ng mga mabubuting Espiritu, pagamutan, bahay dasalan at pangsanay sa mga martial arts. Naging tahimik ang pamumuhay nila Lolo Singto at Reyna Andromeda kasama ang tatlong mga paslit na batang babae. May mga nagpupunta rin sa templo upang magpagamot, magdasal, at magpaturo ng maraming mga bagay kay Lolo Singto lalo na sa mga martial arts. Bumaba ng kabundukan si Reyna Andromeda upang manguha ng kahoy, prutas at mga bulaklak para sa kanila at alay sa templo at nagulat siya ng sa kanyang paglalakad sa tabing karagatan ay may isang lalaki na nakahandusay at walang malay. Dagli niya itong nilapitan at tinulungan. Ginamit ni Andromeda ang kanyang kaalaman sa panggagamot at Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang magkamalay ang lalaki. Pagkatapos nitoy iniupo nya sa isang tabi ang lalaki, kinuha nya ang mga kahoy na naipon nyat itoy kanyang sinindihan upang mainitan ang katawan ng lalaki na basang basa. At sa huli'y siya ay naghanda ng pagkain at kanyang sinubuan ang lalaki. Sa nangyaring itoy nagising ang diwa ng lalaki at itoy nagsalita na kay Andromeda.

Heneral Lawrence: Magandang binibini!!!! Salamat sa lahat ng iyong tulog ha. Tunay ngang kayganda mo mula sa panlabas at ang iyong kalooban.

Reyna Andromeda: Walang anuman.... Akoy natutuwang umayos na ang iyong kalagayan at pakiramdam.(Ginagamot ang sugat ni Lawrence). Teka,  Ano ba ang pangalan mo? Bakit ka sugatan? At ano ba ang nangyari sa iyo?

Heneral Lawrence: Ang ngalan ko ay si Lawrence Klein Garcia....... Tawagin mo na lamang ako sa pangalang Rens... ako ay isang sundalo. Kamiy mayroong misyon sa karagatan upang pigilan ang mga pirata sa masasama nilang mga gawa.... Silay bumibihag ng mga inosenteng tao at nagnanakaw... Nagkaroon ng sagupaan at digmaan ang aming pangkat sa aking pangunguna laban sa mga pirata. Akoy lubhang naging sugatan at hindi namin kinaya ang napakarami nilang bilang. Napakarami nila samantalang iisa lamang ang aming sasakyang pandagat kung kayat kami ay natalo. Akoy kanilang pinahirapan at binugbog at itinapon sa karagatan. Pinalubog rin nila ang aming sasakyan, pinatay lahat ng aking mga kasamahan at ninakaw ang aming mga armas na dala. Nagpapasalamat ako sa Dyos at akoy buhay pa at dinala niya ako rito na inalagaan at tinulungan ng isang magandang binibining katulad mong may busilak na puso.

Reyna Andromeda: Ako si Andromeda, doon ako nakatira sa kabundukang iyon na may templo. Kasama ko ang isang matandang Intsik at ang tatlo nitong mga apong batang babae. Sila na ang itinuturing ko ring mga pamilya. Sige na magpahinga ka na at bukas ay ipapakilala kita sa aking lolo at mga apo niya.

Heneral Lawrence: Maari bang mahiga sa iyong kandungan.... Hindi ako makatulog eh!........ natatakot ako at giniginaw. Maaari ba?

Reyna Andromeda: Ha....... Hindi maaari .... Mahiya ka naman.....

Heneral Lawrence: Sige na nagmamakaawa ako..... Sugatan ako at may sakit. (Biglang hihiga sa mga Hita ni Reyna Andromeda at natulog na).....

Reyna Andromeda: Teka.... Teka lang hindi maaari... bastos na lalaki ito. Hay naku!!!! Tulog na sya talaga !!!! (Wala nang nagawa ang Reyna.... Kukumutan si Lawrence at hahaplusin ang buhok ng lalaki habang ito ay umaawit. Lalapit ang napakaraming mga nagliliwanag na mga alitaptap sa kanilang dalawa.).........

   -  Kinaumagahan ay nagising si Heneral Lawrence at siya'y inaya ni Reyna Andromeda na magtungo sa templo ni Lolo Singto upang doon ay patuloy na magpahinga at magpagaling. Nakarating nga sila sa tahanan ni Lolo Singto at Ipinakilala sa matandang Intsik.

Reyna Andromeda: Lolo Singto.... Magandang umaga po!!! Patawarin po ninyo ako kung ngayon lamang ako nakauwi sapagkat nakita ko po ang lalaking ito na sugatan at walang malay sa tabing dagat. Naawa po ako kung kayat akin syang ginamot at binigyang alaga.... Siya nga po pala si Lawrence ngunit tawagin nyo na lamang po syang "RENS"....

Heneral Lawrence: Magandang umaga po Lolo. Nagagalak po akong makilala kayo. Ako po si Rens, isang sundalo.

Lolo Singto: Ako rin ay galak na kilala ka..... Ikaw ay Malaya tira dito kahit kelan mo gusto. Pahinga ka at pagaling dito. Wag ka hiya sa amin dahil bait kami lahat... Sabihin mo anu kailangan mo, wag ka hiya sa amin kahit ano... Basta bigay mo ako babae dahil wala may gusto sa akin sa mga pasyente at deboto ko. Dahil gwapo ka madami magkakagusto sayo basta bigyan mo ako asawa at chiks masaya na ako doon... Pwede ba?

Reyna Andromeda: Lolo, Hwag po kayong puro kalokohan nakakahiya po sa bisita.

Heneral Lawrence: Opo, Lolo makakaasa ka sa iyong mga kahilingan.

Lolo Singto: Sige- sige.... Sanay katulong din kita sa aking templo.

Heneral Lawrence: Opo Lolo.

Reyna Andromeda: Isa ka pa Rens, kinukunsinti mo ang Lolo ko sa pagiging babaero at bolero nya.. kayo talagang mga lalaki.

Jia: Lolo Singto, may magpapagamot po sa inyo at magpapaturo, sila po ay puro mga babae meron nanaman ho kayong magogoyo, malilinlang at pagpapantasyahan.

Lolo Singto: loko-loko bata ito ha, sige pumasok ka sa silid at mag- aral literature... Bata- bata mo pa ay Chismosa na, hala sige pasok..

Mga anak pahina na kayo at matulog .... Andromeda, alaga mo siya at ipagluto pagkain. Ikaw na bahala sa kanya at ikaw Rens ay palakas ka at pahina na mahimbin. Ako asikaso pa negosyo at babae... Paalam!!

Reyna Andromeda: Lolo, Tumigil ka sa kalokohan mo.

Heneral Lawrence: Lolo Singto, salamat po ng marami.... Utang na loob ko sa inyo ito.

Lolo Singto: Wala anuman. Sige na aalis na ako... Bahala na kayo.....

  -  Sa paglipas ng mga araw ay naging matalik na magkaibigan sina Reyna Andromeda at Heneral Lawrence. Si Reyna Andromeda ang nag- aalaga at nag- aasikaso sa Heneral habang ito ay nagpapalakas at nagpapagaling... Patuloy na napapalapit ang loob ng dalawa sa isat- isa sapagkat lagi silang nag- uusap at nagkukwentuhan sa maraming bagay. Silay namamasyal rin at naglalakbay. Naging malapit rin si Heneral Lawrence kay Lolo Singto at mga apo nito. Sa katunayan ay itinuring nang pamilya at anak ni Lolo Singto si Lawrence. Maraming bagay ang itinuro ang matandang Intsik sa Heneral lalong lalo na ang pakikipaglaban at Martial Arts. Naging masaya ang pamumuhay nila Reyna Andromeda na puno ng kapayapaan at kasiyahan.


Princess FreyahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon